One More Chance (Cathy Garcia Molina)

Start from the beginning
                                    

"Puwede po bang maki-CR?" biglang tanong ni Gavin na dahilan para matigil siya sa pag-iisip.

"Oo naman," sagot ng tatay niya. "Diretsuhin mo lang 'yan. 'Yong dulong pinto, naroon 'yong CR."

"Salamat po," wika ni Gavin bago tumayo mula sa pagkakaupo at puntahan ang CR.

Tulala pa rin siya at wala sa sarili, inaalala ang malulutong na tawa ni Gavin nang may bigla na lang siyang ma-realize. Kapag nagpunta ng banyo si Gavin, madadaanan nito ang kuwarto niya. At base sa pagkakatanda niya, nakalimutan niyang isara ang pinto ng kuwarto niya.

Ibig sabihin, makikita nito ang mga poster nito sa loob ng kuwarto niya!

"Shit!" biglang sigaw niya, tumayo sa pagkakaupo, natisod pa sa nakaharang na maliit na silya dahil nagmamadaling humabol kay Gavin para sana pigilan ito.

Narinig pa niya ang malakas na halakhakan ng nanay at tatay niya sa likod niya.


HINDI nakatulog si Gavin nang gabing iyon. Magdamag lang siyang nakatingin sa kisame, napapangiti. Nangangalumata tuloy siya kinabukasan. At kahit kinakausap na siya ng manager na si Lolita tungkol sa gaganaping press conference, lumilipad naman ang utak niya. Inaalala kung ano ang nangyari kahapon sa kuwarto ni Beauty...

He was stunned. Sa loob ng isang kuwartong nadaanan niya, marami siyang nakitang malalaking poster niya. Nakalimutan na niya ang tawag ng kalikasan. Parang may sariling buhay ang mga paa na pumasok siya sa kuwarto.

Siya namang dating nang natataranta at hinihingal pa na si Beauty. Nakitaan niya ng kaba at pagkapahiya ang mukha nito.Napangiwi na lang ito nang makita siya.

Ang isiping kuwarto nito iyon, at ito ang may-ari ng mga poster niya, ay nagbigay ng hindi pangkaraniwang tuwa sa kanya.

"Kuwarto mo ba 'to?" ngiting-ngiting sabi niya.

Umiling ito nang umiling. "Kuwarto 'to ng nanay at tatay ko."

"Really?"May kinuha siyang picture frame sa side table. Litrato iyon ni Beauty. "Eh ikaw 'to, 'di ba?"

Biglang namula ang magkabilang pisngi ni Beauty. Her lips twitched too. Nilapirot na rin nito ang laylayan ng damit nito, siguro dahil sa tensyon. She was so beautiful.

Nagpasya siya na lalo pa itong pag-blush-in. Gustung-gusto talaga niya na nagba-blush ito. Lalo na kapag siya ang dahilan niyon. "So, 'eto si Gong Yoo?" Tinuro niya 'yong isang poster niya. Nang sinabi nitong may picture ito ng Korean actor na may pangalang Gong Yoo ay talagang nabuwisit siya. Pero ngayon.... Na nalaman niyang poster pala niya ang nasa kuwarto nito...

"Hindi 'yan si Gong Yoo," wika ni Beauty. "Si Gung-Gong Yoo 'yan."

Tumawa siya ng malakas. Expect Beauty to give a witty remark on a serious situation.

So adorable, he thought.

"I guess, wala nang sense na mag-deny ako sa 'yo," wika nito, parang hirap na hirap dahil sa sinasabi. "Kaya aaminin ko na. May crush ako kay Gung-Gong Yoo." Pagkatapos niyon ay pinakatitigan siya nito.

It was his turn to blush. Nag-iinit na ang magkabilang pisngi niya. Beauty was the only woman who could make him blush. At hindi lang 'yon, napakabilis nang tibok ng puso niya. Nagpapaulit-ulit din ang sinabi ni Beauty sa tainga niya.

"Madalas ko pa ngang kausapin ang poster ni Gung-Gong Yoo dito eh," dugtong pa ni Beauty. "At kapag tinatamaan talaga ako nang kapraning-an, hinahalikan ko pa ang mga poster niya."

She was torturing him. Parang kinikiliti ang buong katawan niya sa sinasabi nito. No matter how gay or womanly it sounded, aaminin na niyang kinikilig talaga siya. Gusto na niyang humiyaw, maiyak at matawa nang sabay-sabay.

I love this weird feeling... saloob-loob niya.

"Now it's Gung-Gong Yoo's choice, kung masyado siyang nag-freak-out na nalaman niyang crush ko siya, puwede naman akong lumayo." Parang nasaktan ito nang sabihin nito iyon. "Kung tingin naman niya, nakakatawa 'yong feelings ko sa kanya, eh 'di sige. Hahayaan ko siyang gawing comic relief ang nararamdaman ko para sa kanya. After all,expected ko na naman 'yon. Hindi naman ako kasingganda ng mga—"

"Crush ka din ni Gung-Gong Yoo," putol niya sa sasabihin nito.

Her reaction was classic. Napanganga ito, nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya. By that time, he was really tempted to kiss her pretty mouth. Pero kapag ginawa niya 'yon, baka sumabog na ang puso niyang napakabilis ng tibok.

"T-t-then t-that's g-good," utal-utal na sabi nito. "Okay na may crush kami ni Gung-Gong Yoo sa isa't-isa." Lumunok ito, tila dina-digest ang sinabi niya. "Sige na. Ano, umihi ka na." Lalo itong namula nang sabihin nito iyon. How lovable. "Ano, pumunta ka na sa CR. Tapos pumunta ka na sa kusina. Kakainin pa natin 'yong macapuno sa ref."

Tumalikod na rin ito at bumalik sa kusina. How he wanted to run for her and at least, hug her. Hindi lang niya ginawa dahil baka mag-freak-out ito.

Alam kasi niya na kahit astig ang personalidad ni Beauty, hindi ito 'yong tipo ng babae na impulsive at papayag agad na makipag-relasyon sa kanya. Pag-iisipan pa siguro nito ang sitwasyon.

Kaya nang nakauwi na siya at nakahiga na sa kama, in-imagine na lang niya na paulit-ulit niyang hinahalikan si Beauty.

"Gavin? Gavin?!"

Natigil ang pagbabalik-tanaw niya nang pumitik si Lolita sa tapat ng mukha niya.

"Jesus, Gavin. Kanina ka pa tulala at ngumingiti diyan," inis na sabi ni Lolita. "Are you on drugs?"

Umiling siya. "Nah."

"Naintindihan mo ba lahat ng sinabi ko, ha?!"

Umiling ulit siya. "Hindi. Sorry."

"Christ." Ihinilamos ni Lolita ang palad nito sa mukha nito, sumandal sa inuupuan. "Spill it, Gavin. You know that if something is bothering you, whether it's sexually transmitted infection or booze or gambling, you have to tell it to me. Baka maka-apekto 'yan sa career mo."

Bumuntong-hininga siya. Right now, his career was far from his concerns. Pero kailangan naman talaga niyang isa-alang-alang 'yon. "Kailangan ko nga sigurong sabihin 'to sa 'yo. Pero trust me, kahit ano pa'ng sabihin mo, hindi ako magpapa-kontra sa 'yo. Hindi ako tatanggap ng opposition kahit ng negative reaction. Is that clear?"

"It depends kung ano ang sasabihin mo."

Naalala niya ang mukha ni Beauty. At sinalakay na naman siya ng mga sintomas na baliw na baliw siya sa babae. Bumilis na naman ang tibok ng puso niya. "'Cuz, I want to have a girlfriend."

Not Like In The Movies (COMPLETE)Where stories live. Discover now