Chapter 25

295 25 0
                                    

Y/N

Pagkauwi namin ng bahay galing sa mall ay dumeretso agad ako sa kwarto at tinapon yung sarili ko sa kama. Napangiti ako sa sarili ko. Lalong gumagwapo si Jungkook kapag natatalo sa laro. Nang marealize ko yung nasa isip ko ay agad akong umupo sa kama at tinanggal yung ngiti sa mga labi ko.

"Nope Y/N. Hindi pwede" umiling iling ako sa sarili ko "But he's sooo— OUCH!" sigaw ko nang mahulog ako mula sa kama ko

"Y/N okay ka lang?" sigaw ni unnie mula sa baba.

"Okay lang!" sigaw ko din atsaka ko sinamaan ng tingin yung higaan ko pero nawala din agad yung tingin ko don nang may mapansin ako sa ilalim ng kama ko.

Kinuha ko yon at sinuri, wallet? Kanino namang wallet to?

"Manang?" tawag ko kay Manang at agad naman syang lumapit sakin

"Yes ma'am?" tanong nya

"Manang naman eh, sinabing Y/N nalang wag na ma'am eh" nakapout na sabi sakanya kaya tumawa sya

"Osige, ano ba iyon Y/N?" tanong nya nang may ngiti sa mga labi nya

"Alam nyo po ba kung kaninong wallet to?" tanong ko sakanya sabay abot ng wallet

Binuksan nya naman yon. Oo nga no? Bat nga ba hindi ko binuksan?

"Diba eto yung nagbantay sayo nung nakaraang gabi?" turo nya sakin sa litrato na nasa loob ng wallet. Nakaturo sya kay Jungkook, buong bts kasi yung nasa picture. Kay Jungkook siguro to, syempre! Sya lang naman yung bts member na nakapasok dito sa kwarto ko.

"Ah opo! Baka po naiwan nya dito. Uhm errrr, sosoli ko nalang po, thankyou po" sabi ko.

"Oh eh bakit nakasalampak ka dyan sa sahig?" tanong nya at nahiya naman ako dahil nakasalampak pa rin nga pala ko sahig.

Tumawa lang sya at aalis na sana sya pero bumalik pa ulit sya na parang may gustong sabihin. Tumayo naman ako agad.

"Bakit po?" tanong ko sakanya

"Alam mo ba iha, noong isang gabi nung nakita ko yung gwapong binata na yon na nagbabantay sayo, umiiyak sya sa tabi mo" nagulat naman ako sa sinabi nya at tumawa

"Bakit naman po iiyak yon sa tabi ko? Ahh" napapalakpak ako sa naisip ko "Akala nya po siguro namatay na ko tapos akala nya kasalanan nya hahaha" tawa ko pero umiling si Manang

"Sa tingin ko ay hindi dahil narinig ko yung mga sinasabi nya habang umiiyak" sabi nya habang nakatingin sakin

"Ano naman po yon?" tumatawa pa ding tanong ko

"Sabi nya sana daw bumalik ka na dahil miss na miss ka na nya, para ngang hindi lang nya sinasabi eh. Para syang nagmamakaawang balikan mo na sya habang natutulog ka. Tapos hinalikan pa nga nya yung noo mo habang hawak hawak yung mga kamay mo eh"

Hindi ako naniwala at patuloy lang sa pagtawa.

"Alam mo Manang, masyado ka nang nanunuod ng mga teleserye sa tv ah, baka naman sa tv mo lang yan napanuod tapos niloloko mo lang ako kasi alam mong fan na fan ako ni Jungkook" nakangiting sabi ko sakanya.

Nakangiti pa din ako nang may mapansin ako sa wallet ni Jungkook may picture na nakalitaw ng konti, nasa isang pockets ng mga wallet. Nacurious naman ako kaya kinuha ko yon. Isang matabang batang lalaki at isang batang babae habang nakangiti sila sa camera. Biglang nawala yung ngiti ko nang  maalala ko yung sinabi ni Jungkook sa MC nung araw na nagperform sila sa school ko.

"I like someone, she's my childhood bestfriend but I don't think naaalala nya pa ko"

Nawala nang tuluyan yung ngiti sa mga labi ko.

I met him. Fanmeeting. ||J.JK ||Where stories live. Discover now