Chapter 20 - Annulment Paper

929 21 0
                                    

Chapter 20 - Annulment Paper

Dianne's POV

Pagkarating ko ng bahay ay nagulat ako ng gulo gulo ang mga gamit. Nanlumo ako dahil baka nanakawan kami.

Nag ikot ako sa bahay, at nang mapunta ako sa kusina ay nagulat ako ng makitang umiinom si Jonathan.

Nilapitan ko siya, iinumin na niya sana ang Alak na hawak niya pero kinuha ko agad iyon mula sa kamay niya.

Napaiwas ako ng tingin dahil parang papatayin niya ako sa tingin niya. "T-tama na, J-jonathan...makakasama sa iyo ang pag inom.." sabi ko habang inaagaw ang bote ng alak, dahil ang higpit ng hawak niya dito.

"Alam mo? kasalanan mo 'to lahat eh!" nagulat ako ng sumigaw siya. Ano ba ang sinasabi niya?

"Kung hindi lang kasi tayo nagpakasal, edi sana wala ako'ng pabigat ngayon sa buhay!" sigaw niya saakin, hindi ko mapigilan ang mga luha ko'ng tuloy tuloy ang tulo.

"A-ano ba ang sinasabi mo?" mahina ko'ng usal dahil iyak ako ng iyak. He's Hurting my feelings again...

"Ang Tanga mo talaga 'no?! Dahil sa'yo, naaksidente ang Girlfriend ko! Dahil sa'yo dahil nalaman niya'ng asawa kita!" sigaw niya saakin. I was crying so hard, pero tila maganda musika iyon sa pandinig niya.

Nagulat ako ng may Inilapag siya'ng brown envelope sa harap ko. Bago ko pa man kunin iyon ay nag salita na siya. "Pirmahan mo 'yan!" sabi niya saka umakyat na sa kwarto niya.

Hindi ko alam pero puno ng kaba ang sistema ko habang kinukuha ang brown envelope. Nanginginig ang kamay ko ng kunin ko iyon.

Kinuha ko ang papel muna sa loob, at pirma niya agad ang nakita ko. Binasa ko ang nilalaman ng papel, habang binabasa ko ito ay napahawak ako sa bibig ko, at tuluyang umiyak.

It's an Annulment Paper. Dahil lang Kapirasong papel ay parang Sinaksak na ako ng ilang beses. Binabasa ko lamang ang nilalaman nito ngunit tila ba binubugbog ako sa sakit ng nararamdaman ko.

Nang hindi ko na makayanan ay ipinasok ko ang papel sa loob ng envelope. I tried my very hard para makaakyat sa kwarto ko.

Nang makaakyat ako sa kwarto ko ay isinalampak ko agad ang brown envelope sa Desk ko saka iyon sinara.

Huminga ako ng malalim saka napansandal sa Pader...Bakit ba ang unfair saakin ng buhay?! Bakit ba ang damot ng buhay?!

Patuloy lang ako'ng umiiyak. Ganito nalang ata ang kahihinatnan ko sa bahay na ito.

♡♡♡

Jonathan's POV

When I saw her tears earlier ay parang hindi ko nakayanan kaya naman nagpasya ako na umakyat na lamang.

I already chose her, I already chose Rianna. She's the woman I love at hindi naman si Annoying Girl.

Pag akyat ko ay nagtungo agad ako sa kwarto ko, I sat on the side of my bed, kung saan ko makikita ang picture namin ni Annoying Girl.

Hindi ko alam na may tuloy-tuloy na luha ang umaagos mula sa mata ko, minsan lamang ako umiyak, at ang pagkakatanda ko ay ang huling iyak ko ay nuong 6 years old pa lamang ako, nuong iniwan ako ng isang babae'ng nangangalang 'baby'.

sumadal ako sa pader kung saan ang side ni Annoying Girl. I heard her painful sobs...

Her sobs are the knives who stab my heart so deep. Hindi ko alam, pero pag dating sa kanila ni Rianna ay Sobrang dali ko'ng maguilty.

Simula nuong dumating si Annoying Girl sa peste ko'ng buhay,ay nag iba na din kami ni Rianna. Sweet pa rin kami sa isa't isa ngunit minsan na lang kami nag kikita. Pero nasisiguro ko sa sarili ko na Rianna ang Pinipili ko.

Huminga ako ng malalim, Well, this is my future, she needs to sign that Annulment paper kahit masakit sakanya.


Pati saakin...

I'm Secretely Married with Mr.Popular (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon