Chapter 5

512 23 3
                                    

Y/N

Tatlong araw na yung nakaraan pagkatapos naming aksidenteng magkita ni Jimin.

And should I say, medyo close na kami ni Jimin. Tulad ng pinangako ko tinext ko sya. Nung isang araw nga tinawagan nya pa ko para samahan syang bumili ng mga damit na gagamitin nya para sa concert nila, wala daw kasi syang kasama. At dahil mabait ako at wala naman din akong gagawin dahil holiday at walang pasok. Pumayag ako.

Nagtataka nga ko kung bakit ang lakas pa din ng loob nyang lumabas kahit na muntik na syang dumugin doon nung nakilala sya sa kpop store 3 days ago, ang lakas talaga nang loob nun

||ringg ringg||

I pressed the answer button

"Oh Jimin, nasa mall ka na?"

"Yep, pero may kasama ako ah okay lang ba? Sasama daw sya eh"

"Huh sino?"

"Malalaman mo" sabay tawa nya. Ang creepy ng tawa nya grrr

"Uhm okay.. otw na ko see you there"

"See you"

Then pinatay ko na

Kasama? Sino naman? Kaibigan nya?

Nang makarating na ko sa mall ay bumaba agad ako para hanapin si Jimin. Nang hindi ko sya makita ay tinawagan ko na sya. For sure kasi nakamask yon kaya mahirap syang hanapin

"Asan ka? I can't see you"

"Ohh! Nakita na kita dito!"

"Saan?"

Bago pa sya sumagot ay nahagip na sya ng mata ko habang kumakaway na tila ba inaagaw ang atensyon ko

"Y/N! Dito!"

"Oh! Annyeonggg!"

Habang palapit ako ng palapit kay Jimin ay may ngiti sa mga labi ko.

May katabi syang lalaki kaya lang nakatalikod to. Unti unti humarap yung lalaki dahilan para unti unti mawala yung mga ngiti sa labi ko at mapalitan ng kaba.

Hanggang sa maramdaman kong nag slow mo na naman yung paligid.

Sya ulit. Sya na naman. Yung lalaking ilang gabing gumulo sa isip ko dahil sa mga salita nya.

Nakamask sya pero kilala ko sya. Nakasimpleng white tshirt lang sya at jeans pero ang lakas ng dating nya.

Yep, it's Jeon Jungkook

"Y/N! Sinama ko pala si Jungkook, sya yung sinasabi ko sayong kasama natin hehe okay lang naman diba?"

Duh Jimin! May choice pa ba ko?

I simply nodded then smiled at Jungkook

"Hi I'm Y/N"

"I know" simpleng sagot nya

O....kay

*Awkward Silence*

"Aish tara na nga punta tayo dun! Kailangan ko ng damit!" basag ni Jimin ng katahimikan sabay hila saming dalawa ni Jungkook

Nang makapasok na kami sa isang store ay sinundan ko lang si Jimin. Tatanungin nya daw kaming dalawa kung bagay daw ba yung damit ba napili nya kaya nya kami sinama.

Stylist ba kami Jimin? And besides hindi masyadong maganda yung taste ko pagdating sa damit. (Sabi nila)

Nang makapili na nang damit si Jimin ay pumasok na sya sa fitting room bale naiwan kaming dalawa ni Jungkook.

I met him. Fanmeeting. ||J.JK ||Où les histoires vivent. Découvrez maintenant