09: She was Loved, He got Lust

9K 81 4
                                    

''Alejandro Gomez ang pangalan niya, isa siyang anak ng bilyonaryo bessy! He wants to date me omg!!'' kinikilig nitong salita, teka.. Alejandro? Parang narinig ko na yun ah? Nevermind na nga lang at pagbibigyan ko nalang itong babaeng to.




''oh sige, aalis na kami.'' sabi ko, tumingin ako sa mga bata. ''mag ba-bye na kayo sa mga nanay nyong dalagita, agatha, kei, oh ikaw lauren.'' kinausap ko ang mga bata na parang timang.




Inilagay ko na yung dalawang bata sa likod na may babyseat pa galing sa mga pinsan ko, at itong 1 year old sa harap ko, masarap naman sila alagaan kasi tahimik lang at mahinhin, hindi katulad ng ibang bata na masarap na ibato sa ilog.




''Tita Amber, can I have candy?''



''tita I want candy too.''




Oh ayan na, humirit na ang dalawang bata, habang nag da-drive, nakita ko ang 711 kaya ayun, nag parking nalang ako. ''oh sige, but stick with tita amber pag bumaba na tayo ah?'' I said, they both nodded kaya ako naman tong bumaba na ng kotse, binaba ko na ung dalawang munting bata at kinarga ko na ang pinaka maliit sa kanila.




Jusmaryosep, para tuloy akong babysitter, yaya, nanay, ewan! Lahat ng gawaing nanay nasa akin na, pero ang sarap lang naman din... gusto ko na mag anak!




''go ahead, pick what you want, but only 3 items for each of you okay?'' I said, they both gave me a beautiful dazzling smile at humiwalay na sakin para kumuha ng candy.




''Omg travis..''



Lumingon ako sa likod ko nung nakatulala lang ung cashier, timing na timing talaga itong lalakeng to. Nakita ako ni travis and he smiled, bakit wala naman siyang disguise ngayon?




''hey amber! Kamusta anak mo?'' tanong nito, I rolled my eyes at him. ''di ko siya anak.'' sabi ko.




''if so anak natin?''



''di ko nga anak!''




''oo na, init naman ng ulo nito!'' tumawa ito, tumakbo papalapit sakin ang mga batang may dalang candy, at lalo pang nag mukhang gago ang tingin ni travis.

MY HUSBAND'S PLEASURE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon