Chapter 7 - Hurtful words

897 25 0
                                    

Chaper 7 - Hurtful words

Dianne's POV

Nang matapos kaming mag training, syempre...Hulaan ninyo ang natalo?

Edi si Monique! Hahaha! Eh paano ba naman kasi, Ang bagay lumangoy. At eto siya ngayon, Nakabusangot.

Nandito kami ngayon sa Korean Dessert, kung saan kami madalas bumili ng Bingsu.

nagkakahalagang 390 pesos ang isa, na kasya na sa halos ka-apat na tao, pero dahil pilyo at pilya kami ni Zack, Tag isa ang kinuha namin. Mango cheese ang kinuha ko, samantalang Choco fudge naman kay Zack.

Si Monique naman na nakabusangot ay Milky Strawberry ang kinuha. Madami namang pera ang isang iyan, pero kuripot yan..

Naupo na kami, at maya maya lang, Sinerve na ang Bingsu na inorder namin. Tag iisa talaga kami, dahil matakaw kami pag dating sa bingsu.

"Thank you, Monmon ah?" saad ko habang ngumunguya, pinalo naman ni Zack ang bibig ko dahil ayaw niya ng nagsasalita habang may pagkain sa Bibig.

"Thank you, Red. Dapat pala lagi ako'ng sumali kapag may pusta ka.Hahahahha!" panginginis ni zack kay Monique. Napatawa naman ako sa asim ng itsura ni Monique.

Pagkatapos naming kumain ay nag siuwian na. Si Monique at dumeretso na sa bahay niya, dahil may kotse naman siya. Pero since Walking
distance lang naman ang school sa bahay.

Habang nag lalakad ako, ay tila naalala ko ang mga sinabi saakin ni Jonathan kanina. Hala?

Bigla naman ako'ng kinabahan pauwi dahil sigurado ako'ng pagagalitan niya ako. At isama mo pa iyong, kasama niya si Rianna kanina na kanyang Girlfriend.

Mas binagalan ko pa ang paglalakad ko ng madatnan ko ang kotse ni Jonathan. shoot!

Pero alam ko namang hindi ko siya matatakasan kaya naman ano ang magagawa ko?

Nang makapasok ako sa bahay, Naka-on ang mga ibang ilaw at ang TV ay naririnig ko.

shucks talaga!

Nakita ko si Jonathan na nakasandal sa Pader at matamang nakatingin saakin.

"Akala ko hindi ka na uuwi....Queen Swimmer!" sabi niya at diniinan iyong salitang 'Queen Swimmer'. Pati ba iyan ay talagang papatulan niya?

"S-sorry, nag t-training k-kase ako k-kanina dahil may Competition next week." Nakatungo ko'ng sabi dahil masama ang tingin nito saakin.

"Ah ganun ba?" tanonong niya. Tumango naman ako.

Linapitan niya ako. "Ganun ka ba talaga ka-desperada para puntahan ako? O talagang Tanga at bobo ka lang at hindi mo maintindihan ang simpleng rules na sinulat ko?" nanggigigil nanaman ang boses nito kaya napatungo nalang ako. Ramdam ko nanaman ang pag iinit ng pisngi ko dahil sa Hiya.

"S-sorry....g-gusto lang k-kita dalhan ng pagkain." pagrarason ko dahil iyon naman talaga ang rason ko.

"Pwede ba?! Diba sinabi ko'ng wag na wag kang lalapit saakin?! Bobo ka ba para hindi mo maintihan yon ha?! Gamitin mo nanan iyang utak mo!" saad saka dinuro ang Ulo. Sht! Wala siyang karapatan ganyanin ako!

Hindi ko siya pinatulan dahil, anumang oras ay babagsak na ang mga luha ko. Makasarili siya mag isip!

"S-sorry...." bulong ko. Hindi pa din siya umaalis sa harap ko. Iba ang pintig ng puso ko sa tuwing malapit siya.

"Alam mo? Isa kang desperada! Queen Swimmer huh? kaya pala pamilyar ang mukha mo. Well, sasabihin ko'ng hindi yun bagay sayo dahil isa ka'ng weak na babae!" Sigaw niya saakin. Nag pintig ang taenga ko sa narinig, Bakit kailangan pa niyang idamay ang pagiging swimmer ko?!

Tinignan ko siya. My Eyes are full of emotions pero sinigurado ko'ng hindi niya iyon mababasa.

Sinampal ko siya. Wala siyang karapatan idamay pa ang pagiging Swimmer ko!

Hinawakan niya naman ang Bagang niya. Nanginginig na ako dahil sa galit. I don't care because right now, I'm flaming mad!

"Tandaan mo, Hindi kita sinasabihan ng ganyan sa pagiging Captain mo, Kahit napak-abuso mo sa pagiging Team captain! At hindi ko Itatago na gustong-gusto kita, kahit na isa ka'ng makasarili. At wag mo ako'ng sasabihan na Mahina, dahil Hindi mo pa ako kilala!" sigaw ko sakanya saka umakyat sa Kwarto ko at nag mukmok at umiyak ng umiyak.

Maawa naman siya dahil ako mismo ay naaawa na sa sarili ko!

Lumabas ako ng Kwarto, nakita ko siya duon, at animo'y wala lang iyong nangyari saamin.

Nag impake ako ng Swimming trunks ko. Ito lang ang Daan ko para hindi ako lubusang malungkot
pero sa tingin ko ay habang kasal kami ni Jonathan ay mananatili ako'ng malungkot.

I'm Secretely Married with Mr.Popular (On Going)Where stories live. Discover now