6

548 31 7
                                    

Nagising ako at una kong naramdaman ay sakit ng ulo ko.


Pangalawa ay ang mabigat na bagay na nakapatong sa bewang ko.


Kahit mahirap ay dumilat ako at- -


"JUNGKOOK?!"


Agad akong lumundag papalayo sa kama at gegewang gewang na napaupo sa sahig. SHT! Ang ulo ko.


"Bakit nasa kwarto kita?" Gulat na gulat kong sabi.


Bakit sya nakayakap sa akin?


"Dinala kita dito dahil lasing na lasing ka pag-uwi ko kagabi."


"What?!"


Balisang balisa akong umupo muli sa kama at iniupo sya. Niyugyog ko sya.


BAKIT BA NAMAN KASE SYA UMUWI KAGABI?! 


"Tell me! Anong ginawa ko kagabi? Nakatulog lang naman ako, hindi ba? Dinala mo ako dito dahil duon ako nakatulog sa sala- -


"Hindi lang yun ang nangyari kagabi." 


Seryoso ang tingin nya sa akin kaya umiwas ako ng tingin at napakagat ako sa labi ko. Fck. Ano bang topak ko at uminom ako kagabi? Sht.


Naramdaman kong nakatitig pa din sya sa akin kaya tumayo na ako. Ayokong malaman ang mga ginawa ko kagabi.


"Kalimutan mo na lang yun."


Papalabas na sana ako ng kwarto pero tinawag nya ako.


"Liza, can we just stay in bed all day? Wala akong gana bumangon e."


Gulat na gulat akong lumingon sa kanya at nakita ko naman syang nakapikit doon at yakap yakap ang unan ko.


Masaya dapat ako ngayon dahil for once, naging ganito sya sa akin. Minsan ko na ding naimagine to pero...


"No, you still have work.  Get your ass out my bed." Malamig kong sabi. Dumilat naman sya at tinignan ako na parang nagtataka.


"Don't you want to cuddle with me?"


I can feel my heart beating so fast pero I managed to keep a straight face. I smirked at him.


Isang taon na din ang nakakalipas.


Kahit tanga ako para ipagpatuloy itong pagpapanggap na ito, hindi ako ganoon ka tanga para umasang he's saying that because he's starting to like me.


He's just probably doing this out of pity.


Siguro dahil sa inasal ko kagabi? Hindi ko pa man maalala ang pinaggagawa ko kagabi pero alam kong naungkat ang feelings ko para sa kanya.


"I'm not your Elly, Jungkook." 


Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya kaya ngumiti ako na alam kong hindi nya mapapansin na peke ito.


"If you want a cuddle, go to your girlfriend. Ako na bahala sa idadahilan kay Dad." Hinawakan ko na ang doorknob at binuksan ng bahagya. Nararmdaman ko na din ang luha na nagbabadyang tumulo mula sa mata ko.


"Bayad yan sa kung ano man ginawa ko kagabi. Kung ano man yun, humihingi ako ng tawad."


Tuluyan akong lumabas at napahawak sa bibig ko.


I'm sorry, Jungkook, but I'm getting tired of this set up.

AIN'T YOURS • jjkजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें