"I'm sicked Mariel. . Need to sleep. bye! Love yeah. Seeyah"

-hey!

Endcall.

Pagod siya at wala siyang lakas para makipagtalo kay Mariel kaya mas mabuti na lang na putulin niya ang tawag nito.

Tinatamad siyang magkikilos kaya kahit buong araw pa siyang maghilata sa kama niya ay okay lang. .

But something bothering her.

Bakit hindi man lang ito nagtetext para man lang tanungin kung nakauwe na siya o kaya kahit man lang mag-Smartalert kung wala itong load.

Tss!

 

Pero bakit nga ba niya inaantay ang text nito?? Ano naman dito kung nakauwe na siya o hindi!?

Hayss! Pero dapat man lang magpakita ito ng concern kahit unti. Nilibre niya kaya ito sa isang mamahaling Italian restaurant na for sure first time lang nito nakapasok sa ganung lugar.

Pagulong-gulong siya sa kama. Natetemp siya na tawagan ito.

Ano bang dapat niyang gawin?

Kakagulong-gulong niya ay nabangga niya ang vase na may lamang sunflower kaya nalalaglag yun at nabasag.

Aarrgghh! Nakakainis namang araw ito.

 

 

Pupulutin niya sana ang mga nabasag na piraso ng vase ng mapansin niya ang sunflower na nagkalat.

Kinuha niya ang isang sunflower at sinimulang pitasin ang mga petals nito.

"Tatawag ako?"

"Hindi tatawag?"

"Tatawag ako?"

"Hindi tatawag?"

"Tatawag?"

"Hindi tatawag?"

At pagkatapos ng 123456 years ay isang petal na lang ang natira.

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now