Chapter 34 Warning

28K 688 11
                                    

Daseri's POV

Walang emosyon kang makikita sa mukha ni alpha,alam ko naman na nahihiya sya sa nangyari kanina.

Kasi naman ng malaman nyang buntis ako ay hinimatay ang magaling na hari sa sobrang tuwa,sa harap pa talaga ng doktor.

Pinagbantaan pa nga nya ito na lalapain ng buhay kapag ipinagkalat nya ang nangyari kanina.

Pulang pula pa nga ang mukha nya ng tinanong ko sya kung bakit sya hinimatay sabi nya ay nabigla daw sya,weh?ang sabihin nya naging OA ang reaction nya.

Pero mas masaya ako dahil natupad ko na ang matagal ko ng ng pangarap na magkaroon ng anak kay alpha.

Sa wakas hindi na ako maiingit sa iba na may anak na,maari ko narin syang laruin kapag malaki na sya.

Pero hindi parin mawala sa isipan ko ang pangalan ni Lilith,sino ba sya?pakiramdam ko kilala ko sya hindi ko lang matukoy kung saan ko narinig ang pangalan nya.

Sana walang mangyaring masama sa pagluwal ko sa aking anak,sana maging ayos lang ang lahat,dahil pakiramdam ko may darating na kung ano sa buhay ko at sa amin ng magiging anak ko.

Habang nagsusuklay ako ay nakaramdam ako ng tila may yumakap sa aking likuran,si alpha!

Hinahalikhalikan nito ang aking batok kaya nakakaramdam ako ng kakaibang kiliti at libo libong kuryente na dumadalaloy sa aking katawan.

Hinarap ako nito at duon na inumpisahang halikan ng mariin ang aking mga labi.

Naramdaman ko nalang na inihiga na pala ako nito sa aming kama bago pumatong sa akin pero hindi nya msyadong idinagan ang buong srili sa akin para hindi maipit ang ang anak namin.

"Pagbigyan mo muna si Daddy baby..baka  matagalan pa bago ulit matikman si mommy eh"sabi nito habang hinahaplos ang aking tiyan na walapang umbok matapos nyang humiwalay sa akin ng halik.

Isa isa nyang tinanggal ang aking saplot sa katawan at maging sya ay nagtanggal narin ng kanyang suot bago ako muling halikan sa labi.

Paulit ulit nya akong inangkin hangang sa makatulog ako dahil sa pagod sa ginawa nyang pag-angkin.




Zerux's POV

Kasalukuyan kaming nakahiga dito sa kama ng aking mate natutulog na sya habang hinahaplos ko ang buhok nya.

Hindi parin ako makapaniwala na magbubunga ang pagmamahalan namin ng aking luna.

Sobrang saya ko sa puntong hinimatay pa nga ako dahil sa labis na tuwa kahit nakakahiya ay ayos lang basta magkaka-aanak na ako.

Yes!!!!! DADDY na ako!!!!

Yan ang gustong gusto kong sabihin kaganina pero dahil dala ng labis na emosyon ayun daig ko pa yung buntis kung mahimatay.

"My child......."nakarinig ako ng isang malumanay na tawag sa kung saan,imposibleng ang mate ko iyon dahil naghihilik na ang isang to kaya siguradong hindi sya iyon dahil iba rin ang boses nito.

"My child..."muli na naman itong nagsalita at sapagkakataong ito ay nagliliwanag ang buong paligid.

Niyakap ko ang aking mate dahil ayoko na may mangyari sa kanilang dalawang hangang sa tuluyan na akong lamunin ng liwanag.

Naramdaman kong nakahiga ako sa damuhan,iminulat ko ang aking mata at nakikita ko ang napakaraming bituwin sa madilim na kalangitan ,senyales na gabi parin.

Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin na umiihip sa aking katawan,napabalikwas ako ng maalala ang nangyari kaganina.

Hinanap ng aking mata ang aking mate pero tanging isang malawak na bukirin ang nakikita ko dahil narito ako sa isang mataas na bangin..

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Where stories live. Discover now