23

195 8 1
                                    

  
Hindi ko alam kung ano ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob pero ngayon ang araw kung saan tinanggap ko ang pag-aya sa akin ni Elly na magkita.
   
  
Pakiramdam ko ay handa naman na ako sa mga maririnig ko totoo man ang mga yun o hindi.
   
 
Kasalukuyan akong naghihintay sa coffee shop na napagkasunduan naming meeting place. Nasa trabaho ngayon si Kookie kaya naman hindi ko na kailangan pang magdahilan masyado dahil wala syang maabutan sa bahay. Ayaw nyang makipagkita ako kay Elly kahit ano pang mangyari pero heto ako nakikipaglaro sa apoy.
   
  
Ewan ko ba naman. Tingin ko naman hindi titigil si Elly hangga't di ako nakakausap e.
    
   
"Pasensya na, medyo late ako." Kalmadong kalmado pero dama mong tensyonadong sabi ni Elly pagka-upong pagkaupo nya sa harap ko.
   
  
"May iba pa akong aasikasuhin ngayong araw, Elly. Kung pwede ay malaman ko na kung bakit gustong gusto mo makipagkita." Pagdadahilan ko kahit wala naman akong gagawin. Gusto ko lang matapos to agad.
  
  
Sa totoo lang, wala naman talaga kong  ganap ngayong araw. Ayaw ko lang magtagal na kasama sya dahil hindi pa din ako kumportable sa presensya nya hanggang ngayon.
   
  
Yumuko naman sya at halatang halata ang pag-aalangan sa kilos nya.
   

"Unang-una, Liza...
   
    
   

  
Gustong gusto ko magsorry sayo. I'm really sorry for everything. Lahat lahat ng nagawa ko sa'yo at pati mga nagawa ng kuya ko."
  
Nagsimula na syang umiyak sa harap ko.
   
  
"I'm sorry for being selfish, Liza. Hindi ko intensyon na saktan ka. Sobrang mahal ko lang talaga si Jungkook at pinaramdam nya sa akin na ganuon din nararamdaman nya kaya kahit alam kong mali ang set-up namin, tinanggap ko pa din dahil, mahal na mahal ko sya. Sorry..."
   
   
Nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa narinig ko. Bigla ko naalala yung mga panahon na yun kung saan naghihirap ako. Dumungaw na lamang ako sa tabi namin na bintana habang pinapakinggan sya.
   
  
"Sorry kung nagpakaselfish ako para sa taong mahal ko, Liza."
    
Tumikhim lamang ako.
    
  
"Hindi ba ganuon ka din naman? Kahit alam mong nagmamahalan kami, gumitna ka pa din at pinilit syang matali sa'yo?"
  
Napalingon ako sa kanya at nakita ko na parang deretso pa din ang mukha nya.
   
 
"Ano bang gusto mong sabihin, Elly? Wag mo ko igaya sa inyo. Huwag mo ko itulad sayo. May choice si Jungkook. Hindi ko sya hawak sa leeg. May kalayaan sya ipaglaban ka pero ginawa ka nyang kabet. Kung ano man desisyon nya, wala na akong kinalaman duon. Kung ipinaglaban ka nya, edi sana nasa iyo sya ngayon."
   
Tumayo na ako pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.
  
  
"Hindi ko ipinilit ang sarili ko sa kanya. Hindi ko hiningi na umuwi sya sa akin gabi gabi. Hindi ko sya pinigilan na matulog sayo. Hindi ako nagsalita kahit kailan pero ngayong narealize nya kung kanino talaga sya, siguro naman may karapatan na ako magsalita." Kinuha ko ang bag ko bago maglakad lagpas sa table namin. "Akin na sya, respeto naman sana at sana rin matahimik ka na."
    
   
"Sandali, Liza." Narinig ko ang pagtayo nya kaya naman nilingon ko sya.
    
   
"Yun lang ba ang dahilan kaya mo ko gusto makita? Para magsorry at ipamukha sa akin na kasalanan ko naman din dahil kayo naman talaga at umeksena lang ako? Wala na kong panahon pa para makipagtalo sa'yo. Malinaw naman na sa'yo kung ano ka na lang kay Jungkook, di'ba?"
   
Akala ko ay hindi na sya sasagot pero nang makita ko muli ang mapanlinlang na smirk na iyon mula sa kanya, alam kong di ko na magugustuhan ang mangyayari.
    
  
"Tama ka, Liza, wala na ko karapatan. Lahat ng karapatan ko ay nakuha mo na- -
   
"Correction, binawi ko lang ang pwesto ko. Una sa lahat, ako ang una nyang minahal. Alam mo yan. Ngayong nasa akin na ulit iyon, malinaw naman na kung kanino talaga iyon?" Hindi ko alam bakit ko nakuhang sumabat kahit di naman ako handa sa mga ipupukol nya pero dahil siguro sigurado na ako sa feelings ni Jungkook ay may lakas na ko ng loob ngayon.
     
  
"Sigurado ka?
   
    
    
    
    
   
Hindi ko sinasabi na makukuha ko yun pero sigurado ako na magkakaroon ka na ng kahati kaya humanda ka na."
    
    
Bumaba ang tingin ko sa cardigan nya na bahagya nyang tinanggal.
    
    
   
   
Halos manginig ang buong sistema ko dahil mabilis ko ding nakuha ang gusto nya iparating. Matinding lamig ang naramdaman ko na pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo ko.
    
   
     
    
    
    
"I'm three months pregnant, Liza. Anong laban mo?"
    
    
   
   
"Nasa iyo ang puso ni Jungkook, Iyo sya sa papel. Paano ba yan, nasa loob ko ang anak nya. Dugo't laman nya. Anong laban mo?"
    
  
Tinry ko pa din manatiling composed kahit hirap na ko iprocess lahat.
   
"Paano ka naman nakakasiguro na kay Jungkook yan?"
    
     
   
"Tingin mo sa lahat ng nangyari, magkakaroon pa ko ng lakas ng loob na magpakita sayo? Wala na. Pero dahil dito, meron pa."
    
   
Nakangisi sya na linagpasan ako at bahagyang lumapit sa tenga ko.
    
    
    
"Goodluck, Liza. Ikaw ang asawa. Kabit na kung kabit. May anak ako sa kanya. Ikaw ba?"
     
    
"Ano nga bang laban mo?"

AIN'T YOURS • jjkWhere stories live. Discover now