CHAPTER 21 Grey's Anatomy

5.7K 69 25
                                    

A few weeks ago after nang closure namin ni Ash.

Napakagaan sa pakiramdam na wala ka nang iniintinding problema.  Okay? Hindi ko naman sinabing problema si Ash nu?! Makapagreact naman ito. What I mean is wala na akong iisiping sama ng loob at guilt ngayon dahil nakapagclosure na kami.

Kami na ni Elexis ngayon. Siguro nagtataka kayo kung paano kami naging kami?? Basta, naging close na lang kami sa isa’t- isa dahil minsan naging magkagrupo kami sa duty.

Childish. Demure. Cute. At sobrang bait. Wala atang lalake ang hindi magkakagusto sa babaeng iyon eh. Pangarap kaya siya nang mga classmates naming lalaki at laking gulat nila na sa akin pa siya napunta. Haha, gwapo eeh.

For some reasons, hindi ko mapigilang maakit at mainlove sa kanya. She’s always there for me, malambing tapos ang bango pa lagi. Haha, ano Grey?! >.<

Ganito na ang buhay ko ngayon. Literally, iba na ang girlfriend ko.

Oo masaya ako, nagtatawanan nga lang kasama nang barkada, bar hopping kasama nang mga Nursing at dates kasama si Elexis.

“LOVE!” sigaw ko habang hinahabol sa hallway ng pedia ward si Elexis. Niyakap ko siya mula sa likod kaya naman nabigla ito.

“OMG! Love! Nakakagulat ka naman…” balik niya sa akin tapos napatingin siya sa mukha ko, nakayakap parin ako sa kanya. Ang sexy niya sa suot niyang uniform, oo, bagay sa kanya iyong uniform naming pang nurse tuwing duty. May daladala siyang medicine tray at medyo napatabingi pa ata ang nakapin niyang cap sa kanyang buhok nang yakapin ko siya. Ang bango talaga niya! Hmmmmmmm.

Napansin naman namin na nasa amin ang mga mata nang ibang mga taong napaparaan sa may hallway, PDA na kung PDA hahaha, pakialam ba nila.

“Naku, may patient pa ako na kailangang painumin nang gamot nu?! Bumalik ka na sa ward mo, mahuli pa tayo nang CI.” Sabi niya sa akin tapos umalis siya sa pagkakayakap ko. Kinindatan niya lang ako saka lumakad ulit papasok sa pedia ward.

“Sige Love! Bye, see you mamayang lunch.” Kaway ko naman sa kanya.

Nasa morning shift kami pareho ngayon kaya labis ang aking tuwa ng magkakitaan kami sa iisang hospital. Hahahahaha, akalain mo iyon! Mag-aantay na lang ako nang lunch para makita siya ulit tapos bumalik na agad ako sa assigned ward ko.

~

Party naman paggabi, a month kasi bago magpalit ng shifting sa duty kaya naman after duty nagbabar hopping kami. Madilim sa loob nang makapasok ako sa bar, agad ko namang hinanap si Elexis. Hindi ko siya nadaanan sa kanila dahil sabi niya dito na lang daw kami magkita.

Sobrang lakas nang tugtog, sabayan pa ng patay-sinding ilaw at amoy nang usok nang sigarilyo. Ganito ang loob ng isang bar. Laking tuwa ko naman at maganda ang napili ng Nursing ngayon na bar para magsaya.

Isang bar, sa isang hotel. Okay. Maganda nga, para dirediretso na. Hahaha mga tao talaga oh.

“Hey! Nakita mo ba si Elex?” tanong ko sa classmate kong si Elaine na napadaan sa kinaroroonan ko. Tumingin lang ito sa akin at nagmake face na hindi niya narinig ang mga sinabi ko.

“ANG SABI KO… NAKITA MO BA SI ELEXISSSS?!” pasigaw kong tanong sa babaeng mukhang lasing na.

“Ahh, iyong pademure mong gf?! Hahaha, Si Elex?! Nasa dance Floor! Ang daming kasayaw na lalaki!” sabi niya sa akin na ikinabigla ko naman kaya hindi na ako nag-atubiling hanapin si Elex sa dance floor.

Dahil sa usok at patay-sinding ilaw, nagsisiksikang tao, nahirapan akong makita si Elexis. Medyo nabadtrip ako dahil sa mga narinig ko kanina. Bakit naman siya nakikipagsayaw sa iba?

The Martyr GirlfriendΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα