Chapter 5 - Monique Red Lee

906 24 1
                                    

Chapter 5 - Monique Red Lee

Dianne's POV

Sakto pala ang pagdating namin ni Monique dahil break nila. Walang alanganin naman ako'ng lumapit sakanya.

Halos lumuwa ang mata nito na nakita niya ako. Nginitian ko naman siya. Tumingin-tingin ito sa paligid.

"Ano'ng ginagawa mo dito?!" Nanggigigil na tanong niya. Bigla naman ako'ng nagulat duon. Hindi man lang ba siya masaya na makita ako?

"D-dinalahan lang kita n-ng lunch..." mahina ko'ng sambit.

Wala na ang Falcons, marahil nasa canteen na. "Di mo ba naintindihan ang nasa rules?! Bobo ka ba?!" gigil na gigil niyang tanong. Napatungo naman ako. Why is he like that?

"H-hindi ka kasi n-nag b-baon ng p-pagkain..." parang bulong nalang iyon. Naramdaman ko ang init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.

Nakita ko sa peripheral Vision ko na may pumulupot sa bewan niya. "Babe? Ano'ng nangyayari dito?" Boses iyon ng babae, kaya naman napatingin ako dito.

She's so beauiful, sobrang tangos ng ilong nito, Sobrang puti din nito at magaganda ang labi. Ultimo ang boses niya ay boses anghel. Siya ba ang Girlfriend ni Jonathan?

"A-ah, Wala, Babe....She's just an admirer of mine. Binibigyan niya l-lang ako ng food." palusot ni Jonathan. Asawa niya ako. Iyon ang gusto ko'ng sabihin sa babaeng kaharap ko, pero tila ba umuurong ang dila ko.

"Really? Bakit ang rude mo? tanggapin mo! C'mon babe." Mabait siya....kaya pala siya ang mahal ni Jonathan, dahil halos laha ay narito na.

Hindi ito tinanggap ni Jonathan, kaya naman ang girlfriend niya ang tumanggap.

"Thank you ha? pasensya ka na dito sa boyfriend ko. Masyado kasi siya'ng masungit pag dating sa fans niya." paliwanag nito. Ngumiti naman ako. Pero sa likod nun ay puro lungkot.

"I'm Rianna Celine Moral, pala." pagpapakilala niya saakin saka tinitigan ang mukha ko na para ba'g sinusuri ako.

"Wait a minute...You're Dianne Lei Montefalco right? The Queen Swimmer?" Tanong niya habang nanlalaki ang mga mata. Nginitian ko naman siya saka tumango.

"OMG! alam mo ba? super fan mo ako when it comes to your swimming skills! Ikaw lagi ang nagdadala ng swimming team!" Sabi niya sabay yakap saakin. Napatingin naman ako kay Jonathan at halata sa mukha nito ang pagtaka. Marahil hindi niya alam na Swimmer ako.

Oo. Ako nga ang tinatawag nilang Queen Swimmer dahil sa sobrang galing ko mag swimming. Tuwing may laban ay laging ako ang manok ng school dahil kapag ako, ay lagi ko'ng naipapanalo ang school.

"S-sige...Mauuna na kami ha?" sabi ko ng bumitaw ito sa pagkayakap. Nginitian naman ako ni Rianna.

"Wait...Kami? So ibig sabihin may kasama ka?" she asked out of nowhere.

tinanguan ko naman siya. "Yep. I'm with my bestfriend. Sige ah? kailangan pa kasi namin mag training para sa Laban Next week." sabi ko dahil hindi ko kaya....

Nasa harap ko ngayon ang crush ko'ng asawa at ang Girlfriend nito. sinong matutuwa duon?

Bumalik na ako kay Monique dahil nasa bukana lamang ito ng Pinto ng Gym.

"Kamusta bestfriend? sino iyong babae? bakit yumakap kay hubby-luvs mo?" sunod-sunod niyang tanong.

I smiled sadly. "Her Girlfriend...." sabi ko saka nauna na dahil alam ko'ng kunting-kunti nalang ay lalabas na ang nagbabadyang luha ko.

♡♡♡

Monique's POV

"Her Girlfriend...." malungkot na saad ni Dianne bestfriend saka nag walk out.

Teka-teka....Girlfriend?! aba eh gago pala iyang Jonathan na iyan eh! May asawa tas may girlfriend?! Ni-hindi ko nga pinapadapuan sa lamok iyang bestfriend ko eh! sa Kamay ko lang! Tapos gaganyanin niya ang bestfriend ko?! Aba Gago siya!

Hmmp! By the way, Ako nga pala si Monique Red Lee, One and Only Lovable besfriend of One and only Queen swimmer, Dianne Lei Montefalco ^_^

Alam ko'ng hindi ako ipinakilala ni Dianne ng Maayos, pero Makulit ako, at hindi mawawala saakin ang salitang Maganda at cute. Oo, Babae'ng with High Confidence ang peg ng Lola niyo. ^_^

Ako lang ang bestfriend ni Dianne Eversince, kaya naman Sobrang mahal ko ang bestfriend ko na iyan.

Nang malaman ko na ikakasal na ang bestfriend ko, Nalungkot ako bigla, dahil, baka mawalan na siya ng time saakin. Pero mali ako dahil mas kailangan niya ako ngayon dahil punyeta ang jonathan na yan. Hmmp.

Eh gago naman kasi itong Jonathan na ito! ang sarap i-karate, kahit hindi ako marunong!

Hays! Mas maganda naman ang bestfriend ko kesa duon sa babaeng iyon noh! Queen Swimmer ata si Bestfriend ko!

Hayup na Jonathan iyan! sa madaling salita,Deputa! mas naiinis pa ako sakanya, kesa sa inis ni Dianne.

Si Dianne my besfriend ang tipo ng tao na kapag naiinis ay umiiyak. Oo, Iyakin yan si Bestfriend, pero matapang iyan dahil kahit nasasaktan na siya, tuloy pa rin siya sa pag ngiti.

Ganun siya katanga ^_~

Everytime na umiiyak siya at malungkot, ang swimming pool ang lagi niyang sandalan. Hindi saakin dahil ayaw niyang may nakakakita sakanyang umiiyak.

Ganoon siya katatag sarilihin ang problema niya.

Knowning my Bestfriend, Nasasaktan na yan, dahil gustong-gusto niya si Jonathan. Hayst....Ang gago naman kasi ni Jonathan.

She's the type of girl na Mahilig ngumiti at Makulit. In short....Isip bata ang lola niyo ^_^

ay teka? Kala ko akin to'ng chance na to? bakit napunta kay Dianne? Banamanyan!

Di ko namalayan na may nakabangga ako. Nahulog tuloy ang dala ko'ng bag at sakto pang hindi nakasara iyon kaya naman nahulog ang mga gamit ko. Ano ba yan, ang tanga nung bag.

Tinulungan niya ako'ng pulutin ang mga gamit ko, at pag katapos nakita ko ang pagmumukha ng unggoy-- este ang pagmumukha ng isa sa mga basketball team. Di ko nga lang kilala dahil malay ko ba sa basketball team na iyan?

Tinitigan niya ako ng maigi kaya naman napataas ang kilay ko.

"Di ka man lang ba mag sosorry?" tanong nito saakin. Ay aba? ako pa ang mag sosorry?

Nginisian ko siya. "Tigas mo naman! Bakit hindi ikaw ang mag sorry? Unggoy ka pala eh." saad ko na medyo ibinulong iyong dulo.

kinunutan niya ako ng nuo. "Di mo ako kilala, miss?" tanong nito na para ba'ng di makapaniwala. Paki ko naman dito?

"Hindi bakit, Kilala moko? Sa dami ng tao sa university na ito, tingin ko, hindi na ako mag
tatry hard na kilalanin ka." masungit ko'ng sabi.

Tinignan niya naman ako ng hindi makapaniwala sa sinabi ko. May mali ba? "Well, Lahat ng babae sa University na ito, kilala ako. Ultimo sa ibang school, tapos ikaw hindi mo ako kilala?" di makapaniwalang saad nito.

Pake ko ba? "Wag mo'ng lahatin, pwede? psh. Sinasayang mo ang oras ko. Kung ayaw mo mag-sorry, bahala ka sa buhay mo, dahil hindi kawalan yan." sabi ko saka Naglakad patungo sa Swimming pool department. Baka hinahanap na ako ni Dianne.

I'm Secretely Married with Mr.Popular (On Going)Where stories live. Discover now