"Sorry mga pre pero mas pipiliin ko yung date namin ni Sae"Dars

"Sus, ang arte, sasabihin mo lang na magpa-practice para sa try-out sa basketball"Kyo

"Tigilan niyo nga ako! Hindi niyo ako mapipilit"Dars

Magsuntukan na kaya sila? Aish! Tiningnan ko naman si Ice na katabi ko, as usual, nagbabasa naman. Tiningnan ko yung binabasa niya, yung cover ng book. Talk back and Your dead. Ano namang book yun? Ang siga ng tittle ah!

AN: Namimiss ko lang ang TBYD! Peborit ko yun!

"Ice, ano yan?" ako

"Libro, obvious ba?" supladong sagot niya. Hayan na naman, nag memeno-pause na naman si Ice, kahapon maganda naman ang usapan namin ah.

"Alam ko, ano ba ang genre ng book na yan?"ako

"About gangs to.. genre? Romance" Mahilig si Ice sa Romance?? DUH! Bakit hindi niya hiningi sa akin yun? Bibigyan ko siya!

Oh, yang makikitid ang utak, ang ibig kong sabihin, bibigyan ko siya ng mga books na may genreng romance, hindi yung ako mismo ang magbibigay ng ROMANCE!

"Romance.. romance.. psh" bulong ko.

"Wala ka nang paki alam dun" Narinig niya pala ang bulong ko, lakas talaga ng pandinig nito! May sa-hayop ata to.

"Kinakausap lang.." bulong ko pero siniguraduhan kong mahina. AS IN mahinang mahina na parang wala ka naman talagang narinig. And fortunately, mukhang hindi naman niya narinig, patuloy pa rin siya sa pagbabasa.

Parang nanahimik, ang nagdadaldalan na sina Raj, Keith,Kyo, Dars at Lance. Parang wala na akong naririnig na sounds.Tumingin naman ako sa kanila.

O______O <~Raj, Keith,Kyo, Dars at Lance

"I-ice.. ikaw ba yan?"Keith

"Ang haba ng mga sinabi mo" gulat na gulat si Raj

"At.. kinakausap mo ng matino si Boss" HUH? Matino bang kausap yang hinayupak na lalaking yan! Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nitong si Kyo.

"Ice!! TAO KA NA!! WOOO! TAO NA SI ICE!" Ang engot na si Dars, pinag sisigaw! Nakakapagtaka nga e, wala man lang response si Ice sa pinag-gagawang ka engotan ni Dars.

"Tumahimik ka nga diyan Dars, ang ingay! TSS!"ayan tuloy ako na yung umawat kay Dars, nagtatawanan lang naman kasi sina Lance. Pati na rin yung mga iba pa naming kaklase.

Ngumiti ng nakakaloko si Dars.

"Huuuuuuyyy, Pinagtatanggol niya si Ice"NAKU!!!! Pasalamat na lang at binulong lang sa akin yun ni Dars! Dahil kung isa ito sa mga sinigaw niya!! IBIBITIN KO SIYANG PATIWARIK!!! 

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now