Chapter 29

282 14 0
                                    

Y/N

"Yah! Jungkook-ah? Are you crazy? Alam mo namang maraming tao dito ah? Bakit nandito tayo? Pano kung may makakilala sayo? Pano kung may makitang magkasama tayo? Pano yung career mo? Pano kung—" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil nilapit nya sa bibig ko yung ice cream na hawak nya.

"Shh, ang ingay mo kaya lalo talaga akong makikilala sayo eh" bulong nya sakin, inagaw ko naman yung ice cream sakanya dahilan para mapasinghap sya.

"Akin na to may laway ko na" nakangising sabi ko pero ngumisi din sya

"Okay lang, kahit nga duraan mo pa yan kakainin ko pa din yan eh" nandidiring tumingin ako sakanya

"Kadiri ka!" binato ko sya ng tissue pero tumawa lang sya.

Hinila nya ko papunta sa games. May mga maliliit na sundalo na nasa harapan, kailangan mong barilin yon para makakuha ng stuff toy. Nagbayad sya kay manong kaya naman binigyan si nito ng laruang baril.

"Hoy? Marunong ka bang bumaril?" nagtatakang tanong ko sakanya

"Oo naman! Watch and learn. I'm bangtan sonyeondan's golden maknae. I can do everything" nakasmirk na sabi nya saka nya tinira yung nasa unahan.

Sablay.

"You can do everything pala ah?" natatawang sabi ko pero tinignan nya lang ako ng masama

Tumira ulit sya.

Sablay ulit.

"Akin na nga!" sabi ko sakanya sabay inagaw yung baril

"M-Marupok kasi yung b-baril na yan! Mahirap gamitin! Kasalanan nung baril" palusot nya kaya tinawanan ko lang sya naghanda na para tumira. Lima lang yung biniling bala ni Jungkook at tinira nya na yung dalawa. Kapag kasi nakatatlo ka ay yung pinakamalaking stuff toy yung makukuha mo. Sinira ko yung una.

Nakatama ako.

Tumingin ako kay Jungkook at halatang nagulat din sya nung nakatama ako. Tinuruan ako ni Joongki Oppa kung pano bumaril kaya marunong ako. Tumira ulit ako.

Nakatama ulit ako.

"Sus, tsamba lang yan" sabi nya sabay dila sakin. Umismirk ako sakanya tsaka tumira ulit.

Napangiti ako nang matamaan ko yung isa pang sundalo na kulay pink.

"Tsamba pa ba kapag tatlong beses na?" nakangiting sabi ko sakanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay

"Depende" nakangiting sabi nya

"Depende saan?"

"Depende kung ikikiss mo ko"

Nilayo ko yung muka nya sa muka ko dahilan para magpout sya.

"Ah miss pili na po kayo"singit ni manong

Tinignan ko naman yung mga stuff toy na nakasabit sa taas at napangiti ng may mahagip yung mata ko.

Kuneho.

"Iyon kuya oh!" sabi ko sabay turo dun sa bunny na may dalawang ngipin na nakalabas. Tumingin naman ako kay Jungkook pero nakasimangot lang sya.

"Bakit rabbit?" tanong nya sakin

"What? I'm just being nice. I'm going to get your twin" feeling ko sobrang nastretch na yung pisngi ko dahil sa kakangiti

I met him. Fanmeeting. ||J.JK ||Where stories live. Discover now