Chapter 34

222 15 2
                                    

"Y/N please, open this door.." dinig na dinig ko pa rin yung pagmamakaawa ni oppa habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Y/N? Y/N-ah, please naman kausapin mo kami.." pati yung boses ni unnie ay sumasalo na din.

Nanatili lang akong nakaupo sa kama ko habang yakap yung tuhod ko. Mahigit tatlong araw na ko nagkukulong sa kwarto ko. Lalabas lang ako kapag madaling araw, kapag wala nang tao tsaka ko kukuha ng pagkain ko para kainin kinabukasan.

Wala na ding luha na pumapatak sa mata ko pero umiiyak naman yung puso ko. Sobrang sakit pa rin para sakin nung mga nangyari.

"Y/N... We're really worried about you. Please, lumabas ka na dyan kausapin mo kami. Let's talk about your problems.." dinig ni unnie habang sinusubukang buksan yung pinto pero nakalock yon.

"Y/N, diba sabi ko naman sayo kung kailangan mo ako nan—" hindi na natapos ni oppa yung sasabihin nya dahil may pumutol sakanya.

"Joongki, Jisoo! Where's your sister?!" dinig na dinig ko yung boses ni dad kaya bigla akong napaayos ng upo. Why is he here?

"Honey, calm down.." mom?

"Dad? Mom? Why are you here?" dinig kong tanong ni Jisoo unnie

"Where.is.your.sister.?" madiin na tanong ni dad.

"S-She's inside her r-room.." sagot ni oppa

Kinabahan naman ako.

"Y/N?! Y/N come out now! Let's talk!" sigaw ni dad habang kinakatok yung pintuan ng kwarto ko.

Hindi ako nakagalaw. He sound so mad at iyon ang pinakaayaw ko sa lahat, when he's angry.

Dahan dahan akong lumapit sa pintuan ko tsaka dahan dahan ko yong binuksan, nakita ko si dad na may galit sa mga mata nya. He look so angry.

"D-Dad?"

Isang malakas na sampal yung sumalubong sakin. Sampal ng sarili kong ama.

Napahawak ako sa pisngi ko. This is not the first time na sinampal nya ko pero bakit parang gulat na gulat pa din ako?

Naramdaman kong lumapit samin si oppa.

"Y/N! Omyghad!" dinig kong sigaw ni mom

"Dad! What are you doing? Are you okay Y/N?" hinawakan nya yung pisngi ko pero inalis ko yung kamay nya.

"Alam mo ba kung anong ginawa mo Y/N? Nang dahil sa pinaggagagawa mo napahiya ako at hindi lang ako! Pati yung buong pamilya natin kasama yung kapatid mo! Si Jisoo, alam mo bang alam na nang lahat na kapatid ka nya? Tapos alam na din ng lahat na may nilalanding celebrity yung kapatid nya!" sigaw nya sakin habang dinuduro ako.

Hindi ko alam kung anong mas masakit, yung sampal nya o yung salita nya.

Napasmirk nalang ako habang tumutulo yung mga luha ko. Akala ko wala nang mas sasakit pa sa pagbebreak namin ni Jungkook akala ko wala nang mga luhang lalabas mula sa mga mata ko kasi nailuha ko na lahat. Eto pa pala.

"Dad, stop this.." awat ni Jisoo unnie.

"Why can't you be like your sister? Look at her! Magandang tignan, may talent, mabait, malambing. She's everything! Just be like her!"

Lumapit ako kay dad at tinignan sya sa mga mata.

"Bakit dad? Bawal na din ba kong magmahal ngayon?" tanong ko habang nakatingin sakanya, tulo pa rin ng tulo yung mga luha sa mata ko. This just hurts so bad.

Nakatingin lang samin sila unnie oppa at si mom.

"Pagmamahal? Are you sure that's love?" nanghahamong tanong nya.

I met him. Fanmeeting. ||J.JK ||Where stories live. Discover now