Sabeeel... This Must Be Loooveee

Start from the beginning
                                    

Sumingit si Gavin. Salubong ang kilay nito. "You know what, I like her. She's different. She's unique. She's funny. I think she would be a fantastic leading lady."

And somehow, Gavin defending her eased her pain a little.

"Gavin, artista ka. I'm sorry pero hindi gano'n kahalaga ang opinyon mo. Napagkasunduan na namin ng mga casting directors na hindi siya nakapasa dahil parang niloloko lang niya tayo. Look at her clothes," napapailing na sabi ng direktor. "Plus the fact that she's not that pretty."

"Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Ayaw niya na ma-discriminate siya dahil simple lang siya," wika ni Gavin na parang nagalit na sa direktor. "Hindi rin naman siya pangit, ah? And she can act. Nakita naman natin 'yon."

"Gavin, we are in show business. At ang artista, ang isang leading lady, kailangang super ganda para maging kaaya-aya sa mata ng mga viewers."

Ang statement ng direktor na 'yon ang pinaka-bumasag sa puso niya. Parang nalanta ang fascinator niya sa ulo at bumagsak ang balikat niya. Kung hindi lang niya nagsilbing knight in shining armor si Gavin, baka bumunghalit na siya ng iyak.

"Pero may financial crisis daw sila ng pamilya niya..." pilit pa rin ni Gavin, parang frustrated na.

"Maghanap siya ng ibang trabaho." Hindi na talaga natutuwa ang direktor. "Trabaho na hindi kailangan sobrang ganda niya."

"This is stupid," wika ni Gavin, umalis mula sa pagkakaupo. Binigyan siya nito ng tingin na parang nanghihingi ng tawad. "You know what, tawagin n'yo na lang ako kapag may napili na kayo. I'm tired." Sa kanya ito nakatingin habang sinasabi nito iyon. "This is a very big disappointment."

Pagkatapos niyon ay tumalikod na ito, nakapamulsang naglakad palayo sa kanila, napapailing pa. Bahagya pa nitong sinipa ang nakakalat na bote ng mineral water. Naiwang nakasimangot ang direktor.

"Please leave, Ms. Molina," pagtataboy sa kanya ng direktor. "Next!"

Nagbalik lang sa kasalukuyan si Beauty nang tumalon ang pusa nila sa mesa, mukhang balak pa siyang agawan sa sardinas niya. Itinaboy niya ang pusa, Tinapos niya ang pagkain at pumanhik sa kuwarto niya at tinitigan ang mga poster ni Gavin.

"Salamat sa pagtatanggol mo sa 'kin," wika niya. "Ang bait bait mo pala. Lalo tuloy akong humahanga sa 'yo, penoy ko." Hearing the endearment made her sad.

Binigyan niya ng tig-iisang halik ang mga poster ni Gavin at kahit paano ay gumaan ang loob niya.

LIKE Beauty, Gavin was also devastated. He felt bad for the woman with the funny clothes—Beauty Molina, that was her name. Matutuwa siguro siya kung ito ang naging leading lady niya. Mukha kasing masarap itong kasama.

Sa totoo lang ay tinatamad siyang pumunta kanina sa audition. He was bored in the routine of show business. But acting was his real craft.

Mas gusto niya na sa sa theater na lang umarte at hindi sa telebisyon. 'Art' kasi ang tingin niya sa theater, hindi 'business.' Kung hindi lang siya nakapirma ng kontrata sa isang network, malamang ay hindi siya pumayag na gawin ang pelikulang iyon in the first place. He was not fond of showbiz and never would. Ang balak niya ay magpaalam agad kanina—but the weird woman had caught his attention.

She was pretty funny. Mas gusto niya ng babaeng may sense-of-humor kaysa mga babaeng ubod nang ganda. She also had a nice attitude. She was full of energy. And she was so unique. Beauty made her laugh like no other woman did. And for him, it made her somewhat attractive.

I'm nuts, bulong niya sa sarili. Kahit naglalaro siya sa tablet niya ay ang babae pa ring iyon ang nasa isip niya. Ipinagtanggol pa niya iyon sa mga direktor kanina. Yup. I'm absolutely nuts.

"Gavin," sabi ng pinsan niya na nagsisilbi ring manager niya. Si Lolita—ipinangalan kasunod ng karakter sa nobela ni Vladimir Nabokov, hindi kay Lolit Solis. "You fired your personal assistant again."

"Yup."

"Bakit na naman?"

"She was sorting through my things. Nahuli ko rin na kinuha niya 'yong isa sa mga cell phone ko," wika niya na hindi man lang tinitingala ito.

Umiling si Lolita. "Mahihirapan ka kung wala kang assistant. Hindi ka organized. Magiging tambakan na naman ng basura ang van mo."

"Uh-huh."

"Gusto mo bang ihanap kita ng personal assistant mo? O ikaw na ang bahala do'n?"

At bigla siyang natigil sa paglalaro ng Temple Run dahil pumasok sa isip niya si Beauty. Naalala niya iyong sinabi nitong nahihirapan ang pamilya nito dahil mababa ang sahod nito. 'Yon ang isa sa mga dahilan kaya gusto talaga niya itong ipagtanggol kanina. Gusto niyang tulungan ito.

Paano kaya kung ito na lang ang kunin niyang personal assistant niya?

She's not going to accept that, man, may tinig na nagsasabi sa kanya. Iisipin niya na kinakaawaan mo siya. O iisipin niya na iniinsulto mo siya.

But come to think of it, it would be perfect. Isa siyang bored na artista at ito lang ang babaeng nakapagpawala ng boredom na 'yon. Magugustuhan niyang magkaroon ng kasamang kasing-kuwela nito. At isa pa, hindi niya maintindihan kung bakit, pero gusto talaga niyang makita ito uli...

Pero baka hindi siya pumayag...

Pero hindi naman siguro masamang mag-offer 'di ba? Kapag tumanggi ito, wala siyang magagawa. Kapag tinanggap nito, he would gladly take her. Ibinaba niya ang tablet niya at nginitian si Lolita.

"Ako na ang bahala, 'cuz."

'Yon lang at iniwan na siya ng pinsan siya.

For goodness' sake, he was grinning ear to ear kahit mag-isa na lang siya sa kuwartong 'yon. Para tuloy siyang baliw. Ini-imagine lang niyang muli niyang kausap ang babae at na-e-excite na siya. Ano bang nangyayari sa kanya?

I'm really nuts, muli na naman niyang sabi sa sarili. But it feels good so I guess it's going to be okay.

Yup. He guessed everything would be as fine as paint.

Not Like In The Movies (COMPLETE)Where stories live. Discover now