end

260 12 1
                                    

  
"Nagugutom ka na, Lemon?" Hinimas himas ko ang balahibo ni Lemon.
    
  
Tumahol naman sya na para bang oo ang sagot nya. Tumawa naman ako at binuhat na sya.
   
   
Kakatapos lang ng kanyang monthly grooming session.
    
  
"Anong gusto ng baby Lele ko?"
    
   
Nagpumiglas naman sya nang magdaan kami sa Mcdonalds. Oh please mukhang nuggets nanaman ang trip ng baby chowchow na ito. Hayyyy.
    
    
Nang makauwi na kami sa aking maliit na condo ay napahiga ako sa sofa. Sobrang exhausted ako. Sobrang harot na ni Lemon at kung saan saan ako hinihila.
    
Napapikit ako. Ano nga bang date ngayon ang alam ko malapit na period ko e.
    
     
November 6...
    
    
Hindi ko alam kung bakit automatic na nagflash sa isip ko ang mga hindi magagandang alaala na pinilit ko nang binaon sa limot.
    
    
It was our 5th wedding anniversary today.
     
       
Napahinga na lamang ako ng malalim habang pinapanuod si Lemon na umiikot sa kusina. Buti pa ito di napapagod.
   
   
Napapikit na lamang ako.
   
      
   
    
"I want an annulment."
    
    

   
"Sigurado ka ba, anak?" Tumango lamang ako habang tulala pa din.
    
     
     
   
"No need to worry about that, anak. Ako nang bahala dahil una pa lang naman ako na ang puno't dulo nito. Akala ko dito ka sasaya."
   
Maniwala ka, Dad. Akala ko din...
    
    
    
"Akala ko marerekindle nyo ulit ni Jungkook ang feelings at lalo na ang pangako nyo sa isa't isa nuong mga bata pa kayo."
    
    
   
Nang mabanggit muli ang pangalan nya ay para bang gusto ko nanaman umiyak.
     
   
   
"I guess people really do change. Ang mga desisyon at mga isip nyo. Dapat pala ay mas hinayaan namin kayo ng Tito mo, kayong dalawa ni Jungkook. Para hindi pa humantong sa ganito. I'm sorry, anak."
    
    
Nasaktan ako sa malungkot na boses ni Dad.
    
   
"It's fine, Dad. May mga bagay talaga na hindi natin kayang ipilit lalo na kung hindi naman talaga para sa atin."
      
     
Hinaplos ni Daddy ang buhok ko at ngumiti sa akin na para bang okay na ang lahat. Ito ang hindi ko maintindihan sa Daddy. Ang laki na ng gulo pero parang kalmang kalma lang sya.
    
   
"You don't need the annulment, anak."
    
    
Tiningala ko naman sya bigla dahil duon. Ayaw ba nya? After ng lahat ng nangyari ipipilit- -
    
   
    
  


"Your marriage was fake even the papers. The marriage contract too. Everything."
    
     
Dumbfounded.
   
    
   
That was me right there.
    
  
"Medyo skeptic kase kami ng Tito mo nung una kase alam namin na hindi pa kayo steady ni Jungkook. Maraming pwedeng mangyari kaya hindi kami sure kung isusugal ba namin na itali kayo sa isa't isa agad. We just did the papers para nga magkabisa ang pagmerge ng companies namin. Alam mo naman na at risk ang company ng bestfriend ko na yun, diba? Ang Daddy ni Jungkook? We were hoping na one day ay lumapit kayo sa amin para magpakasal muli but that time ay dahil mahal nyo na ang isa't isa."
    
   
Nakatulala lamang ako kay Papa habang nagpapaliwanag sya.
   
"I thought everything was going pretty well. Never ka lumapit sa akin para magreklamo. Akala ko okay na kayo. Kung ikakasal man kayo ulit. Totoo na sana iyon. And then all of this happened."
    

    
The last time I saw Kookie was when he found out about his child with Elly. Nagwawala sya nuon habang umiiyak si Elly sa harap nya. Kitang kita ko na gusto nyang saktan si Elly pero di nya magawa habang ako ay nakatingin lang sa kanila habang si Yoongi ay pinapakalma sya.
     
   
Wala akong magawa. Nang magtama ang mata naming dalawa ay umalis na ako. Narinig ko pa ang pagtawag nya sa akin.
     
    
Hindi na ako umuwi pa after nuon at dumiretso na nga ako nuon kay Dad. Sinabi ko sa kanya ang lahat. Itinago nya ako at hindi pinaalam kahit kanino kung nasaan ako maging kay Tito. Nirespeto naman nya ito kahit pa alam nya na hahanapin ako ni Jungkook.
   
     
Desisyon ko na magpakalayo-layo at mabuong muli.
    
The first few months were never easy. Puro iyak, puro udyok sa akin na bumalik sa bisig nya pero pinilit ko pa din panindigan ang desisyon ko at huwag idepende lamang kay Jungkook ang kasiyahan ko.
    
    
Kailangan ko maggrow mag-isa.
      
     
Kailangan ko magsimula ulit.
    
     
    
Hanggang ngayon ay nasa healing stage pa din ako pero sa totoo lang unti-unti ko nang natatanggap ang lahat.
    
     
He ain't mine.
   
   
He might had been mine from the beginning but it doesn't mean that he'll be mine forever.
    
     
     
Tama nga sila na may mga tao na pinagtagpo pero hindi itinadhana.

    
   
Isa ang relasyon namin ni Jungkook na nagpapatunay nuon.
     
    
"Sana, masaya ka na kung nasaan ka man ngayon, Kookie."
    
     
   
Hindi ako naniniwala na mapapatunayan ng pagiging selfish ang pagmamahal mo sa isang tao.
     
    
Ang tunay na pagmamahal ay yung matututunan mong huwag unahing isipin ang sarili mo bago ang taong pinakamamahal mo. Ang maging selfless...
   
     
   
"Mahal na mahal pa din kita, Kookie. Gusto ko lang sumaya ka kahit hindi na sa piling ko."
     
Tumahol naman bigla na para bang sumasagot sa akin si Lemon.
     
Napalundag ako ng maramdaman ko na tumalon sya sa lap ko pero kasabay nun ay ang pagbagsak ng vase sa tabi ko.
    
   
Bigla akong kinabahan at napatulala.
    
    
Halos mapatalon ako muli nang tumunog ang cellphone ko.
    
Teka si Dad lang nakakaalam ng number ko ha? Ano kayang meron? Bakit unknown number?
    
   
   
   
"Hello--
    
     
   
"Lizabeth."
    
       
    
   
"T-tito?"
     
Paanong....
    
    
  
"Paano mo nalaman Tito ang number na 'to?"
      
    
"Lizabeth, anak. You need to go home now.. I'm really sorry..."
     
    
 
"Nastroke ang Daddy mo kaninang madaling araw. Please come home now. Your Dad needs you."

AIN'T YOURS • jjkUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum