Chapter 13 - The Boy Bestfriend

884 21 0
                                    

Chapter 13 - The Boy Bestfriend

Dianne's POV

It's been 3 days at nakalabas na ako ng Hospital. Hindi ako Tanga para hindi malaman na pagmamay-ari nila Jonathan ang hospital na iyon.

Nalaman ko rin na pinagamit saakin ni Monique ang Apilyedo niya dahil alam niya'ng Hospital iyon nila Jonathan, at alam niya din na kapag nalaman nila Daddy na na-hospital ako ay agad silang mag aalala.

Kasalukuyan ako ngayong nag lalakad papuntang classroom ko ng may mag takip ng mata ko. Hinulaan ko kung si Monique ba o si Zack pero ramdam ko ang pag iling niya.

"Sandali lang ako nawala, di mo na ako kilala." nagtatampo niyang saad kaya naman narealize ko na kung sino siya.

"T-Tyler?!" gulat ko'ng sabi saka sapilitang tinaggal ang kamay niya sa mata ko. At ng masigurado ko'ng si Tyler 'yon ay agad akong napayakap sakanya.

"Tylerrrr!" sigaw ko habang yakap ko siya. Naramdaman ko naman ang kamay niya na ipinulupot sa bewang ko.

"Woah! Woah! Take it easy, Love!" sabi niya dahil sobra ang pagyakap ko sakanya. Ganyan talaga ang tawag niya saakin kaya wag na kayong mag taka.

Tyler Drew Dela Cruz is my Bestfriend Eversince, Three months lang ang age gap namin. Madaming nag sasabi na bagay kami ni Tyler, well, sinasakyan naman ng mokong.

Galing siya ng US dahil may Family Business sila doon. Nakisama lang siya dahil kailangan siya ng Daddy niya dahil siya lang naman ang mag mamana ng business nila.

Isa ang pamilya namin ni Tyler sa pinaka-mayaman sa buong mundo, ganoon din sina Monique, Zack, at syempre si Jonathan. Ni hindi ko rin alam kung bakit ako ipinakasal kay Jonathan gayo'ng mayaman naman ang pamilya namin.

Si Tyler ay Half Filipino at Half Australian. Mommy niya ang Australian, kung kaya't Daddy naman niya ang Pilipino.

Mababait sina Tita Cassandra at Tito Samuel. Kilala din nila ako, syempre dahil hindi pa man kami ipinapanganak ni Tyler ay magkakabarkada na ang mga magulang namin.

"A-anong ginagawa mo dito?" I can't stop smiling. I missed him so much! He's been my bestfriend since birth!

"Para ka'ng aso, Love! hahahaha! Syempre dito ako nag aaral? Kinailangan lang naman ako ni Daddy para turuan eh." paliwanag niya. Niyakap ko uliy siya. Ilang months din siya'ng nawala!

"Na-miss talaga kita, Tyler! you were months gone!" sabi ko. Agad naman siyang tumawa saka niyakap din ako.

Ganito kami sa isa't isa. We're bestfriends, but we're clingy on each other.

Gusto niya si Monique, pero hindi ko alam kung gusto ba siya ni Monique. Knowing Monique, hindi talaga mawari kung lalaki ba iyon o Babae talaga.

"How are you, Love?" he asked. Sinisipsip ko ngayon ang binili niyang Chuckie para saakin dahil favorite ko ito.

"Ok lang." sagot ko. Ayoko nang malaman pa niya na galing ako sa Hospital, dahil pag nagkataon ay gulo nanaman iyon.

"Tell me the truth Dianne Lei Montefalco..." saad niya. shucks!

"I'm telling the truth, Tyler Drew Dela Cruz." sabi ko naman, ok lang naman ako.

Naglakad na kami patungo ng classroom dahil parehas lang naman kami ng section at grade.

Pinagtitignan kami ng mga tao dito at pinagbubulungan.

"Diba si fafa tyler iyan?"

I'm Secretely Married with Mr.Popular (On Going)Where stories live. Discover now