Pagdating niya sa Library ay nakasarado yun.

"Wala yatang tao." Bulong niya.

Boogsh!

Aalis na siya ng may marinig siyang kalabog mula sa loob. Parang may kung anong nalaglag.

Kaya daha-dahan niyang binukan ang pintuan. Hindi yun naka-lock kaya for sure na may tao sa loob.

Pagbukas niya ng pinto ay bumungad agad sa kanya ang isang lalaki na naka-itim, pinupulot nito ang ilang libro na nasa sahig.

Pasimple siyang napangiti.

Nandito nga ito!

 

 

"Ehem!"

Napalingon ito sa kanya.

"Ginagawa mo dito?" Anito.

"Ahmm,. Wala lang! Masama ba bumisita sa eskwelahan na pinag-aaral ko." Palusot niya.

Tiningnan siya nito pagkatapos ay pinagpatuloy na ang pagpulot sa mga libro.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Ano sa tingnin mo?"

"Hmm. Hindi ko alam." Painosente niyang sagot.

"Bakit ka ba kase nandito?" Naiiritang tanong nito.

Pero imbes na sagutin ay pumunta siya sa mga shelves at nagsimula maghanap ng Libro.

Pagkakuha ng libro ay pumunta na siya sa reading area. Nakita niya itong nakaupo sa tabi ng bintana. Kaya lumapit siya dito at sa harap nito pumuwesto.

Tiningnan siya nito.

Hindi man niya makita dahil nakaharang ang buhok nito ay sigurado siya na masama ang pagkakatingin nito sa kanya.

"Bakit?" Painosente niyang tanong.

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now