Mga ilang saglit pa ay pinark muna ni Mang Isaiah ang sasakyan dahil sa wakas, may nakita na ring cafe.

"Gyl" saad ko

Ang himbing kasi ng tulog nitong kasama ko

"Gyl gising na, breakfast muna tayo" saad ko

Buti naman at hindi ito tulog mantika. Minulat niya ang mata at saka umayos ng upo

"Good morning" bati nito

"Good morning baby girl. Halika na, mag-breakfast muna tayo" saad ko

Tila wala siyang narinig bagkus niyakap niya ako sa bewang at pumikit ulit

"Dito muna tayo please" saad nito at nagpout pa

Naku.. Makukurot ko na ito eh. Ang aga aga ang sweet sweet. Sinunod ko na lang siya, hinalik-halikan ko ang ulo niya

"Ang aga-aga ang sweet mo. Baka mamaya magsawa ka" sabi ko

"Never akong magsasawa noh, di pa nga nagiging tayo, sawa na agad" sagot niya

"Aysus, bakit. Gusto mo na bang maging tayo?" tanong ko

"Ayoko muna, mas ok na ako sa ganito pero kung gusto mo na, ayos lang sa akin" saad niya

"Hmm, mas ok na rin ako sa ganito. Syempre gusto ko munang maranasan kung paano manligaw, manligaw sa paraang alam ko at.. " di na niya pinatapos ang sasabihin ko

"Alam mo di naman ako maarteng babae. Buti ka nga nanligaw eh, yung mga ex ko nga, dumaan kay dad tapos kung sinong magustuhan niya dun, yun na yun" sabi niya

"Weh? Ang swerte ko pala" masayang sabi ko

"Nope. Mas swerte ako kasi nakilala ko ang isang tulad mo na noo'y ang sungit sungit sa akin. But now, he make me smile" saad ni Gyl

Lah siya! Kinilig ako dun ah

"Masungit ba ako?" inosenteng tanong ko

"Yes you are pero noon naman yun eh" sagot niya

"Sige na, sige na. Alam mo kung saan pa mapunta ang usapang ito, mag breakfast na tayo, nagugutom na ako" saad ko

Agad na rin naman siyang bumitaw sa akin. Buti naman at masunurin itong babaitang ito. Masungit nga ako noon hanggang ngayon naman ah, chaross lang

Mga ilang saglit pa ay naabutan namin si Manong Isaiah na nagkakape at nakaupo sa isang bench

"Buti naman at lumabas na kayo, di ko na kayo nahintay kaya nagkape na ako" saad ni Manong

"Ok lang po, hirap kasing gisingin itong isa oh" saad ko

Nahampas niya naman ako

"Kayo talaga. Sige na mag-almusal na kayo" saad ni Mang Isaiah

Agad din naman namin siyang sinunod kasi gusto ko na talaga mag-almusal. Nakakamiss kasi kumain ng fried rice

"Anong gusto mo Gyl?" tanong ko

"Ilang beses ko bang isasagot na ang gusto ko ay Ikaw" mabilis na sagot ni Gyl

Naku, nanggigigil na talaga ako sa babaeng ito(pero mahal mo naman Cevi) Syempre naman author

"Alam ko naman na ang gusto mo ay ako. I mean is anong gusto mong pagkain? Tuktukan kaya kita dyan" sabi ko

"Ayusin mo kasi yang tanong mo. Hmm, kung ano yung inorder mo yun na rin yung akin" saad ni Gyl

Agad na akong nagtungo sa counter at si Gyl naman ay nakahanap na ng pwesto namin.

After kong mag-order ay nagtungo na ako sa pwesto namin. Naabutan ko naman siyang nagse-cellphone

"Busy ka ah" sabi ko

Natigilan siya saglit at tumingin sa akin

"Ah nagtext kasi yung mga kaibigan ko sabi ko nasa Pilipinas na ulit ako" sagot niya

"Sir here's your order na po" singit nung crew

"Ah thanks" saad ko

"Oh, mag-almusal na tayo, alam ko naman namiss mo ito eh" masayang sabi ko

"Salamat dito ah" saad niya

Tumango na lang ako sa kanya. Nakakamiss yung fried rice lalo na pag Pinoy. Yung ang inorder ko kasi sobrang namiss ko talaga sabayan ng mainit na kape

Mga ilang saglit pa ay natapos na kami kaya bumalik na kami sa sasakyan at ng maihagid ko na rin ito

Gyl's PoV
Byahe na kami ngayon sa bahay. Nagpumilit kasi itong kasama ko, mamaya magtampo na naman yan. Lately, mas nakikilala ko na siya. Andaming changes sa kanya, di siya yung Cevi na di marunong ngumiti, laging masungit. Ngayon, akala mo wala ng bukas kung makangiti.

Ewan ko ba dito. Di ko tuloy maiwasang di ma-inlove sa kanya

"Ngiting-ngiti ka ah. Anong meron?" tanong niya

Natigilan tuloy ako sa pag-iisip tungkol sa kanya

"Masama bang masaya lang ako?" sagot ko

"Hmm, wala akong sinasabi, nagtatanong lamg ako eh" saad niya

Lah! Nainis na naman siya. Binaling na lang niya ang tingin sa labas. Ginawa ko? Wala naman

Mas dumikit ako sa kanya at niyakap siya sa bewang

"Bakit ka naiinis? Sorry na po" mahinahong sagot ko

Naramdaman ko namang yumakap din siya pabalik. Sabi na eh, yakap lang ang weakness nito

"Ikaw kasi eh" saad niya

"Sorry na nga po diba" sabi ko

Naramdaman ko naman ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Answeet niya noh

"Sir cevi, andito na po tayo sa bahay nila Gyl" Mang Isaiah

Saglit kaming natigilan sa sinabi ni Mang Isaiah.

"Salamat sa paghatid" sabi ko

"Ok lang yun. Sa susunod ko na ibibigay sa iyo yung mga pasalubong ko, nasa compartment eh" saad ni cevi

"Ok lang yun, ganun din yung iyo" saad ko

"Sige na. Magpahinga ka na" saad ni cevi sabay halik sa noo ko

"Ikaw rin. Ingat kayo sa byahe" saad ko sabay halik sa pisngi niya

After ng sweet moment na yun ay pumasok na ako sa loob. Mga tulog pa sila kaya agad na rin akong pumasok sa kwarto ko





Get some rest muna Cevi and Gyl. Magkasakit kayo eh. Love you

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now