Chapter 18

363 25 3
                                    

Y/N

Naglalakad pa din kami ni Jungkook. Sinabi ko na sakanya na ibaba nya nalang ako dahil kaya ko namang maglakad but he insist. Nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad kami. Hindi naman sya mukang masungit, hindi din mukang hambog, mabait din sya sa armys.

"Quit staring" biglang sabi nya. Namula naman ang pisngi ko at dahan dahang inalis ang tingin ko sakanya

Makalipas ang ilan pang minuto ay huminto na din kami sa.... playground?

Ang familiar nitong lugar na to, san ko nga ba to nakita?

Iniupo ako ni Jungkook sa isang swing at umupo din sya sa katabing swing ng sakin. Tahimik lang kaming dalawa, huminto na din kasi ako sa pagiyak.

Pagkatapos ng ilan pang minuto ay ako na ang sumira ng katahimikan.

"Thank you nga pala ah" sinsirong sabi ko

"For what?"

"For getting me out of that scene, pero hindi mo naman kailangang gawin yun eh. I can take care of myself"

Hindi na sya nagsalita, nakaramdam naman ako ng guilt sakin. Ano ba yan Y/N? Ikaw na nga yung tinulungan dyan eh.

"I feel like I has to do that"

Napatingin ako sakanya pagkatapos nyang sabihin yon. B-Bakit nya naman mararamdaman yon eh hindi nya naman ako responsibilidad.

"And btw, this is my gift for you" kinuha nya sa bulsa nya ang isang maliit na kahon. Inabot ko ito at binuksan. May isang babaeng may dalang payong at sumasayaw sa musika. Parang sobrang luma na nito pero hindi pa din maalis ang angking ganda ng bagay na to.

"T-Thank you. P-Pero parang nakita ko na to dati, s-san mo ba to naku--" napatigil ako sa sasabihin ko dahil nakatingin na pala sya sakin habang nakangiti. Nailang ako kaya umiwas ako ng tingin

"Why? Do you remember anything?" umaasang sabi nya, tumingin naman ako sakanya at umiling.

"Wala" kitang kita ang panghihinayang sa mga mata nya

Nakangiti kong pinagmasdan ang music box. Parang akong maliit na batang sabik na sabik dito. But I really feel like I've seen this before.

Pagkatapos ng ilan pang minuto ay hinatid na ko ni Jungkook sa bahay. Sinalubong naman ako ni Unnie at ng mga members nya ganun din ang bts. Napansin ko din na naguuwian na pala yung mga bisita. Nasakin pa din yung coat ni Jungkook kaya yung polo nya lang ang suot nya.

"Y/N! Where have you been?" bungad sakin ni Unnie. Nasa likod nya din sina Unnie Jenny, Unnie Rose at si Lisa

"Unnie Wag OA pumunta lang ako sa playground kasama si Jungkook. Hindi ko kasi nakayanan yung nakakahiyang eksena na yon eh" sagot ko sakanya

"Eksena?" nakataas ang kilay na tanong nya. Oo nga pala, wala sya sa labas kanina, nasa loob sya at may inaasikaso. Nagtataka din akong tinignan ng mga members nya.

Lumapit ako kay Unnie at bumulong "Natalisod ako at tumama sa table ng mga pagkain, look at my dress"

Nagulat naman si unnie at tumingin sa dress ko, mukang ngayon nya lang din napansin yung sauce sa dress ko. Napatakip sya sa bibig nya.

"Oh my! Let's go inside para makapagpalit ka na!"

"Wait lang unnie, pagpapaalam muna ako kila J-Jungkook"

Tumango lang si unnie at sinabing hihintayin nya nalang daw ako sa loob. Dumeretso naman ako sa bts para magpaalam, nagaayos na sila para umalis. Tumakbo papunta sakin si Jimin nang nakita nya ko

"Y/N are you alright?" humahangos na sabi nya

"I'm fine Jimin. Don't worry about me" nakangiting usal ko. Nakalapit na din sakin lahat ng members including Jungkook.

"Akala namin kung saan ka na dinala nito ni Jungkook" nangaasar na sabi ni Namjoon Oppa

"Hoy! Mga bata pa yang mga Namjoon-ah!" sigaw naman ni Seokjin Oppa

"Pero okay ka na ba?" tanong naman ni Hoseok Oppa

"Gusto mo bang bugbugin ko yung table?" napatingin kami kay Yoongi Oppa nang sinabi nya yon. "What?" nagtatakang sabi nya na para bang normal lang na bugbugin ang table

"Oo nga, bugbugin nalang natin!" sangaayon naman ni Taehyung. Napaface palm kaming lahat.

"Okay na ko. Wag na kayong magalala. Thanks to Jungkook" nakangiting usal ko sabay tingin sakanya. "Eto na nga pala yung coat mo, thank you sa pagpapahiram" nakangiting sabi ko sabay abot ng coat nya. Nakatahimik lang silang lahat habang inaabot ko yung coat ni Jungkook.

"Wow Y/N! Ano yang hawak mo?" basag ni Taehyung ng katahimikan.

"Ah eto?" tanong ko sabay taas ng kahon na hawak ko "Regalo sakin ni Jungkook"

Napatingin silang lahat kay Jungkook na nag'what' face lang. Parang gulat na gulat sila, maliban kay Jimin at Taehyung.

"Ang cute! Pwedeng buksan?" nakangiting usal ni Jimin

"Hindi pwede" matigas naman na sabi ni Jungkook

"But why?" nagpout si Jimin. Ang cutee

"No it's okay" nakangiting sabi ko sabay bukas ng music box

"Wow ang ganda nung tugtog" namamanghang sabi ni Taehyung. Yung Hyung line naman, tahimik pa din. Para silang naging statue.

"Hindi ko alam na kaya mo palang magregalo ng ganito Jungkook?" nangaasar na sabi ni Jimin pero hindi lang sya pinansin nito.

"Uhm Y-Y/N you should go inside. It's late" nakangiting sabi ni Seokjin Oppa. Ang weird nila ngayon.

Tumango nalang ako at binigyan sila ng 1 last smile. Sumunod naman sakin si Jimin at binigyan ako ng yakap.

Pagkapasok ko sa loob ay sinabihan na ko ni unnie na magpahinga na at sila na daw ang bahala don. Tumango nalang ako at pumasok na sa kwarto ko. Sumilip muna ko sa bintana para panooring umalis sila Jimin. Napatingin naman sakin si Taehyung kaya kumaway sya, kumaway din ako. Inilagay ko sa side table ko yung music box. Napatingin din ako sa isang pang music box na nasa table ko, isang iyong music box na may princess sa loob. Hindi ko man alam kung san ko yon nakuha, pero parang iyon ang pinakapaborito kong bagay sa buong mundo. Pinagtabi ko ang dalawang music box at nagulat ako nang may mabuong larawan ang dalawang music box. Isang larawan ng batang babae habang may hawak na bulaklak at nakangiti. Sobrang pamilyar ng muka ng batang babae na yon, a-ako ba to?

Author's POV

"Jungkook, pumunta ka sa studio ko paguwi sa bahay" seryosong bulong ni Namjoon kay Jungkook. Tumango lang ito.

Nang makarating na sila sakanilang bahay ay agad nagbihis si Jungkook at umakyat papunta sa studio ni Namjoon. Nagulat sya ng makitang hindi lang sya ng nandon. Nadoon din si Hoseok, Yoongi at Seokjin.

"Anong meron?" nagtatakang tanong nya

"We just want to know kung anong ginagawa mo? Akala ko ba ayaw mo nang maalala ka nya? Akala ko ba ayos na sayo yung set up nyo? Pero bakit parang, parang gusto mo ulit na maalala ka nya?" seryosong sabi ni Hoseok

"I'm tired of this" seryoso ding sabi ni Jungkook sabay upo sa upuang katabi ng kay Namjoon.

"I knew it. Nung sinabi mo palang na pumunta tayo sa school ni Y/N alam ko na" seryosong sabi naman ni Yoongi

"I fcking miss her so much" malungkot na sagot ni Jungkook. Niyakap lang sya ni Jin.

"What about Jimin and Taehyung? Hindi mo ba sasabihin sakanila? Lalo na mukang ngayon na nahuhulog na si Jimin kay Y/N" malungkot ding sabi ni Jin

"I don't know. Hindi ko alam. Basta ang nasa isip ko lang ngayon, ay ang mabawi sya."

I met him. Fanmeeting. ||J.JK ||Where stories live. Discover now