You're nothing, but a second rate...

Start from the beginning
                                    

Alanganing tumango siya.

Hindi nito inalis ang kamay nito sa kamay niyang ipinatong nito sa dibdib nito. Nararamdaman pa rin tuloy niya ang init ng katawan nito.

Avoid useless thoughts, Beauty. 'Wag kang magpadala sa scripted na mga linya. 'Wag.

"Nararamdaman mo ba ang tibok ng puso ko, Beauty?"

Hindi niya alam kung paano magre-react.

"Ikaw lang ang nakakagawa sa 'kin niyan. Siguro kasi, para sa 'yo talaga ang puso ko. Siguro, itinakda ng Diyos na tumibok 'to nang ganito para sa 'yo." Inilayo nito mula sa dibdib nito ang kamay niya at inilapit iyon sa mga labi nito. Hindi nito agad hinalikan iyon, kaya nararamdaman pa niya ang mainit na hangin galing sa ilong nito na dumadampi sa balat niya.

Then, it happened. He kissed her hand. Lumapat ang malambot na mga labi nito sa palad niya. Lalo niyang naramdaman ang init ng hininga nito sa balat niya. Nararamdaman din niya ang nakakakiliting stubbles nito na naging dahilan para tumayo ang mga balahibo niya sa batok.

"Sana, sabihin mo na gusto mo rin ako..."

Gusto rin kita... muntik na siyang madala ng pekeng eksena.

Muli nitong hinalikan ang kamay niya bago nito tuluyang bitiwan iyon. He then winked at her afterwards. Automatic na naging playful ulit ang ekspresyon nito. "Tapos na," he said. "Ano? Okay naman ba? Hindi ba masagwa?"

"H-hindi ano, hindi... hindi masagwa," tarantang sabi niya. "I mean, ano, maganda nga eh." Napalunok siya uli.

"Bitin pa nga 'yong eksenang 'yon. Meron kasi akong hindi ginawa."

"Ha?" Dahil yata sa tibok ng puso niya ay bigla na lang siyang naging illiterate. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"I was supposed to kiss the character," sabi nito, nakataas ang sulok ng isang labi. "'Yon talaga ang ending nang eksena."

Bakit hindi mo ginawa? Gusto niyang itanong. Pero baka pagtawanan lang siya nito. "Dapat talaga hindi mo ginawa 'no. Gusto ko naman memorable ang first kiss ko."

"You're never been kissed?" He seemed to be amazed. Pagkasabi niyon ay bumaba ang tingin nito sa mga labi niya, dahilan para magrigodon na naman ang puso niya.

Hindi na nito inilayo ang tingin nito sa mga labi niya. Na-conscious siya kaya tumukhim siya. Mukhang natauhan na rin ito, dahil umangat na uli ang tingin nito.

"Siyempre, kahit pa'no may first kiss na 'ko. Lagi ko kayang kini-kiss ang poster ni ano kuwarto ko... poster ni..." Napatingin siya rito. Poster nga pala nito ang laging nasa kuwarto niya. "Poster ni Gong Yoo sa kuwarto ko."

"Gong Yoo?" ulit nito.

"Yong crush kong Korean actor," pagmamagaling niya. "Guwapo 'yon. Sexy pa."

Saglit na wala itong naging reaksyon. Pagkatapos ay naglayo na lang ito bigla ng tingin. Kahit nalito sa inasal nito, gano'n na rin ang ginawa niya. Ilang sandali ring walang nagsalita sa kanila, walang kumikibo.

Nakatingin na pala sa kanila ang mga staff ng pelikula, kanina pa siguro pinapanood ang eksena nila kanina. Halatang nagtataka ang mga ito sa nangyari.

"Ni-rehearse lang namin 'yong isang eksena," sigaw ni Gavin. "'Wag na kayong mang-intriga. Ituloy niyo na lang 'yang ginagawa niyo." Pagkatapos niyon ay nag-flying kiss ito sa mga kasamahan nito.

Kahit ganoon, hindi niya maialis sa isip niya na parang bigla na lang itong nawala sa mood.

NAGHUHUGAS ng kamay si Beauty sa restroom ng resort nang biglang pumasok si Ivana. Matalim ang tinging ibinibigay nito sa kanya at parang nahuhulaan na niya kung bakit. Tumabi ito sa kanya, naghugas din ng kamay.

"You know for a personal assistant, masyado kang malapit sa amo mo," sabi nito, emphasizing the word "amo."

"Pakialam mo?" pabalang na sagot niya, matalim ding sinulyapan ito sa salamin. Okay lang na tarayan niya ito dahil hindi naman ito ang nagpapasahod sa kanya.

"I pity you, you know," iyon ang naging sagot nito, malambing ang tinig pero nakakatakot iyon. Ivana seemed predatory in her eyes. She was like a snake. "Umaasa ka ba na mapapansin ka ni Gavin? 'Yang hitsura mong 'yan?"

"Wala akong gusto kay Gavin," pagde-deny niya.

She laughed. "C'mon. Alam ko ang hitsura ng babaeng may gusto sa isang lalaki. Babae din ako."

"Talaga?" sabi niya. Tinaasan ito ng kilay. "Kailan ka pa nagpa-sex change?"

Ilang taon din siyang nag-trabaho sa comedy bar kaya marunong siyang lumaban. Hindi siya nagpapatalo.

Ivana smirked. "You might be funny or even likeable, Beauty. But Gavin will never notice you in a romantic way," sabi ni Ivana na namumula na ang mga pisngi sa galit. "Isa pa, nare-realize mo ba na ako ang ka-love team niya? I'm sure, magkakaroon kami ng mga press conference na kailangan naming maging sweet sa isa't-isa. Matitiis mo ba 'yon, ha?" Isinara nito ang gripo, kumuha ng tissue sa bag nito at nagpunas. "You would not fit in Gavin's world, Beauty. Never. You would forever be a background. Forever ka lang niyang tiga-abot ng mineral water. You wanna know why? Because a star like Gavin... deserves the best. He deserves me." Ihinagis nito ang tissue na ginamit nito sa kanya, isinukbit ang bag sa balikat at lumabas na.

Naiwan siyang nakatulala. Alam niyang sinabi lang iyon ni Ivana sa kanya dahil may gusto ito kay Gavin at gusto siyang pasakitan nito, dahil siya ang napapansin ng lalaki. Pero naisip niyang may point naman ito. Because when she looked at the mirror, a girl with common looks was looking right back at her.

Life really had a way of sneaking up on you, and punching you right on the face.

Not Like In The Movies (COMPLETE)Where stories live. Discover now