Chapter 41

238 11 3
                                    

Y/N.

Totoo nga yung mga sinasabi nila... lahat ng bagay may wakas. Pero sa lahat ng wakas sa buong mundo? Parang eto ata ang pinakaayoko. Ayokong magwakas lahat. Ayoko... Ayoko....

Ayoko iwan silang lahat.

"Y/N apo, halika na.." nakangiting sabi ni lolo. Napangiti din naman ako. Matagal ko na syang hindi nakikita, miss na miss ko na sya.

Humakbang ako papalapit pero napahinto din agad.

Naalala ko lahat ng magandang alaala ko kasama yung bts, si unnie at oppa, sila Jenny, Milly, yung kambal pati na din yung parents ko.

Tumingin ako kay lolo ng may lungkot sa mga mata ko.

Mas lalong lumaki yung ngiti nya sakin.

"Naghihintay na ang lola mo apo..." nakangiti pa rin sya sakin. Parang gusto ko syang lapitan at yakapin ng mahigpit.

Lalapit na sana ko sakanya para yakapin sya ng may marinig akong tumatawag sa pangalan ko.

"Y/N please, stay with me I'm begging gagawin ko lahat, kung kailangang pati buhay ko isuko ko gagawin ko, nagmamakaawa ako sayo wag mo kong iwan..... Hindi ko kakayanin baby, please don't do this to me. I will do everything, please..."

Yung boses na yon.....

I'm sorry Jungkook.....

__________

3 months later....

Jungkook's POV

"Isang bouquet po ng pink tulips,"

Kinuha ng tindera yung isang bouquet ng tulips tsaka binigay sakin ng may ngiti sa mga labi nya, sinuklian ko naman yon ng tipid na ngiti.

"Nako iho, araw araw kang namimili dito ng bulaklak ah? Siguradong tuwang tuwa iyong nobya mo dahil araw araw mo syang dinadalhan ng bulaklak," nakangiting sabi nya.

Sana dati ko pa ginawa to... Nung nasa piling ko pa sya.

Ngumiti lang ako ng tipid at bumalik na sa kotse ko.

Habang papunta ko sakanya ay hindi ko maiwasang maalala yung mga ngiti nya.

Hi baby, miss na miss na kita.

Naramdaman kong nagtubig yung mata ko pero agad ko tong pinigilan.

Mabilis kong ipinark yung sasakyan ko at dumeretso na doon.

May narinig naman akong umiiyak. Sumilip ako at nandon yung parents nya.

"Y/N anak I'm so sorry..." dinig kong sabi ni tito habang umiiyak, nasa likod naman non si tita habang hinahaplos ang likod ni tito.

"If only I know that you had insecurities..." umiiyak na sabi nya.

Lumayo naman ako don dahil hindi ko kayang panuorin na umiiyak ang magulang ng babaeng mahal ko dahil sakin.

It's all my fault.

Tinaas ko yung ulo ko para pigilan ang mga luhang malapit na namang tumulo mula sa mga mata ko.

I met him. Fanmeeting. ||J.JK ||Where stories live. Discover now