Chapter 19 - Kill her!!

33.1K 936 47
                                    

Someone's POV

No!! I can't accept it!!!! Hindi ko matatangap na ganito nalang ako! I sacrifice a lot!!I even killed my own mate just to have Zerux!!! Pero ng dahil lamang sa pesteng isip  batang iyon ay nasira ang lahat!!

Hindi .......hindi ako papayag!! Hindi ko sya bibigyan ng tahimik na buhay!!, kinuha nya  lahat ng sa akin!! Even my own life she took it!!!

I will kill her!! I swear I'm going to kill her!!

Daseri's POV

Narito ako sa sala at sinusuklayan ni Zerra Esra ang mahaba kong buhok.

"Lumaki kang maganda prinsesa Daseri "sabi nito kaya napangiti nalang ako

"Pero isip bata naman"sabi ko at ininguso ko ang aking mga labi kaya natawa sya.

Matagal ko ng kilala si zerra Esra,noon pa lang humahanga na ako sa kakayahan nya,gumagamit sya ng hangin sa pakikipaglaban,pero hindi naman sya purong fairy dahil ang kanyang ina ay kalahating diwata at kalahating clevoya kaya  meron syang matutulis na tenga at magkaiba din ang kulay ng kanyang mata.

Hindi narin nakakapagtaka kung sya man ang bagong Zerra dahil naging zerra din ang kanyang ina,

Naging malapit kami dahil sya palagi ang kalaro ko sa tuwing hindi ako pinapayagang lumabas ng palasyo.

Mabait naman si zerra Esra,pero minsan napakasuplada nito sa iba at kakaiba rin sya umasta dahil pra syang lalaki.

Kahit kailan di ko pa nakitang nagsuot yan ng kasuotang pang-babae sa kaharian namin,naiirita daw sya.

"Kumusta naman ang buhay mo dito?"tanong nya

"Ayos lang naman"

"Tsaka nga pala,binabati kita sa iyong pagkapanalo"sabi nya sa akin matapos ipitan ang aking buhok.

"Maraming salamat zerra"

Ngumiti lang sya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya,pero namataan kong papasok si Roki na may daladalang soft drinks

Napansin yata ni zerra Esra ang tinitignan ko kaya napatingin din sya,rinig ko ang mahinang pagsinghap nya kaya ako naman ang napatingin dito.

Teka bakit namumula ang pisngi ni zerra Esra?

Tinignan ko na naman si Roki at nagtaka ako dahil nakatinhin din pala sya kay zerra,at napansin ko rin na parang hugis puso ang mga mata ni Roki

Ano ba ang nanyayari?umiwas naman ng tingin si zerra

Ano naman kaya meron sa kanilang dalawa ?

Lumapit si Roki sa amin o mas tamang sabihin kay zerra Esra

"Kumusta,nakatira karin ba sa Feora? "Tanong ni Roki

"Oo"maikling sagot naman ni zerra

"Ah eh ganon ba,ah ito gusto mo ba nito?"sabay bigay sa soft drinks na hawak nya.

"Ano ang tawag dito?"tanong ni zerra

"Ah eh soft drinks yan,sige subukan mong inumin masarap yan"

Ininom naman ni zerra pero bigla nya itong naibuga sa mukha ni Roki, napahalakhak naman ako dahil hindi naman sanay uminom si zerra Esra ng ganyan eh.

Napangiwi naman si Roki dahil parang pumalpak yata sya.

"Ano bang klaseng inumin iyan?bakit parang bumubula sa loob ng bibig ko"may pagka iritang tanong ni zerra kaya mas lalao akong natawa.

Pigil namang natatawa ang ibang delta at tagapagsilbi narito rin dahil sa nangyari

Kawawa naman.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Where stories live. Discover now