14

534 29 14
                                    


Nagising ako na wala na akong katabi. Napaismid na lamang ako kung bakit pumayag pa akong sa isang kwarto kami matulog. Nandidiri lang ako lalo dahil panigurado kinakama nya dito si Elly kapag wala ako. Buti na lang tuwing uuwi ako ay shinusure ko na pagod ako sa paggagala, pagtambay sa mga bars na kasama si Hoseok na nagtataka na kung pinapayagan ba ko ng asawa ko pumarty o kahit sa ano pa mang lakad para antok na lamang ang mararamdaman ko paghiga ko dito sa kama nya. 

Nag-inat inat ako. Ang aga-aga pero bakit parang naiirita na agad ako?

Ilang minuto pa akong tumulala duon bago ko mapagdesisyunan na bumaba. Alas-siyete pa lamang ng umaga. Napaaga pala ako ng gising.

Tahimik ang buong bahay. Nararamdaman kong ako lang ang mag-isa sa bahay. Napangiwi na lamang ako at umiling. 

Mukhang napaaga ang alis ng asawa ko para puntahan ang pinakamamahal nyang Elly.


Naramdaman ko nanaman ang pamilyar na kirot sa aking dibdib pero binaliwala ko iyon at tumungo na lamang sa kusina.

Nakita ko agad ang plato sa mesa.

Pancakes. My favorite.


Napangiti naman ako dahil alam ko kung sino ang nagluto nito pero agad ko iyong binawi at tinakpan.

He probably made this so I won't suspect him being with his mistress again. You're clever, Jungkook,

But I'm not a fool for you anymore. I know better.

Naghilamos ako at nagsipilyo para tuluyang magising. Bumalik naman ako sa kwarto ko at duon humiga. Kinuha ko ang aking telepono at nakita kong marami akong natanggap na messages. Anong meron?

Bubuksan ko na sana ang isang mensahe galing kay Hoseok pero biglang may tumawag.

Jackson calling...

"Hey, good morni- -

"KINGINA KA, LIZA! KUNG HINDI PA NAGNOTIFY SA AKIN SA FACEBOOK, HINDI KO MALALAMANG BIRTHDAY MO NGAYON!"

Bumungad sa akin ang malakas na boses ni Jackson. Natahimik naman ako duon at unti unting naintindihan lahat.

It is my birthday today.

Napatikom na lamang ako ng bibig ko dahil narealize ko kung gaano ako katanga para makalimutan iyon.

"Ano? Nakalimutan mo din?"

Huminga na lamang ako ng malalim. "Ingay mo."

Narinig ko ang pagngisi nya. "Happy Birthday, baby."

Napangiti na din ako at gumulong sa kama. Umayos ako ng upo habang nakasandal sa headboard. "Thank you, Jackson."

"You're always welcome." He paused for few seconds before he speaks again. "Uhmm I was just wondering..."

Kumunot naman ang noo ko dahil sa pag-aalangan nya.

"...may lakad ba kayo ng asawa mo ngayon? I really want you to spend your birthday with me pero naiintindihan ko naman kung may lakad kayo. Pwede naman bukas na ta- -

"Let's meet later. 9am sa may Lavender Park." Napakagat naman ako ng labi dahil sa padalos dalos kong desisyon na kitain sya. 

I want to spend time with Jackson. 

Jungkook probably didn't know today is my birthday. Last year ay binati nya lamang ako dahil narinig nyang binati ako ni Dad nuong nagdinner kami kasama ang dad nya. Napahiya pa nga sya dahil tinanong sya ng tatay nya kung may surprise sya sa akin pero wala syang nasagot. Walang special na nangyari nuon bukod sa dinner with my dad and his dad. Hindi nya ako masyadong pinansin dahil busy sila nila Dad nuon sa pagkekwentuhan. Naalala ko pa nuong mismong araw na iyon ay tanga pa ako dahil umasa ako na baka kahit papaano ay may something sya para sa akin pag-uwi. Nakakatawa dahil umuwi kaming lasing sya. Inakay ko pa sya sa kama nya nuon habang kumakanta sya ng Happy Birthday. Kung anu-ano pa ang pinagbubulong nya nuon pero dahil sa badtrip ay iniwan ko na lamang sya duon sa kwarto nya- -

"Baby, you still there?" Napakislot naman ako ng marinig ko magsalita mula sa kabilang linya si Jackson.

"Yes. So, see you later?" Narinig ko syang ngumisi.

"See you later."

- - -

"Nakakainis naman at kailangan pa nating pumunta sa malayo para magdate." Tinignan nya ang kanyang relo at napailing. "12pm na o! Kalahating araw na lang natin masecelebrate ang birthday mo! Saglit na lang kita makakasama!"

Natawa naman ako at ipinulupot ang dalawa kong kamay sa braso nya. Hinila ko sya papalapit sa akin.

"Wag ka ng madrama dyan no. Sulitin na lang natin." Tiningala ko sya nakasalukuyan na nakanguso pero dahil nakita nya akong nakangiti ay ngumisi na din sya.

Two months na din kaming ganito ni Jackson.

We aren't an item but we're dating. Alam ko mali dahil unang una sa lahat, may asawa ko pero naisip ko, may saysay ba yung label na yun kung pareho naman na kaming hindi seryoso?

Pinakasal lang naman kami dahil sa business. Yun lang. No more, no less.

Bakit ba kase hindi ako maagang nauntog para hindi nagkanda leche leche ang buhay ko at hindi naging komplikado tulad nito.

"Bakit nakabusangot ka dyan? Birthday na birthday mo, ampanget mo."

Hinampas ko naman si Jackson dahil sa walang filter na comment nito.

"Birthday na birthday ko, nang-aasar ka!" Inirapan ko naman sya at inunahan sya sa paglalakad. Narinig ko syang tumawa. Maya maya ay niyakap nya ako mula sa likod habang naglalakad pa din kami.

Ngumiti naman ako at hinawakan ang kamay nyang nakapulupot sa akin.

Masaya ako kapag kasama ko si Jackson pero nakakalungkot isipin dahil alam kong hindi nya to deserve. Bakit ka ba naman makikipagrelasyon sa may asawa na kung pwedeng sa single na lang? Gwapo pa naman sya.

"You know what, you're husband is so damn stupid to not take you out today." Hinalikan nya ako sa pisngi at nagulat ako duon. "but I'm thankful coz I could spend time with you today."

"Alam mo, Jackson. Lalo kang nagiging cheesy. Dati ang cool ng tingin ko sayo, ngayon para ka ng bading kakabanat mo."

Tumawa naman sya at pinatong ang baba nya sa ulo ko.

"Hanggang ngayon, napakaprangka mo pa din sa akin. Sayo lang ako ganito no. Wala na akong ibang babae bukod sayo." Bumuntong hininga sya at tumigil sa paglalakad. Napatigil din ako. "Ikaw lang naman ang may iba."

Bakas ang lungkot sa boses nya. Kumalas ako sa yakap at humarap sa kanya.

Hinawakan ko ang dalawa nyang kamay at pinisil ito. Tiningala ko muli sya at nginitian.

"Ikaw naman ang gusto ko, Jackson."

Bakit hinayaan kong mabulag sa pagmamahal kay Jungkook? Bakit ba kase hinayaan kong matali s akanya kahit na alam kong may mahal na syang iba?

Bakit ba sobrang tanga ko?


Edi sana hindi ganito kakomplikado ang lahat.


Edi sana masaya ako ngayon kasama si Jackson.


Edi sana kami na lang.

AIN'T YOURS • jjkWhere stories live. Discover now