CHAPTER 1 RUTHLESS KING

66.4K 1.7K 155
                                    


Third person's POV

Nakatayo ang alpha king sa harap ng bintana ng kanyang opisina habang pinagmamasdan nyang sumikat ang araw,isang panibagong araw na naman para sa kanya na hindi kasama ang kanyang mate.Isang libong taon na nyang inaasam na magkaron ng mate pero sadyang hindi yata naririnig ng Moon Goddess ang kanyang pagsusumamo.

Natigil sa pagiisip ang alpha ng may kumatok sa kanyang pintuan.

"Come in" Malamig na wika nito

Mula sa labas ay pumasok ang isang lalaki na halos kaidad lamang ng alpha namay mataas ding posisyon sa kahiraan,ang beta ng alpha king
Yumuko sya tanda ng paggalang sa mas nakatataas sa kanya.

"Good morning Alpha" magalang na sabi nito habang nakayuko parin.

"What is it now..?" wika ng kanyang alpha

"There are some rouge that we caught this morning..what shall we do to them?"tanong nito

"Torture them first , before you kill them. I don't want any invader inside my kingdom." Walang paligoy ligoy na sabi nito sa kanyang beta

"Yes alpha .." sabi nito bago umalis ng silid.

Hindi mo mababakasan ng awa ang kanyang malamig na mata,wala kang makikitang kahit anong emosyon dito.Kung gaano sya kabagsik ganun din ang pamumuno nya sa kanyang nasasakupan,ayaw nyang may nakaka pasok sa kanyang kaharian lalo na kung walang pahintulot nya,parusang kamatyan lang naman ang agad agad na ipapataw sayo kapag nagtangka kang pumasok sa teritoryo nya.Isang dahilan kung bakit sya kinatatakutan hindi lang ng mga werewolves pati narin ang mga bampira , sirena at maging mga witch ay ilag sa presensya nya dahil sa kapangyarihan nito.

Tama,ang tinaguriang ruthless alpha king ay may kapangyarihan,meron syang mahika na pinaniniwalaang kaloob ito ng moon goddess sa kanya pero sabi naman ng iba ito daw ay isang sumpa mula sa dyosa ng buwan.
Dahil maykakayahan syang kontrolin ang isipan at paghinga ng isang nilalang,kaya rin nyang palakihin ng sobra ang kanyang wolf kapag nagsi-shift sya,at kaya kanyang patayin sa pamamagitan ng pagtitig sa kanyang mga mata sampung metro ang layo mula sa kanya at hindi rin sya tinatablan ng silver at wolfsbane na nakapagpapahina o nakakapatay ng isang werewolf.

Pero ito rin daw ang dahilan kaya ayaw syang bigyan ng mate ng moon goddess dahil sa kakayahan nito,dahil malakas na raw ito kaya hindi na nya kailangan ng mate yun ang pinaniniwalaan ng iba sa kanila.Pero para sa kanya gusto nyang magkaroon ng mate namakakasama nyang mamuno sa kanyang kaharian at mamahalin nya paghabangbuhay kaysa ang magkaroon ng kakaibang kapangyarihan.

Lumabas sya ng kanyang opisina at bumaba sa magarbong hagdanan ng kanyang palasyo patungo sa gubat. He want some run to make his mind clear,dahil mababaliw yata sya kung magpapatuloy ang pag iisip nya sa kanyang mate.

He shift into a big black wolf with red burning eyes and a mark of crescent moon on his forehead at nagkapunit punit naman ang kanyang damit dahil sa pag si-shift nito. Tumakbo sya papasok ng gubat at dinadama ang masarap na hangin sa kanyang balahibo. Malawak ang sakop ng kanyang kaharian hindi pa kasama ang mga Pack na kanyang nasasakupan kaya pwedeng pwede nyang takbuhin ang lugar na ito hangang sa mapagod sya.Gusto nya munang marelax at hindi muna isipin ang kanyang problema sa di pagkakaroon ng mate.

Pero habang tumatakbo sya ay nakalanghap sya ng masangsang na amoy ng isang rouge,meron na naman syang paglalabasan ng frustration nya,napangisi sya sa naisip pero ito ang gustong gustong gawin nya ang pagpirapirasuhin ang katawan ng rouge na pangahas na pumasok sa tiretoryo nya.

Nang makarating sya sa kinaroroonan ng rouge ay agad nya itong sinakmal sa leeg,bumulwak ang masaganang dugo mula sa leeg nito. Namilipit ito sa sakit dahil sa pagkakasakmal sa kanya ng kinatatakutang alpha king hangang sa tumigil na ito paghinga.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Where stories live. Discover now