Lie #15: Friendship Over

Start from the beginning
                                    

"Nakakalimutan mo na ba yung sinabi ko sayo? He's just using you!"


"I dont care! I dont fucking care!"

Now I know how a big liar I am. Naguluhan tuloy ako lalo. May sinigaw siya na pahabol sakin and that caused me na mapahinto sa paglalakad


"Wag kang magsinungaling, Erica! Wag mong itanggi sakin na hindi mo din naramdaman yun!"


"I dont know what you're talking about! Shut up, Derick! Bumalik ka na sa loob. Nakakahiya sa kanila! Pakisabi na lang na kailangan ko na talagang umalis!" I shouted back and started walking again.


"See? Hindi ka masasaktan kung wala kang pakiilam. At hindi ka rin magseselos kung wala kang nararamdaman" sumusunod ata siya sakin. Salamat naman na kahit paano mini maintain niya yung distance samin dalawa. Siguro dahil gusto niya pang humaba ang usapan.


"Im not hurt, either jealous. Walang dahilan, Derick. Wala" mariin na sabi ko. This is not funny anymore. Mukha kaming mga tanga na nagsisigawan sa kalsada.


"Kung totooo ang sinasabi mo, sige sumama ka sakin ngayon at babalik tayo sa loob"


"Di mo ba narinig sinabi ko kanina?! Magkikita nga kami ni Robie!"


"Well, if you'll just leave like this, then iisipin ko na tama ang sinabi ko kanina. That you're jealous at mahal mo na nga ako"

I stopped on my heels para lingunin siya. Now he's smiling naughtily. He got me there and he knows it.


"Bahala ka na sa gusto mong paniwalaan!"


"Hindi ako naniniwala sayo, Erica! Cant you feel it? Cant you fucking feel kung ano yung nararamdaman ko para sayo? Hindi ko alam kung manhid ka ba, nagpapanggap na walang alam or just too heartless!"


"Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo. Please, let me go now" pakiusap ko. Hindi ko talaga alam ang gusto niyang sabihin. Kung yung nararamdaman ko nga hindi ko maintindihan, yung sa kanya pa kaya?


"Tell me just one more lie, babe"


"You want a lie? Okay fine. I love you!" I ran as fast as I can makalayo lang sa kanya. Hindi ko na alam ang dapat gawin o sabihin. Ano ba yung nararamdaman niya para sakin? Why is he like that?

Gustong gusto ko itext si Robie. I want to ask him kung bakit bigla na lang siyang nawala kanina. But Im not in the position na gawin yun. There's something that stopping me. And maybe Im too tired. Yung pag uusap namin ni Derick mas nakakapagod pa kaysa sa paglalaro ko ng volleyball.

Uuwi na lang siguro ako since I have nowhere else to go. Wala naman nang gagawin sa school. And how can I explain yung bigla ko na lang pagkawala? Nakakahiya din kay coach. I didnt even bother to say my thanks for a reason I dont know.

Naalala ko na naman yung paghalik ni Derick kay Angeleen. Alam kong hindi dapat ako maapektuhan pero inunahan ako ng katawan ko. Parang yung utak ko mismo ang nagkusa na diktahan ako na tumayo at umalis.

Shit.


"Ma, nandito na ako" sigaw ko bago ko pa buksan yung pintuan ng bahay. Pagpasok ko napahinto ako sa doorway. Nandito si Annabeth, Stephen at Robie. Nakaupo sa sofa at pare parehong nakatingin sakin.


"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko. I just hope it didn't sound rude at all. Nagulat lang talaga ako na nandito sila ngayon. And their faces.. Ugh

Tumayo si Annabeth at lumapit sakin. Buong akala ko yayakap siya pero laking gulat ko nang sampalin niya ako ng malakas.


"Annabeth?!" magkasabay na sigaw ni Robie at Stephen. Hawak hawak ko naman yung pisngi ko. Pakiramdam ko nag iinit yun.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now