Chapter 21 - ISC

924 17 0
                                    

Chapter 21 - ISC (International Swimming Competition)

Dianne's POV

sigawan at sari-sariling cheer ang naririnig ko. Ngayon na ang Competition ko, pero hindi ko pa rin magawang maging masaya....Malungkot pa rin ako dahil sa nangyayari sa amin Jonathan.

"Uwaaaa!!! Queen Swimmerrrr!"

"Wahhh! Handa ako'ng maging Bi para lang sayo, Diannnneeeee!"

"Tylerrrrr!!! ahhhh!"

"OMG si kuya zack!

"Akin ka nalang kuya Zack!

"Kuya Tylerrrrr!"

"Grabe ang ganda ni Ate Monique!"

"Ate Moniqueeeeeee!"

"Ate Monique my Idol!"

"Go ate Dianne!"

"My Lovesssss!"

"Go Dianne!"

Iyan kadalasan ang naririnig ko mula sa audience, Hindi pa naman kami nag reready
dahil maaga pa at wala pa masyadong tao.

"Ate Diannnneeee!" Napatingin ako sa narinig ko, isang batang babae ang tumatawag saakin, Hinanap ko siya at nakita ko naman siya sa pamamagitan ng pag kaway niya.

Mayroong bonet ang ulo niya, at nakaupo siya sa wheelchair. Napahawak naman ako sa upuan ko, naaawa ako sakanya, Hindi naman kasi ako tanga para hindi malaman ang kalagayan niya.

Nag pasya ako'ng lapitan siya. Nang makalapit ako sakanya ay may biglang pumasok sa isip ko. Kung problemado ako dahil sa amin ni Jonatha, ay paano pa ang batang ito na ke-bata bata pa ay may malalang sakit na?

Lumuhod ako para magkapantay kami. She cupped my face as if she's memorizing every inch of it.

"You're really beautiful, ate Dianne....I'm so glad po na nagkaroon ako ng tsansa na mahawakan ang mukha ninyo bago ako mawala sa mundong ito." she said, then suddenly I felt my tears bursting... Her words catches my heart.

I also cupped her face. "Same as you, young Lady...Now, I want you to be strong for me alright? Not just for me but also for the whol loves you..." payo ko sakanya saka siya niyakap. I will make this kid as my Inspiration and that's final.

Tumango naman siya. Nabanggit niya saakin na Idol niya din daw sila Zack, Tyler at Monique kaya naman hindi na ako nag sayang ng oras kaya naman tinawag ko sila.

"Hey there, Beautiful Baby!" - Ani Tyler.

"Woah! I think I already saw the strongest baby in the world!" saad naman ni Zack saka ito nakipag fistbomb sa bata.

"This girls is strong....I Love her!" saad naman ni Monique saka niyakap ng mahigpit ang bata.

"What's your name, Young Lady?" tanong ni Zack. Nginitian siya ng bata. Kitang kita sa mukha nito ang saya sa mukha niya lalo na sa mga mata nito.

"Ako po si Julia Marie Roxas...7 years old na po ako at suffering from lukemia." Ang masayang Julia ay napalitan ng Lungkot. Tinapik naman namin si Zack, mukhang mas malungkot pa ito.

"Really? Hmm... Gusto mo ba kapag tapos namin dito ay dalhin ka namin sa school namin? Maganda duon! Marami di'ng bata sa Elementary Building at may park duon!" yaya naman ni Zack. He acted....WE acted very happy and excited, but our sadness for this child is shouting by our eyes.

Nagkwentuhan pa kami habang nag hihintay na mag simula ng tawagin kami ni Coach para makapag Ready na.

Nandito na kami ni Monique sa Lady's Locker room, at sina Tyler naman ay sa kabila kung saan ang men's room.

Ibang swimming trunks ang suot ko ngayon dahil minabuti ko na maghanap ng sobrang gaan na swimming trunks, isa kasi iyon sa nabasa ko'ng Tips para mabilis ako'ng makalangoy.

sabay-sabay na kaming nakalabas, hindi ito simpleng laban, dahil apat kaming parehas ng skwelahanh pinapasukan. Usually kasi ay Isang estudyante lang per school, ito ay iba dahil Four students are needed per school.

Isa iyon sa Tic tac's nila. Pero isang iskwelahan lang ang pe-pwedeng manalo. Limang iskwelahan lang ang inimbitahan nila at napansin ko'ng kilala ang mga iskwelahang nandito.

Nang makaapak ako sa diving board ay huminga ako ng malalim. Hindi ko magawang 'wag kabahin dahil ito ang unang beses na sasabak ako sa ISC o International Swimming Competition.

Hindi lang pangalan namin ang nakasalalay dito kung hindi ang buong swimming team at ang school namin.

Nag Concentrate ako ng todo, hanggang sa marinig ko ang Putok ng baril hudyat na mag dadive na.

Ang bilis ng pagkadive ko kaya naman mabilis akong nag swimming hanggang sa napansin ko nalang na pabalik na ako, I did my very fast hanggang sa nakaahon ako at nakarinig akong muli ng putok ng baril.

Tumingin ako sa mga kalaban ko at tila nag slow motion ang buong paligid ko. Naiyak na ako at biglang bumalik ako sa reality ng niyakap ako nila Monique.

"Oh My gosh! Ang galing mo, Dianne!" Si Tyler iyon.

"Congratulations, Lei!" - Zack

"Uwaaaaa! Ang bestfriend ko! Waaahhhh! Ang galing moooooo!" - At syempre si Monique iyon.

Ang daminh nag sisigawan tila ba Sobrang saya.. Napatigil ako dahil nag announce ang MC na nagpadagungdong sa buong gymnasium. "And Our winner is....Dianne Lei Montefalco, from West Side University!"

Lumabas sa billboard kung saan makikita ang time laps ng mga swimmers at nakita ko ang pangalan ko sa pinakataas at nakita ko na ang time ko ay 10.9s lang!

My tears are bursting out of joy! Naipanalo ko! Naipanalo ko ang buong school!

Iyak ako ng iyak, while Tyler,Monique, Zack and the other Swimmers are congratulating me, gayun din si Coach na talagang lumublob pa sa tubig sa sobrang saya.

Nang maka-move on na ako ay pumunta na kami duon sa Harap saka umakyat ako duon sa gitna, Pang second si Monique habang Taga ibang school naman ang pangatlo.

Ang ibang Swimmers ay nasa gilid. Once again, they announced the winners at saka ako sinabitan ng malaking gold na medal at saka ng malaking trophy.

Habang nangingiti ako ay isang presensya ang nakakuha ng Atensyon ko...ang Presensya nila Jonathan at....Rianna.

In one snap, My happines became fake as I remember what we talked about yesterday. Buhay nga naman oh!

I'm Secretely Married with Mr.Popular (On Going)Where stories live. Discover now