CHAPTER 29 Sembreak Ver. 2.0

3.2K 42 20
                                    

“Sir, saan po ito ilalagay?” tanong sa akin nang waiter na may hawak-hawak na iba’t-ibang kulay nang scented candles, may maliliit , may malalaki. “Ikalat mo lang sa paligid pero huwag mo masyadong ilayo sa table…” ang sagot ko dito. Dapit-hapon na at abalang-abala ako sa paghahanda nang surprise dinner namin ni Azmaria. Todo effort ang kuya ninyo, hindi pa man ako magpopropose pero hihingiin ko na ang kanyang kamay para ligawan. Oo, hindi nga proposal itong gagawin ko! Atat? Atat? Kundi isang mini dinner para maibalik na ang loob sa akin ng babaeng pinagsisisihan kong iwanan. Akala ninyo ba pumayag na iyon na ligawan ko siya ulit?! Hindi no?!! Nahawa na ata kay Josette iyon nang katarayan eh, kung alam ninyo lang. Basta, wish me luck!

“Grey!” biglang tawag sa akin ni Grace at nagtataka itong lumapit sa akin. “What are all this?” diretsahang tanong niya sa akin.

“A dinner date, a surprise dinner date.” I’m really confident nang sagutin ko ang kanyang tanong. Bakas naman sa mukha ni Grace ang pagkabigla.

“Don’t worry nagpaalam ako kay Angelie and she approved kaya huwag kang magbalak na ispoil ang surprise ko kay Ash kung hindi gigilitan ko nang buhay si Clifford!” pabiro kong explanation kay Grace bago pa siya magratrat sa akin nang mga tanong.

Napasmirk lang ito at halatang natatawa sa ibinanta ko sa kanya. Napangiti siya at masaya niyang pinat ang balikat ko, “I hope it turned out well, Grey. At sana naman seryosohan na talaga iyan? To the highest level na talaga? Wala nang gagohan?” bulalas nito na ikinabigla ko rin. Akala ko she will scold me for this insanely deed at sa takot niya na magilitan ko ang BF niya pero instead ichineer niya pa ako.

“Thanks, Grace…” mahinahon kong sagot sa kanya, naoverwhelmed naman ako. Mas lalo tuloy akong ginanahan sa paghahanda. This is it?!! Kailangang mapahanga ko si Ash sa ginawa kong ito na to the point na she will have to cry! Tears of joy naman, kayo naman oh?! Defensive agad?

Nakaset ang surprise dinner date ko sa beach since she really like the ocean. Mabuti na lang at nakikiayon ang panahon at hindi maulap or uulan. May Japanese table sa gitna nang isang picnic mat sa buhanginan  tapos sa palibot nito ay iba’t-ibang scented candles to light the night. Oh di ba? Anong say ninyo? Nagpahanap pa ako nang mga starfish para gawing mga design at magcompliment sa theme nang dinner namin beside the ocean. Hahahahah, imaginin ninyo na lang ang hirap magdescribe eh. XD

At long last, natapos na ang preparation at tanging ang move ko na lang ang kulang. Tityempuhan ko siya sa night swimming namin mamaya. I know by now nagpiprepare narin sila para maligo. “Okay na ba ang music para mamaya?” tanong ko sa waiter na nag-aayos nang sound system. “Opo, sir…” Yes! Mukhang okay na ang lahat… :D

Kaya mo ito Grey, relax… hindi ka pa naman magpopropose kaya huwag kang kabahan. Ikaw na iyan?! Arrrrrrgh, pero kinakabahan ako hahahahaha. Ano ka ba para ka lang nag-iinject ng gamot sa ugat nang pasyente! ‘Yun na nga eh! Para akong magtuturok nang gamot sa pasyente for the first time! Nakakakaba!!!!

Gahd. Kinakausap ko ang aking sarili hayyyy, I hope it turned out well.

Dali-dali akong pumunta sa pool side, wala pa sila Ash marahil ay nahihiya pang lumabas ang mga iyon dahil required silang magswimsuit sa resort hahahahaha. Nakita kong nandidito narin ang iba. Kung tatanungin ninyo ako, ilang parin ako kina Erwan at Sky pero siyempre kung hindi naman nila ako ginugulo ngayon dito, hindi ko rin sila guguluhin. Sadyang wala na lang pakialamanan.

“Oh Grey? Bakit hindi ka mapakali?” ang tanong sa akin ni Clifford nang makita niya ako. May hawak-hawak na naman itong pagkain. “Ha?! Hindi naman ah? May iniisip lang…” sagot ko kay Clifford at kumagat sa hawak-hawak niyang sandwich. “Hoy! Kumuha ka nang sa iyo?! Problema neto…” reklamo naman niya. Mukhang si Grace lang ang nakakaalam nang plinano ko at wala pa itong pinagsasabihang iba maski sa lalaking ito na katabi ko ngayon.

The Martyr GirlfriendWhere stories live. Discover now