19

522 25 18
                                    


"Lizabeth naman! Anong kagagahan ba 'tong pinasok mo?!"

"Syempre kilala ka ni Jackson bago mo pa man sya makilala sa bar. Kilala ka ng Wang dahil ikaw ang napangasawa ng anak ng Jeon, ang rival group nila. Alam nila na Garcia ang nagsalba sa  company ng Jeon. Gahd! Liza, nanduon sila nuong kasal mo!"

"Pero... paano kung walang alam si Jack- -

"Bullshit, Liza! Kung ngayon tingin mo pa din e walang motibo yang Jackson na yan, ang tanga tanga mo na talaga."

Napatikom ako ng bibig ko.

"Bakit ba kase sa dinami dami ng makikita mo nung mga panahon na yun, si Jackson pa? You were in a vulnerable state that time so I can't blame you if you liked his company. Bakit ba hindi ka na lang sa akin pumunta- - sht! Alam na ni Jungkook?!"

Mabilis akong tumango at napalundag dahil sinipa agad ni Yoongi ang sofa. Napakagat ako sa labi ko habang mahinang umiiyak.

"Kung alam ko lang na ganito mangyayari sa inyo, una pa lang, gumawa na ko ng paraan para maging maayos kayo."

"Liza, alam kong pinagkasundo lang kayo pero alam ko din naman na kung di kayo sasang-ayon sa una, pag nagtagal, masasanay ulit kayo sa presensya ng isa't isa at mababalik yung dati nyong pinagsamahan."

"Liza, nanduon ako noong mga bata pa tayo. Alam ko na kayo ang para sa isa't isa. Nangako pa nga kayo diba? Wala ako nuong nagkahiwalay kayo pero saksi ako kung paano nagsimula ang lahat kung gaano katibay ang pundasyon nyo. Bakit humantong sa ganito?"

Napahawak na lamang ako sa bibig ko habang pinipigilan ang bawat hikbi ko.

Kasalukuyan akong nakatulala habang patungo sa isang cafe na malapit sa bahay ni Yoongi. Iniwan nya ako sa sala kanina.

"Putulin mo na ang ugnayan nyo ni Jackson, Liza. Wag kang magpauto sa lalaking yun. Hindi mo pa sya kilala. Hindi mo talaga sya kilala."

Kaysa umuwi ay napagisipan kong dumaan na muna sa kahit anong lugar bukod sa bahay. Kahit na mukha akong basahan ngayong araw ay nakuha ko pang pumuntang coffee shop. Nawawalan na talaga ako ng pakielam sa paligid ko, pati sa kung anong iisipin nila sakin.

Hindi naman ako mukhang batang yagit pero kakaiyak ko, siguro, mukha na kong nakashabu sa pula ng mata ko o kaya naman isda dahil mugtong mugto na mata ko pati namamaga na siguro yung mukha ko. Pumunta ako sa counter at ng makita nya ako ay bahagya syang nabigla. Tinignan nya pa ako mula ulo hanggang paa.

Humugot ako ng pera sa bulsa k- - lintek, itong suot ko, kahapon pa pala 'to. 

"Caramel Macchiato, please."

"Mag-isa lang po kayo, Miss?" 

Tinaasan ko na lamang sya ng kilay. "Mukha ba kong may kasama?"


Dumiretso ako sa upuan malapit sa bintana at tinitigan ang phone ko.

To: Jackson
Can we meet today?

Huminga ako ng malalim dahil sa kaba. Handa ba ako makaharap sya at malaman na tama si Yoongi at galing mismo sa bibig nya?

Malaking porsyento sa akin ay umaasa na walang kinalaman si Jackson sa kung anuman ang meron sa pagitan ng pamilya nya at pamilya ni Jungkook.

From: Jackson
Sorry, babe. May inaasikaso ako today. Tomorrow, yeah?

Bumuntong hininga ako at hindi pa din mapakali. Gusto ko na matapos ito at hindi ako makakatulog. Nagkanda leche leche na ang lahat.

AIN'T YOURS • jjkWhere stories live. Discover now