13: Love and Forgive

6K 82 5
                                    

Amber's POV

''Mam... san po ba talaga tayo?'' nagtanong na yung taxi driver, tumingin ako sa kanya at matanda na ito, medyo concern pa ang tingin sakin.


''m-manong... dyan nalang kahit sa plaza...'' i said, tumango ito pero ginawa parin akong tignan at binalik ang mga mata niya sa kalsada.


''may problema po ba kayo miss? kung makakabuti, ikwento mo sa akin ang sama ng loob mo, baka makagaan.'' sabi nito ng mahinhin, i was sobbing like a total baby sa likod niya habang i was trying to wipe my tears away with a tissue.


''T-taga san p-po ba k-kayo?'' nauutal kong salita ng dahil sa nahihirapan narin ako magbigkas ng dahil sa kakaiyak ko.

''probinsya ineng, 3 years palang ako dito, sa katunayan, mukhang... lalake yang iniiyakan mo ah?''

hindi ko siya sinagot pero jusko, kelan ba titigil ang luha ko?

''kung ka-isang dibdib mo man iyan, ay malalagpasan niyo yan kung ano man ang problema. ito bang si mister mo ay sinasaktan ka ng pisikal?''


''h-hindi po...''


''bagong kasal ba kayo?''


''opo, tay...''


''ay kaya naman pala!! natural lang iyan, kung babae man iyan o pangangaliwa, kung gusto niyo maayos iyan, gagawa yan ng paraan para mapatawad mo siya, at ikaw... hindi mo matitiis ang iyong mister kung ito ay mahal na mahal mo pa.'' sabi nito, medyo gumaan loob ko sa sinabi niya, pero ung mahal na mahal? yung hindi ko matitiis? 


gawain ko yun sakanya, kahit ilang beses pa niya akong saktan mahal na mahal ko siya.



''p-paano niyo naman po nasabi?''tanong ko.


''nangangaliwa rin ako, hindi ako nakuntento sa asawa ko. ayyy ang asawa ko pa naman ay isang maligaya at mapagmahal na babae, inuna nya ako kesa sa pamilya niya at sa sarili niya, maganda at mapagpatawad, nung natatauhan na ako, hindi niya ako hiniwalayan kahit ilang beses ko siya sinaktan, dahil alam mo kung anong hinihintay niya?

.

.

.

.

.

ay ang humingi ako ng tawad sa kanya, ayaw niya akong hiwalayan noon at sobrang makasarili na siya pagdating para sa akin, ginawa ko lahat, para mapasaya ulit siya at gumana naman, naging masaya ulit kami at mapayapa.''


''ganun po ba? kamusta na po siya ngayon?''


''mga ilang buwan na rin ng mamatay siya, batang bata pa ang binibining iyon, iniwan niya ang anak naming sanggol sakin. 35 siya namatay, nitong taon lang din ineng, ako naman, ng dahil na hindi ako nakatapos, hindi ko manlang nabigyan ng magandang buhay ang babaeng nagbigay sakin ng saya.''


lalo naman akong pinapaiyak niyo ni tatay! grabe makakwento! ipa-mmk mo na iyan tay!!

''grabe naman po pala...''

''kaya ngayon, ingatan mo ang iyong sarili para sa iyong asawa, mas magandang maging malakas para sa iyong asawa ng kahit na napapabayaan mo ito minsan, dahil ang asawa ko? inuna ako ng inuna, hindi na niya inintindi sarili niya.

.

.

.

.

.

may anak na ba kayo?''nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya, napangisi nalang ako ng kaunti.



MY HUSBAND'S PLEASURE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon