17

491 29 5
                                    

Isa to sa mga araw kung saan hindi pa man ako nakakadilat ay damang dama ko na ang sakit ng ulo ko. Fcking hell.

"Argggg..." Dahan dahan akong bumangon habang bahagya pa ding nakapikit. Sapo sapo ko ang ulo ko. Mamamatay na ba ko? Napakasakit ha?

Dahan dahan kong dinilat ang mata ko at una ko agad nakita ay ang nakahalukipkip na Jungkook. Nakaupo sya sa sofa katapat ng kama. Nakasimangot lang syang nakatitig sa akin.

"Uhhh, goodmorning?" Tumawa ako ng peke dahil sa ilang. Nilingon nya lang ang gilid ko kaya sinundan ko ang tingin nya. Dumako ang tingin ko sa may small table sa tabi mismo ng kama.

Tubig at biogesic.

Agad ko naman nakuha ang pinaparating nya. "Salamat."

After I took the medicine at pakiramdam ko ay okay na ako ay tumayo na din ako. Nakakailang dahil nanatili lang duon si Jungkook kaya napagdesisyonan ko nang umalis duon.

"Saan ka pupunta?" Tumigil ako sa paglalakad pero hindi ko sya nilingon. 

"Sa kwarto ko." Tipid kong sagot. "Aalis nga pala ako- -

"At saan ka nanaman pupunta?" Naramdaman kong mas seryoso na ang boses nya ngayon. Nilingon ko sya at pinilit humarap sa kanya ng walang emosyon.

"Bakit ba kailangan mo pa malaman, Jungkook? Hindi ka naman ganito dati, ha?" 

Tinalikuran ko na sya at aakmang aalis na pero nagsalita muli sya... 

"...DAHIL ASAWA MO AKO, LIZABETH. HINDI BA SAPAT NA DAHILAN YUN HA?"

Nararamdaman kong papalapit sya sa akin at nakumpirma ko lamang yun nang lingunin ko muli sya. Umismid lamang ako at umiling. Bullshit.

"Kailan ka pa nagpaka-husband sa akin, Jungkook? Bakit ba napakahilig mo mangielam ngayon? Can we just mind our own busi- -

"AT ANO? MAKIKIPAGKITA KA NANAMAN SA JACKSON NA YUN- - *pak*


Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko na sya bago pa nya maituloy ang sinasabi nya. Nag-iinit ang buo kong katawan dahil naaalala ko pa kung gaano katagal kong pinigilan ang sarili ko gawin ito sa kanya. Punong puno na ko.

"BAKIT BA HINDI MO NA LANG AKO PABAYAAN, JUNGKOOK?! KAILAN AKO NANGIELAM SAYO?! PINAKIELAMAN KO BA BUHAY MO HA?! TINANONG KO BA KUNG SAAN KA PUMUPUNTA? KUNG ANU GINAGAWA MO? KUNG SINO KASAMA MO O KUNG KANINO KA NAKIKIPAGKITA?! KAILAN KITA PINAKIELAMAN HA?! SABIHIN MO NGA SAKIN!"

Kahit hinihingal ako ay nagpatuloy ako. Hindi ko alam na sa ganitong panahon ako magbuburst out. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko.

"TANGINA LANG JUNGKOOK KAHIT GUSTO KONG MALAMAN LAHAT NG YAN, PINIGILAN KO SARILI KO DAHIL ALAM NAMAN NATING DALAWA NA WALA AKONG KARAPATAN- -

"PAANO KA MAWAWALAN NG KARAPATAN, HA, LIZA?! MAG-ASAWA TAYO?! ANO BANG SINASABI MO?!"

Napakapit na lamang ako sa doorknob dahil sa panghihina.

"CAN WE JUST STOP PRETENDING, JUNGKOOK? PAGOD NA PAGOD NA KO."

Sumandal na lang ako sa pinto habang nakayuko. He shouldn't see me crying. I don't need his pity.

"Ano bang sinasabi mo, Liza? Bakit ba nagkakaganyan ka?" Hinawakan nya ang braso ko. "I thought we were okay tapos bigla ka na lang nagbago. I'm trying to be a good husband- -

"I AM SO DONE WITH ALL OF YOUR LIES, JUNGKOOK?! HANGGANG KAILAN BA TAYO MAGLOLOKOHAN HA?!"

That's it. Now I'm crying in front of him again.


Mukha ka nanamang kawawa, Liza.

"HANGGANG KAILAN BA JUNGKOOK?!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nya sa braso ko at binuksan na ang pinto para sana lumabas na pero hinila nya ako ng marahas at naramdaman ko na lamang na tumama ang likod ko sa dibdib nya. Kakalas nasana ako sa hawak nya pero bigla nya akong niyakap mula sa likod.

Napakalakas nya para makawala ako. Idagdag mo pa ang panghiohina ko dahil sa pag-iyak.

"Hanggang kailan ba, Jungkook? Hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ko magpanggap. We all know this is just for the show."

Nararamdaman ko ang mukha nya na nakadukdok sa likod ko.

"Alam naman natin na para lang to sa company nyo. Okay naman na hindi ba nakapagmerge na. Ang totoo wala na lang ako sa'yo- -

"What the hell are you talking about, Lizabeth?!"

Pinilit nya ako humarap sa kanya at patingalain. Kitang kita ang bigla sa mga mata nya. 

Probably surprised by the fact that I already caught him.

"Bakit ba hindi mo makuha na pinipilit kong magsimula tayo, ulit? Nakipaghiwalay na ako- -

"STOP!" Umurong ako at itinaas ang kamay ko. Tinakpan ko ang tenga ko. "STOP RIGHT THERE, JUNGKOOK!"

"Liza- -

"AYOKO NA MARINIG PA MGA KASINUNGALINGAN MO, JUNGKOOK! NAKAKABINGI! NAKAKASAWA NA!"

Tinulak ko sya at tuluyan ng tumakbo papaalis. Naririnig ko pa ang pagtawag nya pero lalo ko lang binilisan ang takbo papalabas ng bahay.

Tumakbo ako ng malayo.

Sampung bahay na siguro ang nalagpasan ko at malapit na ko sa coffeeshop pero dahil sa pagod ay napaluhod ako at napayakap sa dalawa kong binti.

Napaiyak na lamang ako dahil sa lahat ng nangyayari.

Jackson...


I just need Jackson right now.

AIN'T YOURS • jjkWhere stories live. Discover now