Chapter 4 - The Farther Academy

34 5 6
                                    

Serafina's POV

"bakit ganyan mukha mo? parang natatae ka?" tanong ni mica

Umiling lang ako bilang sagot, maya maya pa'y naglakad na kami papunta sa harapan ng isang malaking gate, gaya kanina namamangha ko itong pinagmasdan, kulay ginto kasi ito at sa pinaka gitna nakaukit ang TFUSM at isang bilog na meroong iba't ibang kulay na parang hibla ng kidlat, may dalawang pegasus sa gilid dalawang kamay sa baba na animoy sasaluhin ito at isang malaking korona sa taas ng bilog na may limang makukulay din na bato, puti, pula, asul at berde, may dala din itong kilabot na kakaiba.

Huminga ako ng malalin, bahala na.

Naramdaman kong pinisil ni mica ang kamay ko "wag kang mag alala, tutulungan kitang mag adjust"

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya, maswerte akong nagkaruon kaagad ako ng kaibigan bago paman magsimula ang bagong buhay ko dito.

"Attention students, please fall in line properly according to your sections" ani ng isang babaeng maikli ang buhok, "pagkatapus maibigay sa inyo ng ID niyo, sundan niyo lang ang nasa unahan ninyo, may nag aabang na bus sa luob find your seats and settle down there hanggang sa matapus kami sa pagbibigay ng ID's, am i understood?" Sabay sabay kaming sumagot

Ano kaya ang itchura ng ID nila? Sana maganda.

Excited akong pasilip silip sa unahan, at dahil nasa harapan ko si mica nakita kong kinabitan siya ng silver na bracelet, may iniabot din sa kanyang backpack, kinausap din siya ng babaeng maikli ang buhok

Matapus ni mica agad naman akong naglakad papunta sa babae kanina, inabot ko naman sa kanya ang kanang kamay ko, ikinabit niya dito ang silver na bracelet na relo, simple lamang ito at may isang pindutan lang, humigpit din ito base nadin sa hugis ...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matapus ni mica agad naman akong naglakad papunta sa babae kanina, inabot ko naman sa kanya ang kanang kamay ko, ikinabit niya dito ang silver na bracelet na relo, simple lamang ito at may isang pindutan lang, humigpit din ito base nadin sa hugis ng kamay ko.

"Ito ang magsisilbing ID mo, mapa, schedules, allowance, pagpapadala ng mensahe at passes, andito na lahat, nasa bag naman na to ang limang pares ng uniform mo maging ang sapatos na gagamitin mo" tumango ako bilang sagot, hindi ko kasi maihiwalay ang mata ko sa bracelet na bigay nila, masiyadong nakakamangha

Pinindot niya ang natatanging pindutan sa bracelet, bahagyang nanlaki ang mata ko sa gulat, may lumabas na hologram lang naman kasi sa kamay ko

"Kagaya lang din to ng cellphone sa vesti, kaya alam kong di ka mahihirapan gamitin to" aniya "bweno kung wala ka nang tanong maara ka ng pumasok sa bus at antayin ang iba mo pang kasama" aniya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kagaya lang din to ng cellphone sa vesti, kaya alam kong di ka mahihirapan gamitin to" aniya "bweno kung wala ka nang tanong maara ka ng pumasok sa bus at antayin ang iba mo pang kasama" aniya

"Sige po salamat" dali dali akong naglakad papunta sa bus, agad kong hinanap si mica, kumaway siya sakin ng mamataan ako, nakaupo siya sa pang limang upuan

"Sef! Dito tayo" aniya, agad ko naman siyang nilapitan "jan kana sa may bintana para makita mo ang ibang parte ng Farther"

"Salamat mica" ani ko at umupo banda sa bintana "ang ganda ng ID natin noh? Masiyadong high tech" dugtong ko na ikinahagikhik niya

"Naku, wala pa yan sa mga matutuklasan mo" aniya na nangingislap ang mga mata

"Talaga?" Aniko, tumango naman siya ng may maalala ako "teka, sa isang whirlpool din ba kayo dumaan?" Wala sa sariling tanong ko habang kinakalikot ko ang bracelet ID ko

"Oo naman, nasa pinaka ilalim kasi ng dagat ang golden city kung baga  nasa underground  tayo, tapus yung dinaanan naman natin na black hole pwedi mong iconsider as lagusan kung saan dinala tayo dito sa Farther,  isa tong kumunidad para sa mga kagaya nating ayaw tumira sa vesti. Punta ka sa map, pindutin mo yan" aniya at tinuro ang isang button na may nakalagay na map

 Punta ka sa map, pindutin mo yan" aniya at tinuro ang isang button na may nakalagay na map

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"

Ayan ang kalahati ng mundong to. Iba pa ang chasm at lost city pati ang black realm, anyway wag kang mag alala lahat naman yan ididiscuss satin panigurado" aniya habang itinuturo sa hologram screen kung nasaan sila banda, napapatango tango ako, ano kayang meron dun? Nakakacurious naman.

Hindi nagtagal ay pumasok na din sa luob ang ibang studyanteng kagaya ko maging ang nag assist samin kanina

napaayos ako ng upo ng magsimulang umandar ang bus na sinasakyan namin

Maraming kabahayan akong nakikita maliliit lamang ito at pareparehas ng laki at desenyo, kulay puti ito lahat na tanging batong dyamante ang nagbibigay kulay, may isang bahay na purong pula ang lahat ng batong desenyo, meron din asul, berde at iba pa,

Nakakamanghang pagmasdan sapagkat kumikinang ito kapag nasisilawan ng araw, marami ding bata ang naglalaro sa palagid, masasaya at naghahabulan, ang saya saya nila pagmasdan

Marami ding puno akong nakikita, napaka aliwalas ng lugar na to, naaaninag ko din sa bandang kaliwa ang parkeng naruon marami ding batang naglalaro at mga magulang na masaya silang pinagmamasdan, nasa kanang bahagi ko naman ang maraming tindahan, hindi ko lang mawari kung ano ano iyon

Halos trenta minuto din kaming bumyahe bago ko nasilayan ang isa na namang malaking tarangkaha kagaya ang desenyo nito sa tarangkaha na una naming pinasukan ang pinagkaiba lang ang mga letrang nakaukit dito "The Farther Academy" mahinang bigkas ko

"Sa wakas! Andito na din tayo" ani ni mica na nag uunat, mukhang nakaidlip siya

Napahawak ako sa dibdib ko kung asan nakatago ang kwentas na bigay sakin ni mama, dito na magsisimula ang bagong yugto ng buhay ko, buhay kung saan wala sina mama at papa, napakurap kurap ako para pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo, huminga din ako ng malalim

"Ok ka lang ba?" Ani ni mica na pinagmamasdan ako ngayon, tumango naman ako at ngumiti para di siya mag alala

"Oo naman, kinakabahan lang ako" ani ko na ikinahagikhik niya

"Wag kang mag alala, i got you" mapagbiro niya sabi sabay kindat sakin, napatawa naman ako kahit papano, buti nalang andito si mica atleast hindi ako nag iisa

--

A/N > ako'y nagbabalik.. short UD pero im totally back.. dito na talaga mag uumpisa ang story.. :)

May nagbabasa pa ba nito? Sorry natagalan bago nasundan yung kwento, dami kasing nangyari. Pero sana magustohan niyo tong short UD ko :)

Lovelots ♡♡♡

☆Elle☆

The Farther: Underground Society of MagicWhere stories live. Discover now