Saka nagtalukbong ng kumot. Mas mabuti pang bumalik ulit sa pagtulog.

- - - - -

"Manong Guard pwede po ba pumasok?"

"Pwede ko po ba makita ang ID niyo?"

Iniabot niya dito ang ID niya.

"Mira Sebastian." Basa nito sa pangalan niya.

"Ano Manong pwede ba?" Tanong niya.

"Pwede po. . Pero ano pong gagawin niyo dito. Wala pong mga Professor ngayon kase linggo." Anito.

"Ahmm.. Meron po kase ako naiwan nung Friday kanina ko lang po kase napansing nawawala kaya pumunta ako dito agad." Pagsisinungaling niya.

"Ganun ba? Sige pasok ka na. ." Ngumiti pa ito bago binuksan ang gate.

Hayss.. Buti na lang bago na ang guard. Hindi katulad dati sobrang sungit saka nakakatakot pa kausapin.

Bago tuluyang pumasok ay bumuntonghininga muna siya. Sana lang talaga ay nandito ito dahil kung wala iyon dito ay hindi na niya alam kung saan pa ito hahanapin. Sa sobrang dame ba naman ng Library sa buong Pilipinas.

Nasa Madierra University siya ngayon. At hinahanap si Martineque. Sa Library ng campus niya ito pangalawang beses nakita kaya ng sabihin nitong nasa Library ito ay doon agad ang unan pumasok sa isip niya.

"Magpapasalamat lang ako tapos tapos na." Bulong niya.

Gusto lang niya magpasalamat ng personal dito para sa pagsama nito sa kanya kagabe.

Kunwari ka pa! Gusto mo lang siya makita e. Singit ng isang bahagi ng utak niya.

Aarrggh! Bakit ba ang pakielamero ng utak niya. Gusto niya lang magpasalamat dito. Period!

Pagkatapos makipagtalo sa utak niya ay dumiretso na siya sa Library. Sobrang tahimik sa buong Campus wala siyang nakikitang ni isang estudyante at proctor. Mga hardinero lang ang nandun at si Manong guard.

Kaya halos takbuhin na niya ang papuntang Library. Takot pa naman siya mag-isa sa ganung lugar. Feeling niya ang daming nakatingin sa kanya mula sa mga vacant na clasaroom.

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now