Chapter 1: New Environment

8.3K 57 2
                                    

Sabi nila na kapag guro ka, dahil malaki ang responsibilidad mo hindi lang para matuto ang mga bata sa mga nalalaman nila sa mga aralin kundi kundi kung paano magkaroon ng tamang asal sa iba, yan ang lagi kong tinuturo sa mga ibang students ko, ang problema lang ay lilipat na ako sa bagong eskwelahan dahil na rin sa dahilang lilipat na ako ng bagong bahay nandoon parin yung konting halong kaba at excitement dahil sa isang bagong environment.

Dumating na ako sa isang magandang eskwelahan dito sa Miller International school, unexpected lang sa loob maganda ang loob mismo ng school, kita kong malawak ang lugar dito, habang naabutan ko pang naghahabulan ang ibang students. Halos nilibot ko na ang buong lugar dahil hindi ko alam kung saan ang faculty room, dahil sa kalawak na lugar nito.

Kaya may nakita akong guro na malapit sa isang business center, dito pinuntahan ko siya. Siguro siya rin ang matagal ng nagtuturo dito.

"Hello, ako po yung bagong teacher, sa'n po ba yung faculty room?" Tinanong ko siya at agad itong napangiti sa'kin. "Ikaw ba yung bagong teacher?"

"Opo..."

"Aba kung ganon pupuntahan natin yung faculty room..."

"Kaya nga po kayo pinuntahan dahil hindi pa ako familiar sa ganitong lugar medyo malaki."

Sumama ako sa kanya papuntang faculty, hindi naman medyo malayo pero at least nalaman ko na ang lugar kung saan na ako pupunta. Kita ko ganon din open-wide ang lugar pumunta kami mismo sa principal's office, kaya kumatok muna ang teacher na kasama ko bago pa man kami pumasok.

Ang isang babaeng principal na may edad 40's, ayon sa kanyang facial features. Kita kong meron siyang nililinis sa kuko niya sa paa gamit ang pusher, pero bigla lang siyang napatingin at tinago na niya ang gamit na hawak-hawak niya.

"Ikaw yung bagong teacher, ano?" Tanong sa'kin ng principal kaya agad akong tumango. "Buti hindi ka nagsisi na dito ka pa pumunta sa school na'to."

Huh? Sandali...ba't meron ba akong pagsisisihan dito??

"Bakit po?"

Bigla lang siyang napailing. "Wala basta mabuti merong bagong dumating."

"Dito na ko po gustong mag-apply."

Binigay ko na ang mga form na kailangan habang tinitignan na ito ng principal.

"Ikaw pala si Emilia Garza, so dati ka pala nagtuturo sa Mababa Elementary school?"

Tumango ako agad. "Opo."

"Siguro meron ding Kababa Elementary school."

Pinipigilan ng teacher na tumawa pero nabwisit ang principal kaya sinuway niya ito, hanggang sa nanahimik ang teacher.

"Kung dito ka mag-aaply, sige. Ako ay matagal ng principal ng school dati akong guidance counselor dito. Ako si Eden Miller..."

"Ako pala po ulit si Emilia, pwede niyo rin po akong tawaging Mila."

"Si Dina nga pala by the way..."

Biglang may isang teacher ang pumunta bigla sa office, kita kong basa ang damit niya kaya mukha din siyang dismaya.

"Ma'am Eden! Ginagawa to ng mga bwisit na pasaway na yan!" Sabi ng isa pang teacher.

"Pwede bang hayaan niyo muna akong kausapin tong si Mila, kayong dalawa alis dito!"

Sinunod nga nila si Ma'am Eden kaya agad silang umalis, pero bigla tuloy akong na-excite sa ngayon. Nakikita kong mukhang stress siya ngayon.

"Kahit kelan hindi na pagsasabihan yung mga pinakapasaway na students sa grade 11, nandyan nanaman yung mga pinakaiinis ko, alam mo doon ka sa isang section."

The teacher and the studentDove le storie prendono vita. Scoprilo ora