Chapter 1 - Packing

1.8K 35 0
                                    

Jane Dare's POV

Last day of summer na. Start na agad bukas ang aming pasukan.

"HOY!!!Bes!!!sigurado ka ba talagang lilipat ka nang school?!" di makapaniwalang tanong sa akin ni Decette Polinar sya ang bestfriend kong sobrang kulit pero mabait.

"Bes!!! Siguradong- sigurado na ako at tsaka wala namang masama kung lumipat doon diba? Nakapagpaalam na ako kina mommy at daddy tapos na lahat. Excited na nga ako lumipat doon sa unit eh. Para naman matutunan kong maging independent." sabi ko sa kanya with matching smile.

"Pero BES!!! Ang SCHOOL??!" pasigaw na sabi niya.

"Anong ang School???" naguguluhan kong tanong sa kanya sabay kuha sa mga damit ko sa cabinet.

"Yung school na papasukan mo..." sabi niya habang titig na titig saakin.

"Era Academy? Oh.... Bakit??? Anong meron???" nagtatakang tanong ko sabay kuha nang mga sapatos ko.

"Prestigious school nga yun BES!!!!! Pero balita ko nandun daw ang mga playboy,flirt, gangsters at iba pa....." sabi niya.

"Oh?? Talaga? Yaan mo na sila Bes di naman tayo yung nagbabayad nang tution para sa kanila eh.... Problema na nila yun... Di ko na yun problema." sabi ko sabay kuha nung black box sa ilalim nang aking cabinet.

" Bes naman eh.... Umiiral nanaman yang pagiging engeng mo.Ang ibig kong sabihin delikado dun.!!!!!!" Sabi niya sabay kuha nang chocolate sa ref ko dito sa kwarto.

"One way to find out ^_~" sabi ko. sabay sarado sa maleta ko. Ako si Jane Dare. 15 yrs old at 4th yr Highschool this year. Nagtransfer ako sa Era Academy. Isa syang elite school dito sa manila.Hindi siya boarding school. Pero may Condo naman na malapit doon kaya doon aq titira.

"Eh???!Pano ang organisasyon???Iiwan mo na ba talaga??"sabay titig sa akin na parang sinusuri ang bawat galaw ko.

"Nakapagpaalam na ako kay Daddy at Mommy.Pumayag naman sila but in one condition"sabay harap ko sa kanya at nagcross-arms.

"Ano yun?"sabi niya habang nakakunot ang noo.

"Keep a low profile." sabay ngiti nang pagkatamis sa kanya.

"You're creepy Bes... Hay mukhang wala na talaga akong magagawa para pigilan ka. Buo na ang iyong desisyon na iwan ang organisasyon at mamuhay nang normal.I understand that Bes. Im proud of you. Magingat ka dun hah." sabay pahid niya ng kanyang panyo sa kanyang mata na walang luha.

"Alam mo Bes ang drama natin.Mabuti pa bumaba na tayo. Para makaalis na ako nang maaga."sabay kuha sa aking gamit at naglakad na palabas nang aking kwarto.Isa akong Assassin pero ngayon tatalikuran ko na ang trabahong iyon. Dahil gustong kong mamuhay nang normal. Thats Why I decided to do this. Assassin din ang aking magulang at bestfriend na si Decette. Kaage ko lang siya. I did my first kill when I was 7.

*FLASHBACK*

I was 7 yrs old. Nandito ako sa bahay ng aking grandparents. Dito ako nakatira kasama nila dahil nasa ibang bansa ang aking parents dahil sa isang mission. Masaya kaming kumakain sa garden. Nagcecelebrate kasi kami ng Birthday ni Grandpa. Nagpaalam ako na papasok muna ako sa loob para kunin ang aking barbie doll. Pagpasok ko sa loob agad kong kinuha ang aking barbie doll sa aking kwarto.Palabas na sana ako nang bahay papunta sa Garden nang may narinig ako.

"Huwag please..Im begging you..Wala kaming alam sa sinasabi mo.Huhuhuhu"sabi ni Grandma. Wala akong maintindihan sa sinasabi nila.Bata palang ako alam ko nang assassin ang parents ko pero ang grandparents ko ay ordinaryong tao lamang.

Finding the mystery girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon