Chapter 1 - Golden City

75 13 1
                                    

- Golden City -

“wag kang masiyadong maingay berting baka magising siya”

Namamanhid ang buong katawan ko ng maalimpungatan ako, may mga boses akong naririnig, gustuhin ko mang imulat ang mga mata ko pero di ko magawa

“hindi pweding ilihim natin sa kanya ang lahat, lalo na ngayon, wala na sina ma’am Carmina at sir George, kailangan niya ng pumunta sa Farther, hindi na siya ligtas dito”

l-lihim? Anong lihim ang tinutukoy nila? At a-ano daw? F-Farther? Ba-kit hindi na ako ligtas sa lugar na to?

“alam ko berting, kabilin bilinan nila ma’am Carmina na kapag wala na sila, tayong dalawa ang mag hahatid sa kanya dun”

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, nag aalalang mata ni aling Mina at mang Berting ang nabungaran ko

"Kamusta ang pakiramdam mo iha?" Ani ni aling mina na inalalayan akong umupo

Napahawak ako sa sintido ko, ang sakit ng ulo pati katawan ko

"A-ano pong nangyari?" Nagpalinga linga ako para hanapin sina mama at papa

Ng mapatingin ako sa kanila, pareho silang hindi makatingin sakin ng daritso

"W-wala na ang mama at papa mo iha, nakikiramay kami sayo" aniya na nakapagpatigil sakin

A-ano daw? Napapikit ako ng mariin ng maalala ang nangyari kagabi

Unti unti kong nararamdaman ang pag agos ng masagana kong luha

So totoo pala ang nangyari kagabi at hindi yun panaginip lamang

Nagmulat ako ng mga mata na patuloy pading lumuluha

"S-si-sino a-ang p-puma-tay s-sa ka-kanila?" Humahagolhol na aniko

Nag iwas sila ng tingin

"T-tanging si olivia lang ang makakapagpaliwanag sayo ng lahat" ani ni mang berting

"Pinag impake kana namin Sef, kami na ang maghahatid sayo sa Farther" ani ni aling mina

Teka! Ano daw? Di ko sila maintindihan, kanina pa yang Farther Farther na yan!

Pinahid ko ang mga luhang patuloy na umaagos sa pisngi ko

"T-teka ba-bakit ako aalis? Tska anong Farther?" Naguguluhang tanong ko sa kanila

Nagkatinginan sila bago sumagot sakin

"Malalaman mo din mamaya Sef, ang importante mag ayos kana muna ngayon at ihahatid kana namin duon" ani ni mang berting

Wala akong nagawa kundi sundin sila

I heave a sigh, paano na ako ngayon mama papa? Tanong ko sa isip isip ko habang pilit pinapatatag ang dibdib ko

--

Halos isa't kalahating oras na kami bumabyahe kanina pa ako nangangalay dito

"Mang Berting, malayo pa po ba tayo?" Aniko ng di ko na natiis

Sumulyap muna siya sa rearview mirror bago nagsalita "medjo malayo layo pa tayo iha, matulog ka muna, gigisingin ka nalang namin kapag nasa pier na tayo" aniya

"Pier? Magbabarko po tayo?" Aniko sa nagugulat na tinig

Natawa naman sina mang berting at aling mina

"Oo sef, kailangan natin makatawid papunta sa Golden City, dun ang daan papunta sa Farther" sagot ni aling mina

"Ano po? Golden City? Ngayon ko lang po yan narinig" ani ko

The Farther: Underground Society of MagicOn viuen les histories. Descobreix ara