Chapter 44 Final Battle

21.7K 623 11
                                    


Third person's POV

"Ipaghihiganti ko ang anak kong si Agri!"galit na sabi ni Irene kay like habang sakal ito ng braso nya.

"Tsk!isusunod na kita sa pagkamatay ng anak mo!''balik na sabi ni Lilith at siniko qmg tagiliran nito kaya nakawala ito sa pagkakasakal ni Irene,agad syang humarap at sinipa ito pero  nagawa parin nitong makatayo.Muling sumuhod sila sa isa't isa pero hindi nila nagawang malapitan ang sarili nila ng may humawak kanilang ulo at bigla silang iwinasiwas kaya pareho silang natumba.

Inis nilang tinignan ang may gawa nun sa kanila at pareho silang nagulat kung sino ang may gawa nun.

Isang babaeng nababalutan ng liwanag at nakaputing damit na may armor rin na gawa sa silver.meron itong koronang Crescent moon sa ulo nito at mayhawak na pana.

"Moon goddess....."sabay pang sabi nila Lilith at Irene.

Isang pagkamuhi ang tingin na ibinigay ng moon goddess kay Irene,at isa namang pangungulilang tingin ang isinulyap nya kay Lilith pero sa mga oras na ito hindi nya maaring unahin ang pansariling nararamdaman kailangan nyang tulungan ang kanyang mundong nilikha,ang Tenderu.

Itinutok nya ang kanyang pana na may liwanag na hugis palaso sa itim na usok kung saan naglalabasan ang mga nilalang na kulay itim bago pakawalan ang palaso,pagkatapos nya itong mapuntirya ay unti unting naglaho ang kaninang itim na usok ay huminto na ang paglabas ng mga kulay itim na nilalang.

Tumayo si Irene at ambang ihahagis ang kanyang espada sa direksyon ng moon goddess pero binalya sya ni Freya kaya bumagsak silang dalawa sa lupa.

Mabilis namang tumayo si Lilith at kinuha ang espada nya at itatarak na sana ito sa wolf ni Daseri pero pinana ng Moon goddess ang kanyang kamay kaya hindi ito natuloy.

Nang makabawi at makatayo sina Freya at Irene ay nagsukatan muna sila ng tingin,parehong may namumuong mga aura sa kanila.Napahinto ang ibang naglalaban dahil sa prosensya ng kapangyarihan na nanggagaling sa apat na babae na may malalakas na kapangyarihan.

Ang iba ay humanga pa dahil nakita nila ng malapitan ang moon goddess at ang iba ay nagagalak pa dahil kasamang nakipaglaban ang moon goddess sa kanila.

Para naman kay Daseri, alam nyang mahihirapan syang makisabay sa paglalaban ng tatlong malalakas na babae kaya pasimpleng nagmindlink sya sa moon goddess na sya ang magiging back-uo nito sa kaling mag-umpisang sumugod na ang dalawa,sumangayon naman ito sa kanya at nagpadala rin ito ng mensahe gamit ang isip nito kay Freya tungkol sa kanilang plano.

Matapos magsukatan ng tingin ay nagumpisa ng sumugod ang bawat isa.Unang nagkaharap sina Lilith at Freya,kinalmot nya ito sa tiyan pero hindi nito ininda iyon at pinagaling lang ni Lilith ang sarili,muli nitong itinaas ang kamay nya at handa na sanang hiwain ng espada nya ang wolf ni Daseri pero sinipa sya ng moon goddess bago itaas ang pana nya na may oalaso na liwnag at pinatamaan si Irene na papasugod palang ngunit nakailag ito.

Bago pa man magawang saktan ni Irene ang moon goddess ay sinipa na sya ng wolf ni Daseri kaya tumilapon ito,pero biglang lumitaw si Lilith sa kanyang likod at sasaksakin na sana sya ng espada pero pinana sya ng moon goddess sa likod kaya napadaig ito at hindi nagawa ang balak.Dahil hindi ordinaryong palaso ang tumama sa likod ni Lilith ,hindi nya  mapagaling ang sugat na natamo nya pero binali kang nya ang palaso sa kanyang likod pero naroroon parin ang sugat nito.

Bigla silang nakaramdam ng isang malakas na hangin at nagulat nalang sila ng humamas ang pakpak ni Irene sa kanila kaya tumilapon silang tatlo.
Agad na tumalon si Freya para sugurin si Lilith,nadaganan nya ito at kinagat ang kanyang balikat pero may sumipa sa kanya ng malakas kaya humagis sya sa gilid,nakita nya ang pagsaksak ni Irene sa gilid ni Lilith kaya mas malakas itong dumaing pero sumunod na dumaing naman si Irene ng sunodsunod syang panain ng moon goddess agad na kumilos ang wolf ni Daseri at sumugod bago kagatin ang pakpak ni Irene.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Where stories live. Discover now