21

550 21 7
                                    

Writer's note: Babala- - joke. Sige na nga! Babasahin mo pa din naman e. HAHA!

- - -

Naging dahilan ng paggising ko ang nakakasilaw na sinag ng araw mula sa bintana ng kwarto. Napakusot ako ng mata, tsaka ko pa lamang napansin ang mabigat na kamay na nakapulupot sa bewang ko, pati na din ang mahinang hilik sa likuran ko.

Kumurap kurap ako at bahagya munang napatulala bago unti-unting nagflash sa utak ko ang nangyari kahapon. Napakarami nito. Napakaraming nangyari.

Ayokong magising si Jungkook dahil alam kong hindi nanaman nya ako pakakawalan kaya dahan dahan kong inangat ang kamay nya at sinubukang bumangon. Kinuha ko agad ang unan ko upang ipalit iyon. Agad naman syang gumalaw at niyakap ito. Pinanuod ko naman syang inaamoy ang unan ko. Ngumiti sya at maya maya lamang ay humihilik na muli. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ng may ngiti sa aking mga labi.

Kumuha agad ako ng tuwalya at agad na nagtungo sa cr. Napakamot na lamang ako ng ulo dahil napagtanto ko na hindi ako nakaligo kahapon. Shet! Makalingkis pa naman sakin itong si Jungkook, adik na adik sa amoy ko.

Nagbabad ako sa cr habang natutulog si Jungkook. Hindi ko maiwasang mapatulala muli habang paulit ulit na bumabalik sa utak ko lahat ng nangyari kahapon. Magmula sa sagutan namin ni Jungkook, ang paglayas ko bigla, ang pagkikita at pag-aaway namin ni Yoongi, ang paghuli ko kay Jackson at ang paghingi ng patawad ni Jungkook.

Napakadami. Hindi mo aakalaing kahapon lamang iyon lahat nangyari.

Nang matapos ako maligo, napagtanto ko na wala pala akong dalang pamalit na damit. Napasapo na lamang ako sa noo ko at napatikom ng bibig. PAANO NA? Lalabas ako ng nakatapis lang?

Tangina naman, Liza, para namang may ibang option?

Nagtapis ako at niyakapang sarili ko bago buksan ang pinto. Napalundag at napasinghap ako nang makita ko si Jungkook na aakmang magbubukas yata ng pintuan ng cr at nakapikit pa ang isang mata. Mukhang kakagising lang nya. Wala sa sarili akong napaurong at hindi ko napansin na natapakan ko ang brush ng cr sa gilid.

Bago pa man ako mapaupo sa sahig ay nahila na ni Jungkook ang bewang ko papalapit sa kanya. Napakapit rin ako sa magkabila nyang braso.

Nagkatitigan kami nang ilang segundo. 

Nang maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay agad akong bumitaw sa kanya. Muli kong niyakap ang sarili ko at umiwas ng tingin. Nanahimik kami sandali at ng maramdaman ko ang titig nya sa akin, napaubo ako ng bahagya.

"S-sig-ge... i-ikaw na-m-man ang gumamit." Hindi ko na sya hinarap pa at nilagpasan ko na sya. Dali-dali akong dumeretso sa kwarto at sinara ito agad. Napasandal ako sa pintuan at pinakawalan ko ang hininga ko na kanina ko pa pinipigilan.

Sht.

Kakaligo ko lang, 'ha? Bakit ang init ulit?

- - -

Nagluto ako ng agahan. Napakunot ang noo ko dahil patapos na ako magluto pero hindi pa din lumalabas ng cr si Jungkook. Naligo din ba sya? Mag-iisang oras na yata sya duon.

Nang mailapag ko na ang mga pinggan at kubyertos ay sakto namang pagbaba ni Jungkook. Nang lingunin ko sya ay nakita kong nagpapatuyo sya ng buhok. Tumingin sya saglit sa akin pero umiwas din agad.

"Kain ka na." Tipid kong sabi. Tumango lamang sya pero hindi sya tumitingin sa akin.

Bakit ang awkward?

"Eto kanin." Inabutan ko iyon sa kanya. Ngumiti lamang sya habang inaabot ito pero hindi pa din sya lumilingon.

Napakunot ang noo ko habang sumusubo ng pagkain.

AIN'T YOURS • jjkМесто, где живут истории. Откройте их для себя