Lunch time ngayon pero ang kinakain ko ay snack...para sa iba. At dahil gipit ang kagandahan ko, ito na ang lunch ko. Hindi naman siguro ako mamatay agad. Pantawid gutom lang. Hirap talaga kapag wala pa  akong pinagkukunan ng pera.

Pinapak ko na ang biskwit na dala ko nang bigla nalang inagaw ito ni Jude sa akin. Pusang gala!

"Jude! Akin na nga yan" pilit kong inagaw sa kanya ang tanging pantawid gutom. Naman oh!

"Alam mo, bagay talaga sayo ang pangalan mo? Jude. In some terms, Judas!" nilalayo nya pa rin ang pagkain ko sa akin. Ugh!

"Akin na nga sab-" napatigil ako ng bigla nalang nya pinuno ang bibig ko ng sandwich pagkatapos ay nilagyan nya na rin ang mesa ko ng juice. Kaya pala.

"Tama ka bes. Bagay talaga sa akin ang pangalan ko! Marie. Parang si Virgin Mary lang. Puro at napakabusilak ng puso." umirap pa sya bago tuluyang umupo.

Hindi ko inaakalang ibibigay nya ang baon nyang sandwich sa akin.

"Jude..." binigyan ko sya ng malamig na ekspresyon.

Ni minsan ay hindi ko gustong kaawaan ako ng mga taong nakapaligid sa akin. Ayokong magmukhang  kaawa-awa sa bawat matang nakakakita sakin. Ayokong makita nilang nangagailangan ako ng tulong sa iba. Na nakadepende ako sa iba. Ayokong tumanaw ng utang na loob. Ayokong humingi ng tulong. Ayoko.

Kaya hangga't maari, hangga't humihinga pa ako,pipilitun kong tumayo sa sarili kong mga paa. Na kahit naghihirap ako ay kaya kong bumangon. Na sa pagbangon ko ay wala na akong lilingonin sa likod ko. Na dapat sarili ko lang ang nakakaalam.

Sariling kayod. Sariling pawis. Sariling dugo. Sariling luha.

Sariling paghihirap.

"Don't worry, I don't pity you. It's just that I'm full already. Di ko kayang maubos eh. Andami kasing pinadala si mommy."

Alam kong nagsisinungaling lang si Jude. Sa ilang taon naming pagkakaibigan, alam ko kung kailan sya nagsasabi ng totoo at kung kailan hindi.

Ilang beses na niya akong sinubukang tulungan pero ilang beses  ko na rin iyong tinanggihan. Lalo na sa usaping pinansyal.

I grew up with a strong principle. Prinsipyong  ayaw kong may maagrabyadong tao sa bawat  seryosong kilos ko.

.

.

.

.

.

Natapos na ang  lunch break kaya ngayon ay nasa lobby na kami ni Jude papunta sa room. Magkaklase  kami sa unang subject namin sa afternoon schedule.

Napansin kong parang may kinakapa sya. Hinahalungkat ang bawat parte ng kanyang bag ng may kunot na noo.

"Bes... mauna ka na muna"

"Huh? Bakit?"

"parang naiwan ko ata yung lecture notebook ko. Sa chemistry pa naman yun"

"Oh okay." kalmado kong tugon. Mas nanliit yung mata ko ng mag pout sya ng labi. Tinaasan ko sya ng kilay at binigyan ng why - pouting - your - lips look.

"Hindi mo man lang ako sasabihan ng 'mag ingat ka bes ha! baka mapano ka. Iiyak talaga ako pag may nangyaring masama sayo. Take care, okay?' linyahang ganun kumbaga?"
umarte pa syang nag - aala at mas pinaliit ang boses.

"Ang arte mo... Okay bes, go ahead. Take care! Watch your step! Road end ahead. Don't block the driveway, understand? " puno ng sarkasmong sabi ko.

"Like seriously? So touching" she rolled her eyes on me before leaving alone on the lobby.

Matapos nya akong iwan ay  nagsimula na rin akong maglakad papunta sa room. Ilang minuto nalang at magsisimula na ang klase kaya iilan na lang ang nakakasalubong ko.

Maya maya pa ay nakasulubong ko ang isa sa mga kaklase ko. Sinabing wala si prof ngayon dahil umabsent daw without leaving a note for an activity. Kaya minsan nakakatamad na ring pumasok. Pumasok ng walang nagtuturo. And as a result, hindi na ako tumuloy at nilampasan ang room ko. Malalaman naman siguro ni Jude na walang teacher pag pumunta na sya dito.

Dumiretso ako sa tanging lugar sa university kung saan ako nakakapagpahinga. Kung saan madalang lang ang mga tao. Kung saan ako natutulog. Huminto ako sa kulay puting double door naay desinyong pang ancient. Sa harap ng pintuang ito ay may nakalagay na signage. School library.

Walang pagdadalawang pinasko ko ito at saktong wala doon ang librarian. Kung sisuwertihin ka nga naman. Agad kong inilibot ang paningin ko para maghanap ng maaring tulugan. Sa pinakadulong bahagi.

Habang papunta doon ay kumukuha naman ako ng mga makakapal na libro para gawing higaan. Ang dumi pa naman ng sahig. Baka madumihan pa ang damit ko. Sayang naman kung bibili pa ako ng panibagong sabong panlaba. Dagdag gastusin na naman lalo na't nasa inflation rate ang Pilipinas ngayon!

Ng makahanap ng maayos na puwesto ay isa isa kung nilapag at inayos ang libro sa sahig pata higaan. Ang bag ko naman ang gagawin kung unan.

Saktong hihiga na sana ako ng may tumama sa ulo ko! Teka? Libro? Bakit ako tinamaan ng libro kung ako lang naman mag isa dito? Tiningnan ko ang pangalan nito.

Why do we need to protect someone?

Ang weird. Ano kayang nakain ng author at ito ang naisip nyang title? Pero teka nga, back to reality. SINONG HINAYUPAK AT HINULOG PA MISMO SA ULO KO?!

Hinanap ko ang kung saan ang pinanggalingan ng nahulog na libro. Nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang side ng bookshelf na nakapagitan sa kabilang bookshelf. Sigurado akong hindi yun aksidente. Sinadya yun.

Walang pag aalinlangan akong pumunta doon.  Nadatnan ko ang isang lalaking kakababa lang sa metal ladder. Tumingin sya sa direksyon ko at kita ko ang pagkabigla sa mukha nya. Akala ko sya  lang ang masusurpresa ko. Mukhang naging taya ata kami. Patay kang lalaki ka! Ang lalaking akala ko di makabasag baso! Sa gulat ay agad siyang tumakbo para layuan ako.

Ngayong alam ko  na kung sinong sumira ng dapat na pahinga ko, wag kang umasang tatantanan kita...

" Mr. Ken Liam Berdex"  I murmured with a playful smirk. You mess with a short tempered tiger.

TWO strings become ONE (On-Hold) Where stories live. Discover now