CHAPTER 4 Worried Face

6.6K 79 2
                                    

Namamaga ang mata ko, haggard na nga mas lalong naging haggard pa.

Kasama ko pala si Josette Myrtle Scheemer. Ang nag-iisa kong BFF, alam n'ya na agad kung bakit namamaga ang mga mata ko kesa naman dun sa mga bully kong classmates, sabi kinagat daw ng mga ipis yung dalawa kong mata. Aigoo...

"'Yan na nga sinasabi ko e, if sa'kin ka sumabay kahapon hindi ka sana magkakaganyan!" giit ni best. Ginantihan ko lang siya ng kaawa-awang look.

Napabuntong hininga lang siya knowing wala na siyang magagawa.

"Sa sobrang galit n'ya hindi n'ya na ko pinakinggan sa mga ipapaliwanag ko." sagot ko. Well, hindi nga naman ako nakapagpaliwanag kasi naman bumara pa yung lalamunan ko nga di ba? Oh assuming lang ako dahil napatameme lang ako kahapon.

Naglabas ako ng laptop at nagsimulang magtype.

Nasa cafeteria pala kami ng school ngayon, treat nga diba ni bessy ang lunch ko for making up with me? Kung tatanungin mo, Yah, tapos na kami kumain kaya tambay tambay at chika chika to death lang kami dito. Total mamaya pa naman ang class namin.

Nakakabagabag sa kasama ko ang nagcclick kong mouse at ticking ng keyboard ng laptop ko.

"No way! Don't tell me?!" nanlaki ang mga mata ni best nang mauliratan sa ginagawa ko. Nagtaas lang naman siya ng kilay sa'kin.

Hindi naman ako nagpadistract sa kanya knowing na pagsasabihan na naman ako nito.

Heto na nga siya oh, napahinga na ng malalim, bumubwelo na sa makapagdamdamin n'yang speech.

"Matapos ka n'yang sigawan at pahiyain kahapon??! Ito pa ang igaganti mo sa kanya?! Ginagawaan mo siya ng research paper na supposedly siya ang gumagawa!!!" Ayan na, nose-flaring creature na si best. Halatang gusto niya ng paghampas hampasin yung laptop ko para mawalan ng research paper si Grey.

"MY GOD! AZMARIA TELETHA LABRYNITT!! Nabobobo ka na ba!? Sa tingin mo ba mapapabago mo si Grey dahil lang sa paggawa mo ng mga paper works n'ya?? Wake up!" sigaw na naman n'ya.

"You're being used! I can't believe it! Nagpapagamit ka naman!" dagdag pa n'ya ulit.

"P-pero b-best...deadline na kasi 'to mamaya eh? Hindi naman pwedeng wala siyang ipapass?" pagdadahilan ko.

Sa sobrang badtrip ni best na pahampas na lang siya sa table na naging dahilan na pagtinginan kami ng mga tao ngayon sa cafeteria.

"Pagnakita ko yang bulok na inaagnas na mukhang bulateng boyfriend mo, I swear I'm gonna feed him sa mga alaga kong pating!" seryosong sabi ni Josette saka nagwalk-out at iniwan ako.

"Jo-sette..." nag-aalang buntong hininga ko.

Napagusap usapan tuloy kami ni best ngayon sa cafeteria dahil sa nangyari.

But after that, back to work na naman ang gaga, martyr na kung martyr, kailangan kong maggawa 'to. Kailangan matapos ko ito.

Grey's POV

Asaan na kaya yung babaeng yun? Aish. Bakit pa kasi inaway ko yun? Baka hindi n'ya na ginawa yung paper ko? Gad! Kailangan ko ng makipagbati sa kanya para gawin n'ya yung paper ko. Ipapass na yun mamaya e? Asaan na kaya yun siya ah?

Yah, nagpapanic ako?

Hindi naman halata sa'kin di ba?

Kaasar, di pa nagrereply sa mga text ko at nakapatay pa ang phone? Aba! Nananadya?

Tch. Di ko siya pwedeng awayin pa, kailangan magbati na kami.

Out of nowhere nabangga na lang ako ng di nag-iingat na babae.

The Martyr GirlfriendWhere stories live. Discover now