CHAPTER 19 The Martyr GF, Martyr BFF and the Martyr Boy...err, Boy na Friend XD

5.8K 57 12
                                    

CHAPTER 19 The Martyr GF, Martyr BFF and the Martyr Boy…err, Boy na Friend XD

Rooftop.

Ang tambayan namin ni best. Wala siya dito, wala sila dito ng mga classmates kong girls. Ang sabi sa akin nila Kristine, si Grace lang daw ang kasama niya. Awkward nga daw eh at gusto nilang mapag-isa err, magsolo uhm, basta gusto nilang dalawa lang sila.

Ngayon, alam ko na kung bakit naging ganoon ang reaction ni best kanina. Nasasaktan siya. Nasasaktan siya nang hindi ko alam. Hindi niya man lang nasabi sa akin na may nararamdaman siya para kay Sky gayong ako ang bestfriend niya. At hindi ko man lang naramdaman na may gusto na siya kay Sky.

Alam kong mahirap para sa kanya ang sabihin ito sa akin lalo na at ang gusto niya ay may gusto sa akin.

Kailangan ko siyang makausap. Ipaalam sa kanya na nandito ako para sa kanya. Na she won’t have to feel like that over me and kay Sky. I also need to talk to Sky.

For many reasons, hindi na maganda ang idea niya na maging moving on partner ko. L

Arrrgh. Asaan na ang humor ng story na ito kung nagdadrama na lahat ng mga cast nito!

Gusto kong iuntog ang noo ko sa kaharap kong pader.

First, si Grey…

Second, si Sky…

And now, si Best?...

Oh God, I don’t know what to do. Akala ko, moving on na lang at pag-aaral ang aatupagin ko ngayon but it looks like ayaw akong tantanan ng mga problema na may patungkol sa relation sa isang tao.

Wee. Ang lalim. Sana nagpsychology major na lamang ako para madali kong naiintindihan ang mga kinikilos at sinasabi ng mga taong nasa paligid ko. Teka, pagpsychology major ka ba, ganoon?

Anyway, hindi ako nagugutom at mag-isa akong tumatambay ngayon sa rooftop. Loner na kung loner. Aloof na kung aloof. Tsssss. Hindi bagay sa akin ang magemote nang mag-isa dito, hindi naman ganito ang character ko dito, di ba? Dapat ako iyong martyr bakit pati sina Sky at best nahawa na sa kamartyran ko? To think na, ako lang dapat ang nasasaktan dahil iniwan ako ng taong mahal ko?

Bakit ngayon? Hindi na humor itong storyang ito kundi drama na? Char.

Nararamdaman ko ang mahinang haplos ng hangin sa aking mukha at buhok. Parang bumubulong ito sa akin. Saka ko naisip na I may not always end up where I thought I was going but I’ll always end up where I was meant to be.

Where I was meant to be…

If this is where I was meant to be, then maybe I must learn to accept the truth.

Na…

Grey wouldn’t come back for me anymore.

Na…

I will never learn to love Sky.

Na…

Best is inlove with Sky.

Ang gulo, ang gulo. Pwede sa kwento ko na lang ifocus? Sa pagmomove on ko na lang?

Author, Huwag mo na ako dagdagan ng problema at streeeeessssss. XC

~

Josette’s POV

Hindi ko akalaing nagawa ko kay Ash iyong ganoon!

Pero hindi ko kayang tiisin na ang sakit na nararamdaman ko habang nakikita ko siya. Alam kong nasaktan din siya sa ginawa ko and the fact na wala siyang alam tungkol sa nararamdaman ko para kay Sky.

I don’t have any reason to hate her. Iyon na nga, bakit pagdating sa pag- ibig nagkakaroon ka ng rason para kainisan ang mga taong malapit sa taong mahal mo. Oh damn it!

The Martyr GirlfriendWhere stories live. Discover now