Chapter 17 - I'm sorry

860 22 0
                                    

Chapter 17 - I'm Sorry

Jonathan's POV

Lumipas na ang buong araw ngunut hindi ako kinikibo o kinukulit ma'n lang ni Annoying Girl. Nakakainis! Kasalanan ko naman dahil kahit ako ay maghintay kahit thirty minutes ay magagalit na ako. Paano pa kaya kung pitong oras?

Ang tanga ko naman kasi amputa!

Hindi ako ngayon nagtagal sa school dahil masakit ang ulo ko, at ang pakiramdam ko.

Nang mag alas-kwatro na ay dumating na si Annoying Girl kaya naman napaupo ako ng maayos.

Napahinga na lamang ako ng malalim ng hindi niya ako tinapunan kahit na katiting na tingin, o kinausap ma'n lang.

I just shrugged saka nahiga na ulit dahil pakiramdam ko ay nilalagnat ako. Ang sakit sobra ng ulo ko at ng pakiramdam ko.

Nag kumot ako saka nakatulog sa sofa. Hindi ko na kaya pa'ng umakyat sa kwarto ko dahil pakiramdam ko ay iikot ang paligid.

Bumigat ang talukap ng mga mata ko kaya naman hinayaan ko na iyon.

♡♡♡

Dianne's POV

Pagod ako galing sa training. Lahat ng oras ko ay inilalaan ko nalang sa training ko. Kanina nga ay pinag-sabihan ako nila Coach na kumain muna pero wala talaga ako'ng gana.

Kaninang umaga ay sobrang aga ko nagising kaya namna pinaghandaan ko si Jonathan ng pang-breakfast niya saka umalis ng maaga.

Aaminin ko na nagtatampo ako sakanya. Hindi ko siya narinig na humingi ng Tawad.

Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko si Jonathan na nakaupo ng maayos sa sofa at nakatingin. Hindi ko naman siya tinapunan ng tingin o binati ma'n lang. Dumeretso ako sa kwarto ko saka nag bihis na.

Pagkatapos ko'ng mag bihis ay bumaba na ako para maghanda ng Hapunan namin ni Jonathan. Nangunot ang nuo ko ng makita ko si Jonathan na parang uod na nilalamig. psh. Bahala siya diyan!

I jusr shrugged saka tumungo na sa kusina at nagluto ng Tinola. Marunong naman ako mag luto ng mga ganito dahil palagi ko'ng pinapanood si Manang Fe nuon na mag luto.

Nang matapos ako'ng mag luto ay huminha muna ako ng malalim bago lapitan si Jonathan at tawagin para sa hapunan.

Bago ko pa'man siya mahawakan ay halata na agad ang panginginig niya. Nagtaka naman ako at agad agad na lumapit sakanya saka kinapa ang kanyang nuo.

Nanlumo ako ng maramdaman na sobrang init niya! Argh!

hindi ko muna siya ginising. Kahit alam ko'ng bawal ay pumasok ako sa kwarto niya. Namangha pa ako dahil sa sobrang linis dito.

Napakalinis sa gamit ni Jonathan, parang hindi nagagamit ang kwarto. Bago pa'man ako mamangha ng sobra ay Dumeretso na ako sa closet niya para kuhanan siya ng damit dahil baka manigas na duon si Jonathan.

Ultimo ang nga damit niya ay may color coding! Wow!

I took one of his white shirts at saka face towel. Pagkababa ko ay kumuha ako ng basin, nag painit din ako ng tubig saka ito sinaluhan ng Malamig na tubig para maging maligamgam na tubig.

Sinalinan ko ng kaunting alcohol ang Maligamgam na tubig, saka ako pumunta sa pwesto ni Jonathan. May tampo ma'n ako sakanya ay asawa ko pa rin siya at resposibilidad ko.

Bago ko siya punasan ay hininaan ko muna ang Aircon para hindi siya lamigin. lumapit na ako sakanya saka sinimulang punasan ang mukha niya. Ang gwapo niya...

Tila isa siyang anghel kapag tulog. Mahaba ang mga pilik-mata niya, mapupula ang labi at makakapal ang kilay.

He's face is so perfect...He's perfect. Sana ay darating ang araw kaya niya ako'ng tanggapin bilang asawa niya.

Nang matapos ako sa mukha niya ay dumeretso na ako sa kanyang leeg hanggang sa braso at kamay niya.

Ginising ko muna siya. "J-Jonathan....y-you need to t-take your shirt off...Kailangan ko'ng punasan ang katawan mo..." nag explain ako syempre. Hinintay ko ang pag susungit niya pero tila sinaniban siya ng anghel dahil sinunod niya naman ang sinabi ko.

O_O

Argh! mali ata na pinag-hubad ko siya! Hindi ako makapag-concentrate dahil naiilang ako sa katawan niya!

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil nawala ako sa concentration! "Nilalamig na ako, annoying girl." bossy na saad ni Jonathan.

Wala na ako'ng choice kundi simulan na sa leeg niya hanggang sa abdomen niya. Iwas na iwas ang tingin ko, lalo na sa parteng abs niya.

Napatingin ako sakanya ng mag salita siya. "Is it that hot? Malamig, Annoying girl ha." saad niya, para matapos na ay wala na akong nagawa kundi punasan ang tyan niya.

Nang matapos ay nilagyan ko siya ng baby powder para presko. Nag reklamo pa siya dahil hindi na daw siya bata.

Matapos ko'ng bihisan siya at mag ligpit ay sinandukan ko siya ng niluto ko'ng tinola.

Sabi niya ay siya na daw kakain mag isa, pero ng mag alok ako'ng subuan siya ay um-oo naman siya.

Halata sa mukha niya na sarap na sarap siya. Masaya din ako. Lahat ata ng hinanakit ko sakanya ay bigla na lamang nag laho na parang bula.

Ito ang epekto niya saakin. Kaya ko siya'ng patawarin kahit na hindi siya humihingi ng tawad. At nakakatakot na balang araw ay mag karoon siya saakin ng malaking kasalanan at agad ko siyang mapatawad. Dahil alam ko'ng Hindi Pwede iyon.

Kumain na din ako pagkatapos niya. Hinugasan ko na ang mga platong nagamit namin. Pinatay ko na rin ang TV saka kami umakyat. Inakay ko siya dahil medyo nanghihina daw siya.

Nang makalapit kami sa kwarto niya ay huminto agad ako sa harap ng pinto niya saka tiningnan siya.

Huminga siya ng malalim saka tumango hudyat na pwede ako'ng pumasok. Hinatid ko siya sa kama niya saka siya kinumutan at nilagyan ng face towel na malamig sa nuo niya para mahigop nito ang init niya.

Habang ginagawa ko iyon ay napansin ko ang picture frame sa desk niya. Parang biglang pumalpak ang mga pilik-mata ko ng makita ko ang litrato namin duon nuong kasal namin.

My lips secretely formed a smile. Akala ko nga ay itinapon na niya ang mga wedding pictures namin nuon.

Paalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko, kaya naman napatingin ako sakanya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Thank you and...I-I'm sorry..." sabi niya, tumango naman ako saka lumabas na.

Nang maisara ko ang pinto ay saka ako nag tatatalon sa sobrang saya. Nag sorry siya!

Uwaaaaaa!

And there....I saw a chance that our relationship can work.

I'm Secretely Married with Mr.Popular (On Going)Where stories live. Discover now