CHAPTER 26 Elexis' Side of Story

4.3K 53 12
                                    

It’s been a while since nagbreak kami ni Grey. Naiinis ako dahil it caused too much ruckus sa classroom pati narin during duty. Hindi niya na ako pinapansin o binabati man lang kahit magkasalubong pa kami sa daanan. He’s pretending I don’t exist! Umiiwas siya sa katotohanang naging magkarelation kami. Ang totoo hindi ko naman talaga minahal si Grey, siguro sa kanya ko lang natagpuan iyong acceptance na hinahanap ko sa isang tao about sa akin. Minahal niya ako for who I am and what I am kaya naattach ako sa kanya. Kaya naman inagaw ko siya sa girlfriend niya. Honestly, hindi ko naman talaga siya inagaw literally eh, sadyang nagkagusto lang talaga sa akin si Grey.

Who can resist my charm anyway?

Pagpasok ko sa klase, masama na agad ang tingin sa akin nang iilang mga classmate ko marahil na ipakalat na ni Grey sa lahat ang dahilan nang pagbibreak namin at ako ang lumabas na masama. Lumapit sa akin ang kaibigan kong si Sharlene at ikinuwento sa akin ang mga nagkalat na chismis.

“Hindi iyan totoo! Walang third party!” react ko sa kanyang mga sinabi.

“Huminahon ka Elex, iyon nga ang napapabalita. Eh ano ba kasi ang naging dahilan kung bakit kayo nagbreak?” tanong naman sa akin pabalik ni Sharlene.

“Kung makakalat naman nang balita wagas, ganoon na ba ako kasama?” ang sabi ko naman at napalingon kay Grey na masayang nakikipagtawanan sa mga classmates namin na lalaki.

It pissed me off. Siya may kasalanan nito eh! Kung hindi niya kinalat iyong mga maling balita na ito, hindi sana magiging magulo ang lahat.

“Eh ano nga ang dahilan?” tanong sa akin ni Sharlene.

“Simple lang, ayoko na sa kanya!” Ang mataray kong sabi. They want the b*tch-side of me? Then, I give them the b*tch-side of me.

“Is he one of your toys again?” mahinang tanong sa akin nang kaibigan ko. Kaibigan ko nga ba talaga ito?

“Probably, yes…” Okay, be the b*tch.

Sa sobrang pikon ko, lumabas ako nang classroom. Sinamahan naman ako ni Sharlene sa rest room para magpowder. Pero bago pa ako makapasok sa loob nang CR, narinig ko ang aking pangalan mula sa ibang classmates namin na babae na nasa CR din nang mga oras na ito.

“Si Elexis? Sa totoo lang kahit sino lang naman pinapatulan niya eh.”

“Oh? Hindi nga?”

“Nakwento din sa akin iyan nang kaibigan ko, nagkaaffair din kasi sila ni Elexis noon.”

“What?! Is that for real?”

“Anong problema niya?”

“Makati eh, gustong magpakamot…” tapos nagtawanan sila.

Wala akong lakas nang loob na pumasok at itanggi ang lahat ng kanilang mga sinabi kaya naman napatakbo ako palabas nang building. Hindi ko na kinaya at napaiyak na ako. Narinig ko lang na tinawag ako ni Sharlene pero hindi niya naman ako sinundan.

Pakiramdam ko mag-isa lang ako, walang mga tunay na kaibigan sa mapanghusgang mundo.

Sa totoo lang wala akong pakialam sa mga sinasabi nila eh. Sadyang naiinis lang ako sa mga nagpakalat nang mga chismis na iyon. Hindi rin gaanong malaki iyong galit nila sa akin ha?

Nagtungo na lang ako sa cafeteria para magkape, total pumasok ako nang wala pang breakfast. Nag-order ako nang isang cup nang coffee at naupo sa bakanteng mesa malapit sa may bintana. Kokonti lang ang tao ngayon sa cafeteria dahil karamihan ay may mga klase na.

Matapos makahigop nang kape, hinimas himas ko ang aking temples, sumakit ang ulo ko sa stress. Nakakainis talaga, nakakainis talaga sila.

Insecure lang ba talaga ang mga chismosang kaklase ko o insecure lang talaga sila? Arrrgh. Ano daw?!

The Martyr GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon