CHAPTER 13 The Truth Hurts

6.1K 71 6
                                    

Josette's POV

Nakita kong nakayukong pumasok si Azmaria. May nangyare ba? At saan naman siya galing? I didn't have the chance to ask her kasi naman dumating na yung professor namin para sa next subject.

Silence crept us.

Si Sky nakatingin lang sa bintana. Si Azmaria naman nagdodrawing sa notes niya. At ako worried na worried sa kanilang dalawa. Halatang hindi kami nakikinig sa nagtatalak na prof sa harap.

Sa loob ng dalawang oras, ganoon at ganoon lang ang ginawa naming tatlo. Not to mention me na nagpipretend makinig pero the truth is lumilipad yung isip ko.

Nagring yung bell. Bago ko pa mayayang kumain si Ash, wala na siya sa kinauupuan niya. Saan naman pumunta yun? Napatingin ako kay Sky na nakatingin din sa upuan ni best, nag-aalala.

"Siya din ang makakadiskubre ng lahat kaya hindi na natin kailangang ipilit na sabihin sa kanya ang totoo" Sky said and then he left.

Ang lalim nun ah?!

--

Grey's POV (pinakahihintay ba?)

Elexis texted me na nasa cafeteria daw siya at gumagawa ng case study niya. Self supporting nadin ako ngayon since last week nang magdecide akong iwasan si Azmaria. *A/N: Siya na daw kasi gumagawa ng paper works niya* I still don't have the courage to tell her... that I love Elexis.

Nakita ko yung message ni Ash kaninang umaga. I deleted it.

Excited akong makita si Elexis ngayon since kanina magkaiba kami ng class. I open the door at masayang pumasok sa loob ng cafeteria.

Pasimple simpleng hinahanap si Elexis but I was shocked nang hindi si Elexis ang nakita ko kundi si Azmaria.

Bumilis yung tibok ng puso ko, bigla akong kinabahan ng makita siya. Hindi ako makagalaw. I know hindi ko pa siya kayang harapin. May part ng puso ko na tumitibok padin para kay Azmaria. Mahal ko parin ba siya? Eh si Elexis na ang mahal ko ngayon.

Kumuha ako ng lakas ng loob sa thought na iyon. Nilapitan ko siya, binanggit niya ang pangalan ko. Ang weird, parang namiss ko yung boses niya. Hinalikan ko siya sa noo, yun na lang ang magagawa ko para sa kanya.

"You're so mean" sabi niya. Oo, napakasama ko talaga. All you ever do is love me but I only repay you with so much pain. And if you'll know the truth, alam kong mas masasaktan ka. Hindi ko alam ganito pala ako ka-sama sa kanya.

Nagulat ako ng abutan niya ako ng isang can ng pineapple juice, paborito niya narin ito since lagi ko itong binibili sa kanya. Noon, noong siya pa ang mahal ko.

Bigla siyang ngumiti na nagpakirot naman ng puso ko. Ang ganda niya talaga lalo na kapag ngumingiti siya. Pero bakit?

"Thanks" sabi ko nang kunin ko sa kanya yung juice.

"That was supposed to be kay Elexis, yung classmate mo. I told her to wait for me kasi bibili ako ng juice but then pagbalik ko umalis na siya..."

Sa narinig ko, parang mawawasak ang puso ko. They met already. Paano? Alam na ba niya? Pero mukhang sa kinikilos niya ngayon mukhang hindi niya parin alam.

Kaya ba umalis si Elexis? Ano kaya ang sinabi niya kay Azmaria?

"I'll give it to her. If para sa kanya talaga 'to. Bibili na lang ako ng akin"

Kailangan mag-usap kami mamaya ni Elexis about dito.

"Thanks, Grey" ayan na naman yung ngiti niyang nakakapaamo sa akin.

After that smile, she became quiet. She bare a worried face. Ang mga mata niya'y napakalungkot and I can't help it.

I hugged her. Hindi ko siya matiis. Ang gulo na ng isip ko.

The Martyr GirlfriendWhere stories live. Discover now