18

485 25 6
                                    


"Liza, mag-iisang oras na tayong nakatunganga dito. Isang oras ka na ding nakatitig sa kape na tinimpla ko."

Hindi ko nilingon si Yoongi na nasa di kalayuang sofa. Ako naman ay nasa may dining table at duon nakapirmi. Lumilipad pa din ang utak ko kung saan sa mga oras na 'to.

"LIZA!" 

Napatingala naman ako at bahagyang napakislot nang makita na nasa harap ko na si Yoongi at nakasimangot sa akin.

"At dahil wala kang balak magkusang kwento, tatanungin na lang kita." Umupo sya sa upuan sa harap ko. "Bakit kita naabutan sa kalye na nakaupo sa daan at ngumangawa?"

Hindi ako sumagot.

"Nag-away nanaman ba kayo ni Jungkook?"

Napakagat ako sa labi ko dahil muli nanamang nabanggit ang pangalan na iyon.

"Ahh ganun, ayaw mong sumagot?" Hindi ko sya pinansin pero nang makita ko na may dinadial sya sa phone nya ay pinagkunutan ko sya ng mata.

"Anong ginagawa mo?" 

"Tatatawagn ko sya at sya ang pagkekwentuhin ko- - ya! Liza, ano ba!"

Inagaw ko ang phone nya at pinatay agad ito.


"Huwag mo na syang tawagan. Magkekwento ako."

Inirapan naman nya ako at humalukipkip na lamang habang sumasandal. "Game."

Huminga ako ng malalim at nangalumbaba sa mesa.


"Nag-away kami ni Jungkook- -


"Woah, bago yun 'a." Nginiwian ko naman sya dahil sa pagsabat nya.

"Ikaw na kaya magkwento?" Inirapan naman nya ko.


"Alam mo naman na yung set-up namin, Yoongi, hindi ba?" Tumango naman sya habang nakasimangot pa din. Ibinaba ko na lamang muli ang tingin ko sa tasa ng kape sa harap ko bago muling nagpatuloy.

"Gumagawa na kasi ako ng paraan para makawala duon." Mahina kong sabi kaya rinig na rinig ko ang pagsinghap nya.

"Sa paanong paraan, Liza?" Napatikom ako nang bibig dahil sa biglang pagseryoso ng boses ni Yoongi. Nakakatakot.

Hindi ko pwedeng iwanan sa ere yung tanong nya.

"Naghanap ako ng iba." Napalundag ako ng bigla nyang padabog na ibinagsak ang dalawa nyang kamay sa mesa.

"ANO? ANONG GINAWA MO?! SABIHIN MONG MALI AKO NANG NARINIG!"

Napatungo na lamang ako at hindi nakasagot.

"HINDI MO MAN LANG BA NAISIP NARARAMDAMAN NI- -


"YOONGI BAKIT BA LAGI NA LANG YUNG NARARAMDAMAN NYA?! HINDI MO BA NAISIP YUNG PINAGDAANAN KO SA MAHIGIT ISANG TAON NA KASAMA KO SYA?! NA ASAWA KO SYA PERO HINDI KO DAMA?!" Napatayo na ako at hindi na sya pinatapos. 

Nang matapos ko sabihin yun ay naramdaman ko muli ang panghihina at dahan dahan napaupo. Si Yoongi ay nakatitig lamang sa akin ng seryoso.

"Ako lang ba yung mali? Ako ba lagi yung mali? For once, hinayaan kong sumaya man lang ako. Mali ba yun, Yoongi?"

"Yoongi, pareho lang kami nahihirapan sa sitwasyon namin. Alam ko naman na hindi lang ako ang gustong makawala dito. Alam ko na gusto nya din sumaya sa piling ng taong mahal nya. Alam ko naman na hindi sya masaya sa ak- -

"At paano mo naman nalaman lahat ng yan?"

Kalmado pero sobrang seryoso ng tono ni Yoongi. Diretso lamang ang tingin nya sa akin at pakiramdam ko ay mangangatal ako sa lamig ng titig nya.

"Nanggaling ba lahat yan sa bibig ni Jungkook?"

Nakipagtitigan lamang ako kay Yoongi.

"Sinabi nyang napapagod na sya? Sinabi nya nang gusto nyang kumawala? Sinabi nyang di sya masaya sayo? Lahat ba ng sinasabi mong 'alam mo' nanggaling mismo sa bibig nya, ha, Liza?"

"Hindi nya na kailangang sabihin dahil nararamdaman ko- -

"PAANO MO SYA MARARAMDAMAN KUNG NI HINDI MO SYA KINAKAUSAP?!"

Napatulala ako dahil this time... totoong sumisigaw na si Yoongi. Natatakot na ako.

"FOR ONCE BA, LIZA, TINANONG MO SYA KUNG KAMUSTA NA SYA? TINANONG MO BA KUNG KAMUSTA SYA SA MAGHAPON KAPAG DADATING SYA SA GABI?"

"HINDI NAMAN DIBA? KASE HINDI KA NYA NAABUTANG GISING! KASE INIIWASAN MONG MAKASALUBONG SYA SA BAHAY NYO!"

"Ngayon, sabihin mo sa akin, paano mo nasabing alam mo yung gusto nya at kung saan sya sasaya when in the first place, hindi mo inalam yung side nya?"

Para akong napipi at hindi ko namalayan na bumabagsak na yung mga luha ko.

"ni hindi mo inalam kung bakit hindi pa din sya kumakalas sa kalokohan nyo."

"Yoongi..." Nilingon ko na sya habang umiiling. "Yoongi, hindi nya ako mahal. Yoongi naman, para lang to sa kumpanya."

"At paano mo nasabi?"

"Narinig ko sa kanya nung araw na yun na bibigyan ko na dapat sya ng chance na maging malapit kami sa isa't isa tulad ng dati pero bago pa man ako makapasok sa kwarto nya narinig ko na agad na..."

Parang may bara sa lalamunan ko dahil hindi ko ito makwento ng maayos kase... masakit pa din.

"...na kausap nya si Elly at sinasabi nyang wala lang ako sa kanya- -

"Kinonfront mo ba sya pagkatapos nun?"

Hindi ako sumagot.

"Anong ginawa mo pagkatapos mong marinig yun, Liza? Sumagot ka."


"Umalis ako at..." Nagdadalawnag isip ako kung sasabihin ko pa but knowing Yoongi, pipigain nya din ako hanggang sa sabihin ko.

"Duon ko nakilala yung nagpapasaya sa akin ngayon."

Napabuntong hininga na lamang sya na para bang pinapakalma ang sarili.

"So hindi mo nga sya kinausap- -

"Yoongi bakit kailangan marinig ko pa sya ideny nya yun? Sapat ng narinig ko yung dapat- -


"KASE KELANGAN NYO NUN! YUN ANG KULANG KAYO! COMMUNICATION! PAREHO KAYONG DUWAG MARINIG SASABIHIN NG ISA'T ISA!"

Naputol ang pag-uusap namin dahil sa pagvibrate ng phone. Naramdaman kong nanggagaling ito sa bulsa ko. Dala ko pala ito?

Kinapa ko ito at nang buksan ko ay nakita ko kung sino ang tumatawag.


"Jackson?" Nagulat na lamang ako nang makita kong nakatingin si Yoongi sa screen ng phone ko.



"Wag mong sasabihin na si Jackson Wang yan na anak ng rival ng kumpanya nyo."

Napanganga na lamang ako at nang hindi nakatanggap ng sagot mula sa kin si Yoongi ay nilipat nya sa akin ang tingin nya. Nanlaki ang mata nya.

Rival?


Kalaban na kumpanya ni Dad? Paanong- - bakit hindi ko alam- -


"Bakit may number ka nya, Liza?"


Natatakot muli akong sumagot.




"Liza, alam mo na bang yan ang nagbalak magpabagsak ng kumpanya ng Jeon?"

AIN'T YOURS • jjkWhere stories live. Discover now