Y/NYung phone ko
Tama yung phone ko!
Nagulat ako nang biglang magvibrate ulit yung phone ko sa bulsa ko. Tinignan ko muna yung paligid bago to unti unting inilabas mula sa bulsa ko.
Nasa sulok ako kaya walang makakahalata. Kaso may maliit na silipan sa pinto kaya pwede kaming silipin ng mga taong nasa labas.
Unti unti kong binuksan yung phone ko at nakita akong message
1 new message
Walang na kong pake kung sino to dali dali kong clinick yung reply at nagsimulang magpipindot
Ginawa ko ang lahat para hindi nila mahalata na nagtetext ako
To: Mr Unknown
Please help meSinend ko agad to ng hindi pa din nagpapahalata
From: Mr Unknown
What happened? Where are you?Nagreply agad sya.
From: Mr Unknown
I don't know... hindi ko alam please tulungan mo kami dito. Nasa isang lumang warehouse kami. Hindi ko alam kung saan to pero mukang tago please tulungan mo kamiTumutulo na yung luha ko. Nagvibrate ulit yung phone ko at doon ko lang napansin na si Mr. Unknown pala to. The fudge Y/N ang tanga mo talaga! Bat sya pa? Ni hindi mo nga sya kilala eh
From: Mr Unknown
Details? Wala? Kahit ano?Nagreply pa din ako. Actually, hindi ko alam din kung bakit.
Nagisip ako. Anything na different.
Biglang pumasok sa isip ko yung halos buradong pangalan na nasa labas ng warehouse.
Tama!
To: Mr Unknown
Hanny! May nakita akong hanny na nakapaskil sa taas ng warehouse. Parang awa mo na tulungan mo kami pleaseFrom: Mr Unknown
Just wait Y/NMagrereply pa sana ako ng may sumigaw mula sa labas
"HOY ANO YANG HAWAK MO DYAN!?"
Sigaw ng lalaki. Dali dali ko namang dinelete yung message namin ni Mr. Unknown at itinago yung phone ko sa likod ko
Lumapit sya sakit at sapilitang kinuha yung nasa likod ko. Pinilit ko namang lumabas kaso tinadyakan nya ko sa sikmura kaya nakuha nya yung phone ko
Iniscan nya yung phone ko. Siguro tinitignan kung nakapagsumbong ako. Thankfully dinelete ko yung message kaya wala syang nakita.
Bago sya lumabas ay sinampal nya ko ng napakalakas dahilan para mapadapa ako sa sahig habang hawak hawak yung pisngi ko
"Hindi lang ganyan yung mangyayari sainyo kapag may sinubukan pa kayong hindi namin magugustuhan"
Tinignan ko naman yung paligid. Sinalubong ko yung mga nagaalalang tingin nila kabilang na yung kay Jina.
Pagkalabas nang lalaki ay dali dali naman akong nilapitan ni Jina para tanungin ang kalagayan ko
Ngumiti lang ako ng matamis sakanya at bumulong sa tenga nya
"Jina, sigurado akong makakalabas na tayo dito"
Nanlaki yung mata nya.
"Unnie pano?"
"Nakapagtext ako sa kaibigan ko bago nya makuha yung phone ko"
YOU ARE READING
I met him. Fanmeeting. ||J.JK ||
FanfictionAn idol's sister. A rich man's daughter. That's you. Pero walang nakakaalam ng lahat ng yan. Why? It's because you're too scared na kapag nalaman ng mga taong hindi ka kasing talented ng ate mo, madi disappoint sila sayo. Hindi mo naman maitatanggin...