"Pumunta ka ba dito kase sinabe ko na nasa library ako?"
Huli ka!
"Huh? Syempre hindi."
"Totoo ba yan?"
"Oo. Saka ang dami kayang library sa Pilipinas, malay ko ba kung nasang library ka." Palusot niya.
Ano ba? Ano bang masama kung aminin niya ito talaga ang ipinunta niya doon. Bakit kailangan pa niyang magsinungaling.
"Okay!"
Pagkatapos nun ay tumuon na ito sa binabasa.
Angels and Demon. Yun ang title ng binabasa nitong libro.
Yung kanya naman ay Pirate Landing.
"Mahilig ka sa mga libro ni Dan Brown?" Tanong niya.
"Oo."
"Ahh. . Nabasa mo na ba yung libro niya na Imperno?"
"Oo."
"Ahh. . Maganda ba yun?"
"Oo."
Aarrgghh! Nakakainis naman itong kausap puro oo ang sagot.
Tss. Tingnan nga naten kung oo parin sagot mo.
"Ahmm. . Maganda ba ako?"
Bigla itong nag-angat ng tingin.
Oo?
"Hindi."
Awtss. Ang Hahahard!
Sinimangutan niya ito at binuklat na ang librong kinuha.
BINABASA MO ANG
Ms. Panget meet Mr. Panget
Teen FictionWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
Panget 9
Magsimula sa umpisa
