CHAPTER 24 The Dance

4.7K 70 9
  • Dedicated kay Hiei-kun Ybañez
                                    

Napansin kong parang nagbago ang aura ni Ash matapos magCR. Konti lang naman ang kanyang kinain kaya imposibleng natatae lang ito. Kinakausap siya ni Josette pero parang wala ito sa sarili. May nangyari kaya sa kanya? Inilibot ko ang aking paningin sa loob nang hall pero hindi ko na natanaw si Grey, mukhang umalis na ito matapos ang kainan. Eat and run te?

Napalingon naman kami sa stage nang magsalita ulit ang Emcee…

“The dance floor is open for the dance for all tonight, kaya ano pang hinihintay natin. Let’s Parteeey!” masayang bulalas nang emcee tapos nagpatugtog na ito nang mga makabagong dance craze music.

Harlem Shake ang unang isinalang na kanta at mapabata, matanda, may ngipin man o wala ay tumayo na para makipagsayawan sa dance floor.

“Sayaw na tayo, Ash! Sky! Josette!” yaya sa amin ni Steph pero tumanggi kaming tatlo. Napatingin naman sa akin si Josette.

“Ako na bahala dito, Sky…” saad niya sa akin pero nagpanggap akong walang narinig.

“Ah… Magsayaw na kayong dalawa Sky, best!” tulak naman bigla sa amin ni Ash. Tapos ikinataka naman namin ang biglaang pagaaya niya sa amin na sumayaw.

“Bakit kami lang, pati ikaw nu?” reklamo ni Josette tapos napacrossed arms ito.

“Hindi, dito lang muna ako…” mahinang sagot ni Ash sa amin.

Biglang lumapit sa table namin si Grace at hinablot si Josette tapos hinablot naman ako ni Josette patungo sa dance floor.

“Sumayaw kayo!!” masayang sabi sa amin ni Grace. Nasa dance floor na kami at magkaharapan ni Josette pero mukhang nagkakahiyaan pang sumayaw.

“Pa’no si Ash?” tanong ko kay Josette, hindi niya ako sinagot. Napalingon siya sa kaibigan na naiwang mag-isa sa mesa. Sumenyas lang ito nang OKAY sa amin.

“Nag-aalala ka sa kanya?” tanong ni Josette sa akin.

“You know hindi ko naman maalis iyong pag-aalala sa kanya eh, kahit ikaw din naman.” Balik ko sa kanya.

Tapos natawa na lang si Josette sa akin, sumayaw siya nang parang sira sa harap ko at niyaya niya narin akong sumabay sa beat nang tugtog.

“You’re such a crazy dancer! Mamaya nandito na ang mental para sunduin ka!” pang-aasar ko kay Josette tapos hinampas niya naman ako sa balikat pabalik.

“Sinong susunduin nang mental? Baka ikaw?! Tingnan mo nga iyang sayaw mo parang nakaigit lang sa pantalon! Hahahahahahaha.” Tapos halos mamatay na ata siya sa kakatawa sa pang-asar niya sa akin. Joker talaga ito ever.

“Nakaigit ka diyan? Loko ito ah?!” react ko sa kanya. “Ikaw nga diyan parang naligaw lang na kitikiti dito sa party.” Tapos tumawa naman ako habang bumabanat nang harlem shake.

“Hahahahaha, kitikiti ka diyan? ikaw naman bangaw!”

“Ikaw palaka!”

“Ikaw butiki!”

“Ikaw ungg---“ napatigil kaming dalawa dahil naging sweet ang music. Naging awkward ito sa amin.

“Can we—can we go back now?” tanong sa akin ni Josette, alam kong naiilang din siya sa slow dance na dapat ay ginagawa na namin ngayon dahil sweet na ang music.

“Hahahaha, natatakot ka amasona?” tanong ko sa kanya, I’m teasing her.

“I don’t know how to dance like them.” Tapos pinoint-out ni Josette iyong mga katabi namin na sumasayaw nang slow at sobrang sweet.

“Wala… takot ka lang talaga!” I challenged her. Alam kong ayaw ni Josette na nagpapatalo kaya naman…

“You’re such a jerk, you know, Sky!” tapos humawak na siya sa kaliwang balikat ko, ako naman nakahawak sa kanang tagiliran niya, tapos magkahawak kami nang kamay sa kabila.

The Martyr GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon