Chapter 18 - Fainted

888 23 0
                                    

Chapter 18 - Fainted

Jonathan's POV

Kinabukasan pagkatapos ako'ng alagaan ni Annoyinh Girl ay nawala na din ang sakit ko. Batid ko'ng Trankaso lang iyon dahil sa pagod.

Nang bumangon ako ay nag ready na din ako para sa pagpasok.

Pagkababa ko ay napangiti ako ng makitang nagreready na ulit duon si Annoying girl...

Teka?! Napangiti?!

napailing nalang ako saka bumaba ng tuluyan. Nagulat pa ata siya sa pagbaba ko. "H-huy? papasok ka? eh kagagaling mo lang sa sakit eh." saad niya. I just shrugged.

"I can't stay here alone." sabi ko sakanya. Agad naman siyang umiling na tila ba ayaw akong papasukin.

"No. You should rest here." Sabi naman niya. Napailing din naman ako dahil hindi ko kayang manatili dito sa bahay.

"Nope. I'd rather go to school than stay here alone." sabi ko naman using may finality voice.

huminga siya ng malalim, dahil wala naman siyang magagawa. Nakita ko ang pangingitim ng mga mata niya.

napakunot naman ang nuo ko. "What happened to you?" tanong ko sakanya. Nangunit naman ang nuo niya.

"Bakit?" tanong niya naman habang nagtatakang tumitingin saakin.

"Your lower eyes are dark." sabi ko saka sumubo ng niluto niya.

"aahh...Nasobrahan lang ata ako sa training ko." Sabi niya naman. Nangunot naman ang nuo ko.

"Bakit?" tanong ko sakanya dahil hindi ko naman alam ang ganap at ganyan siya mukang kapagod.


"Ah. Kase, nag mamadali kami para sa International competition para sa Thursday. Tatlong araw lang kasi ang binigay saamin para daw makita nila kung totoong magagaling kami." pagkekwento niya naman. Tumango-tango naman ako. Masyado nga'ng maikli ang tatlong araw para makapag-handa ng mabuti ang asawa ko.


♡♡♡

Dianne POV

Pag dating ko sa iskwela ay training agad kami. Masaya ako dahil parang nag bago ang hangin sa pagitan namin ni Jonathan.


Napahawak ako sa nuo ko ng maramdaman ko ang sakit dito. "Aray naman, Tyler!" sigaw ko sakanya dahil pinitik niya ako!


tumawa naman siya. "Eh kung maka-ngiti ka kasi diyan eh! Hahahaha! Mukha kang tanga" side comment niya naman. Aba't?!


Napailing nalang ako dahil sa kakulitan ni Tyler. Aish! Ang epal sa moment!

Maya-maya pa ay nag simula na kami'ng mag training. Na-achieve ko na ang 10 seconds kaya naman tinuloy-tuloy ko na ito.


Mabilis na din kung lumangoy sila Tyler. Napahawak ako bigla sa ulo ko ng bigla ito'ng sumakit.

"Argh! A-arayyy!" sigaw ko habang nakahawak sa ulo ko. Dali-dali naman sila'ng nag lapitan saakin.


"L-love?! Ayos ka lang ba?!" nag aalalang saad ni Tyler.

Maya-maya pa'y nawala ito bigla. Nanghihina ako'ng umupo sa bench. Pumalibot naman sila saakin kasama si Tyler.


"Gusto mo dalhin ka namin sa hospital?" - Zack

"Mahal ko'ng bestfriendddd! uwaaa! Ano ba 'yan?! masakit ba? huhuhu! gusto mo ba, patawag ko ang pinakamagaling na family doctor namin?! sabihin--" hindi naituloy ni Monique ang sasabihin niya ng batukan siya ni Zack.

"Ang ingay mo naman eh! pati ako sumasakit ulo eh!" suway sakanya ni Zack.

Tumikhim si Tyler. "Hey, Love? dadalhin ka namin sa ospital?" tanong saakin ni Tyler. Umiling naman ako dahil hassle lang ito.

"S-sige na, mag training na kayo." saad ko sakanila. Napahinga naman ng Malalim si Coach.


"Okay, Mr.Dela Cruz, pakihatid si Ms.QS sa clinic." sabi naman ni Coach, aangal pa sana ako ngunit pinanlakihan ako ni Coach ng mata.


"Ako nalang mag isa coach." sabi ko naman para maituloy na nila ang training. umangal sila, pero dahil mapilit ako ay hinayaan na nila ako.


Naglalakad na ako papunta sa clinic ng mahilo nanaman ako. Tila ba nag spin bigla ang paligid. Napahawak naman ako sa railings dahil hindi ko na alam kung saan ako kakapit.

Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi din ako makababa dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Sakto pa dahil classhour at walang katao-tao dito sa hallway.

Nang hindi ko makayanan ay kumapit ako sa ulo ko. Naramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko mula sa pagbagsak ko.

Unti unti ay lumabo ang paligid, nakita ko pa ang dugong alam ko'ng saakin galing....

Someone...help me please....

saka nagdilim ang buong
paligid.

♡♡♡

Jonathan's POV


sa paligid ko talaga sa iskwelahang ito ay hindi ko mapigilan na makarinig ng tsismis.

"Uy? alam mo ba na nahimatay daw si Queen Swimmer?"

"Nahimatay si Queen swimmer?"

"Oo, Sinugod daw siya sa hospital. tsaka balita ko daw ay nawalan siya ng madaming dugo " Kwento nuong isang babae.

nangunot ang nuo ko. T-teka?! Queen Swimmer?!

Nang hindi ako makapag pigil ay nilapitan ko ang mga babaeng nag kukumpulan. Nag- pacute naman agad sila ng makalapit ako ngunit hindi ko iyon inalintala.


"A-anong sabi mo?!" sabi ko sa babaeng nag ke-kwentuhan. Ang pag papacute niya ay napalitan ng Pag aalala.

"Iyon po ba'ng tungkol kay Ms.Montefalco?" tanong niya. Agad naman ako'ng tumango. Huminga siya ng malalim saka naging malayo ang tingin.


"Nakita po siya ng isang SSG officer. Puro daw po dugo ang paligid niya na alam niyang sa ulo nito nag mula. Kasali din po sa balita ko na...Kritikal ang lagay niya ngayon" kwento niya saakin. Kailangan ko siya'ng puntahan. Sobra ang kabang nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit!

"Saang hospital siya?!" tanong ko sakanya. I can't wait anymore! kailangan ko'ng malaman ang lagay niya.

"S-sa...St.Joseph's Medical Center daw po." Saad ng babae. Agad agad akong nag tatatakbo papunta sa kotse ko. Tinext ko rin ang team mates ko na hindi muna kami mag papractice.

Nang makarating ako sa SJMC ay agad akong pumunta sa nurse's station. "Miss, Meron ba kayong pasyenteng Dianne? Dianne Lei Valdez?!

Agad chineck ng babae ang computer niya. "Nasa operating room pa po ang pasyente,sir. Dito po ang OR." saad nung nurse saka tinuro ang daan. Agad naman akong pumunta duon, pero bago pa man ako makapasok ay tumawag saakin si Rianna.


"J-Jonathan! Si Rianna, Naaksidente! nandito kami sa ospital ninyo!" Saad ni Blake. Tila nanigas ang buong katawan ko.

Ito na ang ikinakatakot ko dahil, hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko!

I'm Secretely Married with Mr.Popular (On Going)Where stories live. Discover now